Chapter 1

0 0 0
                                    

Aaliyah Marie

Nakita ko silang dalawa ng ex niya. Sinugod ko silang dalawa at sinampal ko ang boy friend ko. Ngayon ko pa nalaman na ganyan pala ang ugali ng boy friend ko. Sana hindi nalang ako nagpaloko. Sana hindi nalang. Ang sakit pala masaktan. Buti pa yung iba, ang daling maka- move on, pero ako aabutan nalang ako ng new year, hindi parin ako nakaka-move on.

Gusto na gusto ko kasi yung boyfriend ko e. Sobrang mahal na mahal ko siya.

Siguro, dadating din yung araw ng kung saan,  ready na akong mag mahal ulit at bubuksan ko na ang puso ko ulit para sa pagmamahal.

******

"Oh, ano best? ano problema?" tanong ng best friend ko na si Klaire.

"May iba na siya." sabi ko habang umiiyak.

"Asan siya?! halika! Uupakan natin.!" sigaw ni klaire.

"Wag na! masasaktan lang tayo." sabi ko.

Niyakap nalang ako ni Klaire.

"Sorry, bes. Hindi kita naipagtanggol sa gagong boyfriend mo." sabi ni klaire.

"Okay lang. Alam ko naman na mas mahal niya ang Ex-girlfriend niya." sabi ko.

"Don't worry. May ipapakilala ako sayo." sabi niya.

Hindi na ako sumagot pa kasi sobra akong nasaktan.

******

Hinatid nalang ako ni klaire sa bahah namin gamit ang sasakyan niya.

"salamat sa paghatid, klaire." pagpapasalamat ko.

Pagbukas ko ng pinto, niyakap agad ako ni mama.

"okay lang yan, anak." sabi niya.

"bakit niyo nalaman?" tanong ko.

"hindi na yun importante, anak." sabi ni mama.

******

Umakyat na ako patungo sa kwarto ko. Puno ng desenyo ang kwarto ko. Nandun ang mga litrato namin ng boyfriend ko na si James nasa ding ding yun. Lahat ng teddy bear na binigay niya sa akin ay nasa cabinet ko. Itatapon ko sana ang mga yun pero nasasayangan ako. Hay, ang hirap, grabe. Siguro, time na, na maghiwalay na kami.

"Break na tayo!" chat ko sa kanya.

hindi niya ako nireplyan. Gi seen niya lang ako pero bahala na siya sa kanyang buhay. Ayoko na! Ititigil ko na to kasi na pagod na pagod na ako!  Ayoko ng magtiis pa! Kaya ako nalang ang lalayo.

CALIFORNIA DAYSWhere stories live. Discover now