Chapter Sixty-Three : MIRANDA

8.4K 136 11
                                    

CHAPIONSHIP SERIES, GAME # 1 at the Grand High Dome

Holy Family Roaring Lions won over the Saint Benedict Red Hawks, 97-90


IT WAS THE Game # 2 of the championship series with our arch rival the Saint Benedict University. The Roaring Lions leading the series with 1-0 at the best of three championship series.

Medyo pagod si Jacob nang maka-Skype ko siya kagabi. Pagod pero masaya dahil nanalo sila sa Game 1.

Mabibilang sa daliri ang mga oras na magkasama kami ni Jacob simula nang mag-umpisa ang championship series. Bago kasi ang game 1 ay nag-game planning sila ng dalawang araw sa Zambales para sa gagawin nilang atake sa SBU Red Hawks. Hindi raw kasi birong kalaban ang arch rivals nila. It was an equal match ayon kay Coach Mar. The Red Hawks had also strong players who can match the Roaring Lions.

Kaya puro sa Skype at Facetiming o kaya ay sa telepono na lang ang pag-uusap namin dahil hiningi rin sa kanila ni Coach Mar na mag-focus na muna sila sa championship games.

Hindi sila sa HFU gym nagpa-practice kundi sa sports training house ng HFU sa Quezon City. Doon na rin sila natutulog bilang parte ng rigid training at team building.

Pagkatapos ay meron pa silang player profiling na ginawa ng isang sikat na TV station para sa teaser ng NUAP championship series dahil ang TV station na iyon ang magko-cover ng airing ng laro.

Pwera pa ang photoshoot nila para sa sariling teaser ng NUAP committee. Ganoon na sila sobrang ka-busy.

And we understood. The Roaring Lions were aiming for a history of a 4-peat. Pangalawa pa lang sila sa makakagawa since the 1952 Season 4-peat of the Philippine University. Isang legacy iyon para sa graduating players na sina Jacob, Bobby, Ryan at Andrew. Their names would be forever etched in NUAP basketball history if ever they would get this championship.

Kung sakali. Kaya naman puspusan talaga ang ginagawa nilang paghahanda. At isa pa, SBU ang kalaban nila. Malaking sampal sa unibersidad kung matatalo sila ng arch rival nila, and vice versa.

Laging sold out ang mga tickets basta HFU at SBU ang magkalaban lalo na ngayong championship games. May mga naunang nakabili ng tickets na kahit nire-resell sa napakamahal na halaga na halos apat na beses ng original price ay may bumibili pa rin—ma-witness lang ang laro between the arch rivals.

Kaya sa sobrang busy nina Jacob ay nagkakasya na lang kami sa pag-uusap sa Skype at Facetime. Binibigyan naman ang mga players ng isang oras na free time para makipag-communicate sa pamilya at sa mga girlfriends.

Hindi ko sinasayang ang pagkakataong iyon. Hawak ko na ang iPad at cellphone ko kapag ganoon.

I was sure ganoon din si Ashley kay Bobby at si Carmela kay Ryan. Pati na rin ang iba pang girlfriends ng mga teammates ni Jacob.

Tuwing may laro na lang kami nagkikita ng personal. Katulad ngayon , inabangan namin ang coaster van nila para lang mayakap at mahalikan sila bago man lang sila pumasok sa players' dug out ng Grand High Dome.

Para kaming mga fans na nag-aabang sa pagdating ng mga celebrities. The rest of my friends were already on their seats inside the arena. Magkakatabi ang mga upuan namin kasama ang buong pamilya ni Jacob at Bobby.

Maya-maya pa ay dumating na ang coaster van ng team. Bumilis ang tibok ng puso ko sa anticipation.

At mula roon ay unang iniluwa si Jacob wearing a white t-shirt with a picture of a roaring lion at the middle, his varsity shorts at rubber shoes.

ALL OF ME : College Hottie # 2 - Jacob MaravillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon