Dedicated to Ms. Mierj, a.k.a Ms. MAGANDA AKO. Sana po magustuhan niyo ulet, though nagustuhan niyo naman po talaga. Ang haba nga po ng comment, deva? Haha. Lovelots!
---
Naglalakad ako sa corridor nang may biglang tumawag sa pangalan kong ubod nang rikit. Pero, sino naman kaya iyon?
"Aia! Aia!" sigaw nito.
Tumingin ako sa likod at nakita ko ang isang prinsipeng hingal na hingal. Ang gwapo niya talaga kahit pawisan siya nang dahil sa basketball training niya. Pero hindi pa ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Aia Cruz at iyong prinsipeng tinutukoy ko ay si Lance Daniel Guevarra, ang ultimate crush ko. Mabait siya sa akin at sa iba pang mag-aaral kaya hinahangaan din siya ng iba pang mga estudyante.
"O bakit naman?" tanong ko pagkarating niya sa harap ko.
Hindi ninyo naitatanong pero close kami sa isa't isa. Kaklase ko siya simula noong first year high school kaya hindi na maikakaila ang closeness namin sa isa't isa. At ito ang malupit, seatmate ko pa siya, kaya naman lagi akong inspired, eh. At saka libreng sulyap na rin kahit papaano.
"Samahan mo naman ako doon sa gym mamaya," saad niya habang nagpupunas ng pawis.
"B-bakit naman?" nauutal kong tanong.
Kailangan talagang mautal? Saan ang utak mo, teh? Lutang lang? Paano naman ako hindi mauutal eh nakatingin siya nang diretso sa aking mga mata. Hindi kaya gusto na rin niya ako? Sige Aia, mag-assume ka lang. Wala naman pumipigil sa'yo eh.
"Tulungan mo akong dalhin iyong mga jersey at iba ko pang mga gamit sa basketball trainings. Masyado kasing marami eh," sabi niya sabay hawak sa batok.
Aaawtsuu. It hurts, men. Kita niyo 'yun oh. Ginawa ba naman akong muchacha? Ganyan talaga siya lalo na sa akin. Yaya ang turing sa akin eh. Ewan ko ba kung bakit sa dinami-rami ng mga lalaki sa mundo, siya pa 'tong naging crush ko.
"Ay, ginawa akong uripon? Ambad ni Guevarra," sabi ko.
"Sige na. Friends naman tayo, diba?" sabi naman niya with matching sparkling eyes pa.
"Sige na nga. Basta ilibre mo ako ng siomai sa Chowking," ganti ko naman.
"Kung gusto mo, may beef chao fan pa. Chalamat Aia! The best ka talaga, eno!" sabi niya at naglakad na rin papunta sa shower room. Hay naku Guevarra, lalo ata akong naiinlababo sa'yo.
Nakakainis talaga siya kasi naman, palagi na lang siyang ganoon. Pero ayos na rin, atleast makakasama at makakasabay ko siyang umuwi mamaya. Malapit lang kasi sa bahay namin 'yung bahay nila. Mga five blocks away lang. Pumunta na ako sa classroom at nadatnan kong nagme-make-up si Marcia.
"Gurl, sabay tayo mamaya ah. Bili tayo ng bagong make-up at gloss. Paubos na kasi 'yung supply ko eh," sabi niya habang naglalagay ng eye shadow at nakaharap sa salamin.
Adik din sa make-up 'tong babaitang 'to ah. Parang mamamatay siya kung wala siyang make-up. Sa pagkakaalam ko, kabibili lang niya ng make-up last week. Nilalagyan niya ata ng make-up ang buong katawan niya. Really?! Embalsamo lang?!
BINABASA MO ANG
I Heart You, Lamok! (Two-Shots)
Teen Fiction❝ Nang dahil sa lamok, nagkaaminan sila... ❞