That's My Aia Cruz...

19.3K 1.1K 157
                                    

Mumunting Kadaldalan mula kay Shai:

Okay, first of all, gusto ko munang magpasalamat sa lahat ng feedbacks na nakukuha ko mula sa mga readers. It means a lot to me, ya know, lalo na't isa lang akong amateur and not-so-neophyte dito sa mundo ng Watty. I can be your hero, baby! Chos! Pwedeng-pwede ninyo akong maging friend. Hindi ako nangangain. Tee-Hee!

Okay ulet. Ang kwentong ito ay nag-ugat sa aking malikot na imahinasyon. Alam ninyo na ang motto ng Kream stix! Chos ulet! So, tungkol nga sa lamok ang kwento na ito. Well, hindi naman kabog itong chapie na ito so kung may negative feedbacks kayo inside your heads, sige lang. Ayus lang sa akin. Nakakainis kasi ang mga lamok, tsaka noong time na naisip ko ang konsepto ng IHYL, uso pa ang dengue. Tee-Hee ulet! So ayun, bigla na lang nag-explode ang aking utak at nabuo ang IHYL. Actually, naging assignment ko 'tong istorya na ito sa Filipino subject namin. Gruwabeh! Ang haba ng comment ng teacher ko!

Tapos 'yung pangalan na Lance, nakuha ko 'yun sa word na "chance" na pinalitan lang ang first letter. Ang cute at ang astig kaya ng pangalang Lance, parang si Lance Mariano ng SL na super ina-admire ko. Tapos 'yung Aia naman, napulot ko lang diyan sa tabi-tabi. Haha! Jowk lang! Nakuha ko 'yung sa pangalan ko. Nagtanggal lang ako ng kaunting letters, and tadah! Nabuo ang pangalan na Aia.

To sum it all, sana po ay magustuahan ninyo rin ito kahit hindi siya kabog. Feedbacks po ah! Tsaka mag-message lang kayo sa akin, kung may ideas kayo diyan na siguradong makakaagaw ng atensyon. Salamat po!

AYLABYU OL!

---

It's been how many months since the day I confessed to her. Nakakabading lang pero sa tuwing naaalala ko ang 'lamok moment' na 'yun, natatawa lang ako sa sarili ko. Dinamay daw ba naman pati ang inosenteng lamok? But nonetheless, I am still happy because I've got the courage to confess my feelings for her. At sa ngayon, isa na akong masugid na manliligaw. O diba naman, lume-level-up si Kapitan Guevarra. Tss. Kailangan ko ng bakuran 'yun noh. Mahirap na baka maunahan pa ako. Balita ko kasi, galing sa mga team mates kong chismoso, marami raw ang nagkakagusto kay Aia ko sa section B ng Fourth year, tapos isama niyo pa 'yung mga lalaking estudyante sa lower years. I feel threatened. Akin lang si Aia Cruz noh.

Kasalukuyan kaming nagpapraktis para sa gaganaping qualifying games ngayong araw. Matagal na rin namin 'tong pinaghahandaan, simula pata yata noong umpisa ng school year. Dahil ako ang team captain, ako ang inaasahan nilang gumawa ng maraming puntos. Pero hindi naman ako ganoon kaganid kaya ipinapasa ko rin 'yung bola sa iba ko pang team mates. Si Coach naman, ayun, pa-relax-relax na lang.

"Guevarra, ngiting-ngiti ka diyan? Anong meron?" tanong ni Coach sa akin noong nag-water break kami for 10 minutes. Aba't usyusero talaga 'tong si Coach. Ngumisi lang ako kay Coach at tinignan 'yung cellphone ko. Tss. Sabi na nga ba eh, nagtext na naman si Aia ko.

From: Aia Cruz ko <3

{ Hoy Guevarra! Wag magpapawis ah! Babaho ka eh! Wala ka ng hug, sige! Echos!=P }

Tss. Nakakabawas ba ng pagkalalaki ang kiligin? Tss. Bading na ako kung oo. Ni-reply-an ko lang siya.

To: Aia Cruz ko <3

{ Opo, kanai ko. Miss mo lang ako eh. Nood ka ng qualifying games namin mamaya ah. }

From: Aia Cruz ko <3

I Heart You, Lamok! (Two-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon