Stoned Heart (girlXgirl)

411 2 0
                                    

Note:

Hello :) first time ko pong sumulat ng storya dito sa wattpad haha kaya pagpasensyahan niyo na kung maraming errors o kung anu pa man at, isa po itong lesbian story :) kaya po kung hindi kayo kumportable or open minded sa ganitong bagay ... Wag na lang po basahin hehe :)

-------------------------------------

Kelvin's P.O.V

I'm Kelvin Dela Vega.

Pogi ako ayan lang thanks.

Hahahahah! joke lang ^_^.

Ako si Kelvin, pogi talaga ako e. Maputi, singkit, mejo matangkad, at basketball player ng school namin.

Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero 'yan talaga ang deskripsyon ng karamihan sa akin ...

Marami na rin akong achievements, tuwing magkakaroon ng sports fest ang school namin, ako ang laging napipiling MVP, madalas rin akong napipili para lumaro sa Provincial Meet.

Hilig ko rin ang pagkanta at pagtugtog ng piano.

Bata pa lang ako hilig ko na ang pagtugtog, at nung nalaman 'yun ng parents ko inenroll nila ako sa isang music school para ma enhance ang skills ko.

Madali rin akong maka pick-up ng kanta, papakinggan ko lang siya at itatak sa puso ko then ..... boom ... kaya ko na siyng tugtugin sa piano :)

At minsan, sa sobrang sama ng loob ko, sumusulat din ako ng kanta.

Pero never ko pa yung pinarinig kahit kanino.

Nirerecord ko lang siya ..

May bestfriend ako. Nuknukan ng kulit, tigas ng ulo , at walang pinapakinggan.

Para ko na siyang kapatid. Magkaibigan ang parents namin kaya bata pa lang kami magkakilala na ... Halos araw araw kaming magkasama, parang kapatid ko na nga ito e.

----------

Bree's P.O.V

Heylowwwwwwwwwww.!! Ako nga pala si Brizella T. Fuentes or Bree na lang itawag niyo sakin dahil I find it cute ^__^

Graduating na rin ako ngayong school year, thankful ako dahil nakatapak pa ko ng fourth year

Bobo kaso ako e, tanga, tamad, walang kwenta, isang hamak na volleyball player lang.

Wala akong ibang alam gawin maliban sa pagtugtog ng piano.

Madalas rin akong magisa sa bahay, dahil lagi silang nasa ibang bansa ... Business trip daw.

Galit sakin ang parents ko, bakit daw ako nagkaganito, hindi nila ako naiintindihan.

Wala daw silang maasahan sa akin, nagiisang anak nila ako. Kanino raw nila ipamamana ang kumpanya kung ganito ako?

Ts. As if I care! Wala akong pakielam sa kumpanya na 'yun, at isa pa wala akong alam sa business business na 'yan, hindi ko 'yan hilig!! ~_^

At ...

Hindi ko ba alam sa sarili ko kung bakit ako nagkaganito ...

Hindi naman talaga ako ganito noon, naalala ko pa nga nung Elementary, lagi akong nasa top. Nagpapagalingan pa nga kami ni Kachupoy e ...

Kachupoy, si Kelvin 'yan! Hahahaha kachupoy kasi ang tawag ko sakanya ^__^

Bakit nga ba ako nagkaganito? Bakit ko nga ba sinira ang buhay ko ...

*FLASHBACK*

Monthsary namin ngayon ng Marky ko ^__^

Gusto ko siyang isurprise! Kaya pinagbake ko siya ng cake.

Sa totoo lang wala akong alam sa pagb-bake kaya magsearch ako sa internet kung papaano! :)

Excited na kong ibigay 'to sakanya, I'm sure na matutuwa siya!

God knows kung gaano ko kamahal si Marky. Ang first love ko ^_^

......

" Ay g-good evening po ma'am. "

Sabi nung maid nila marky sa akin.

Bakit parang takot naman 'to? Hmm

Hindi ko na lang pinansin.

" Good evening din. Si Marky po? "

" A- ayyy ma'am kasi po ano e. "

"Helloooow atee! ^__^ "

Sabi nung batang kapatid ni marky, si Yumi.

Hinug niya ako at kiniss sa pisngi.

" Hello baby! Nasan si kuya mo? ^__^ "

" Andun po sa kwarto niya "

Sabi ni yumi.

" Okay, thanks. Puntahan ko lang si kuya ha. "

" Sigii poo ^__^ "

" Ayy ma'am!! W-wait lang po "

Sabi ulit nung maid nila

" Bakit po? Okay lang po ate, is-surprise ko lang si Marky ... "

Hindi na nakaimik yung maid nila.

She's acting weird!

Pero hindi ko na lang pinansin pa.

............

Pagbukas ko ng kwarto ni Marky.

Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat ko. At yung cake na binake ko para sakanya ay nabitawan ko ...

I saw him and my BESTFRIEND Jessie.

They we're kissing ...

Huling huli ko sila sa akto.

At nung narinig nila na bumagsak yung cake, napatingin silang dalawa sakin.

Halatang gulat na gulat din.

" W-what are you doing here? Bakit hindi mo man lang ako tinext? "

Ang sabi ni Marky ..

O_O << ang reaksyon ko nung nakita ko sila ...

Bigla na lang tumulo ang luha sa ma mata ko ...

" At bakit? Dati naman lagi kitang sinusurprise ah. At ngayon ako ata ang na sorpresa sa nakita ko!! Anong ginagawang niyong dalawa ditooo?!! "

" W-wait let me explain! "

Sinampal ko siya ..

" Explain what?!! Nakita ko na lahat ng dapat kong makita!! "

Sinampal ko ulit siya

At lumapit sakin si Jessie

Sinampal ko rin siya at dinuro duro ng dahil sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko.

" At ikaww! Isa ka pa!! Ahas ka!! Akala ko pa naman kaibigan kita! Traydor ka!! Traydor kayong dalawa!! Mga manloloko kayoo!! "

Tumakbo na ako palabas ng bahay nila Marky.

At napakalakas ng ulan.

Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Hanggang sa napatigil ako. Nakita ko yung playground na madalas namin puntahan ni Marky.

May malaking puno dun, at sa ilalim

nun may bench.

Naupo ako at nagiiyak.

Sobrang sakit, napakasakit. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko na mapigilan ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Ang luhang ito na dala ng galit at sakit na nararamdaman ko.

Bakit? Bakit? 'Yan lang ang tanong na gusto kong masagot.

Bakit kaibigan ko pa?

Bakit nila ako nakuhang lokohin?

Ngayon lang ako nagmahal.

Pero bakit ang sakit?

Sobrang sakit, parang dinudurog ang puso ko.

Nagsisikip na ang dibdib ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

*END OF FLASHBACK*

Stoned Heart (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon