Marami sa atin ang nagmamahal, nagmahal at magmahahal. Bakit nga ba tayo nagmamahal kung alam lang din naman natin na sa dulo ng pagmamahal ay meron sakit na mararamdaman?
Noong bata ako, marami ang nagsasabing masarap magmahal dahil dito mo lang daw matatagpuan ang tunay na kaligayahan.
Yung iba naman nagsasabi, hindi masarap mgmahal dahil nakakasakit ito at maraming sakripisyong kailangan gawin..
At yung iba sinasabi na magmamahal parin sila ng paulit ulit kahit mabigo sila..
Pero..
pero..
pero..
Ano nga ba ang ibig sabhin ng MAHAL?
Habang unti unti akong nagkakaisip nauunawaan ko kung ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang MAHAL.
Ang salitang MAHAL ay nagpapatunay o nagpapakita na isa kang mahalaga sa tao pero mahirap sabihin o mahirap ipakita.
Habang tumatagal,ang salitang MAHAL ay nadagdagan ng KITA mula ng nakilala kita..
Kaya ang salitang MAHAL KITA ay nabigkas ng aking mga labi..
At umasa ako,
umasa ako.
Oo umasa ako.
Sa paglabas ng mga salitang yan ay ang pagbigkas mo rin pabalik sa akin na MAHAL DIN KITA.
Ngunit..
Sa pagtahimik mo pagkatapos kong banggitin ang mga katagang yan ang pagwasak ng aking puso..
Na tili ang unti-unting karayom ay bumabaon sa aking puso ko hanggang sa mga ugat nito
ang salitang binitawan ko ay hindi mo kayang bigkasin pabalik sa akin..
Masakit..
Sobrang sakit..
Wala akong magawa kundi ang tanungin ka..
Tinanong kita.
bakit?Bakit??
Bakit hindi mo mabigkas ang salitang binitwan ko???
Ngunit imbis na sagutin mo ako kung bakit..
Ay mas masakit pa ang iyong singot pabalik.
patawad.
Patawad. Patawad.Sa bawat pagbigkas mo ng patawad ay ang salitang nabibigkas ko parin sayo ay mahal kita..
mahal kita..
mahal kita..
Ngunit sa paulit ulit ko na pagbigkas ng mahal kita..
isa lang ang narinig kong nagpukaw sa aking isipan..
salitang hindi ko alam kung totoo ba o hindi..
Ngunit ang salitang ito ay nagpabuhay sa puso kong unti unti mong dinurog.
salitang alam kong matagal tagal kong hihintayin..
"Patawad, ngunit hindi pa ako handa, hindi pa ako handa para magbitaw ng rin mga katagang sinabi mo sa akin.. Hindi pa ako handa.. patawad sa kadahilanan hindi ko pa magawa. Ngunit nangangako ako. Oo nangangako ako syo.. Na isang araw mabibigkas ko rin yan.. Patawad.. Ngunit Pakiusap Hintayin mo ako"
-----
![](https://img.wattpad.com/cover/94580832-288-k221410.jpg)
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan AKO AASA?
PoesíaIto ang kwento kung bakit.. bakit tayo umaasa sa isang taong nagbigay ng pag-asa