NOTE:
Picture ni Kelvin yang nasa gilid^___^
at dedicated tong chapter na 'to kay Rianne dahil sakanya ko ito unang pinabasa <3 :)
----------------------
At ang huling naaalala ko na lang nung gabing 'yun ay nawalan ako ng malay, nakita at iniligtas naman ako ni Kachupoy.
He's my savior.
.........
That happened 2 years ago ...
Pero hanggang ngayon, sa twing makikita ko silang dalawa. May kirot pa rin akong nararamdaman sa puso ko.
Bakit ba hindi ko siya maalis sa puso ko?
Ika nga nila. First love never dies.
Hayyss.
------------
* knock knock knock *
" HOYYYYY!! BABAENG SAKSAKAN NG PANGET!!! BUKSAN MO TONG PINTO FIRST DAY NG PASUKAN NATIN NGAYON!!! "
Ayy syeettt. Si Kachupoy -__-
Gising na ako noh. Tinatamad lang akong bumangon ng kama!
Ts. Ang aga niyang mambulabog nakakainis! -__-
Tinakpan ko ng unan yung mukha at tenga ko para 'di ko siya marinig.
" ARAAAAYYYY!!! NAMAAAN!! ANG AGA AGAA!! "
Aba ang walanghiya nakapasok ng kwarto ko at dinaganan ako!! Grrr
" Hoy! Panget! Bumangon ka na! Pumasok na tayo maligp ka na magbihis ka na bilisan mo! "
Hinihila niya naman ako patayo ng kama pero nanlalambot pa ko kaya nakaupo pa rin ako at siya walang tigil ng hila sakin
" Anu ka ba?!! Ang aga aga pa oh! 7 am pa ang pasok! 5:30 pa lang! Excited much?! " -_-
" Eh ang kupad kupad mo kayang kumilos! Oh. Tutunganga ka pa nyan ng 30 minutes, maliligo ng isang oras, magbibihis ng 30 minutes, kakain ng isang oras! Kwentahin mo lahat dalawang oras ka mag prepare! Kaya lagi tayong late e! "
" Oo na eto na!!!
Wala akong magawa napakakulit niya kaya kumilos na ko.
* school *
" Oh. Ayan! Hindi tayo late! Maaga tayo ng 10 minutes! Kita mo oh! Wala ng tao sa grounds "
" Anong hindi late?! Tignan mo nga yang relo mo! Walang tao sa grounds dahil late na late na tayo! Nasa classroom na lahat ng estudyante hayy nako ka naman talaga oh! "
Huh?! WTF?!! Oo nga 7:45 na -__-
Geez.
Pumasok na kami sa classroom. Thank God mag kaklase ulit kami ni Kachupoy !! Nakuu patay ako kung hindi , wala akong aasahan!
MWAHAHAHAHAHA.
Inabutan namin nagpapakilala na yung mga new students.
*knock knock*
" Good morning Ms. , sorry we're late "
" Hayy nakoo. Kayo nanaman? First day of school e late agad. Mr. Dela Vega at Ms. Fuentes, last year lagi din kayong late ah? Sa susunod hindi na pwede 'yan ha? Oh sya, umupo na kayo. "
" Thank you ms. "
Hayy ang dami niyang dada :'(
Eto namang si Kachupoy walang tigil ang pagsiko sakin. Kasalanan ko daw kung bakit kami late.