Chapter 36

1 0 0
                                    

Eula's P.O.V.
May nag-bukas ng pinto! Ayan na sila!

"Sorry for being late", at may dalawang pumasok na lalake. At umupo sila sa harap ko at tabi ko. Yung isa, chinito, naka-salamin, uhhh cute? At maputi. Mukhang mas bata pa sa'kin kaya siguro grade 7 'to. Yung isa matangkad, medyo moreno at... Pogi? Matangkad siya, so siguro grade 10. Ano ba 'tong mga 'to?! Bakit lahat sila mukhang cute at pog-

"Miss? Bakit po ang sama ng tingin niyo sa'min?"

"Tsaka mag-rereview pa kami sa quiz bee, kaya..."

"I'm sorry. K-kasama ako dito. S-sorry talaga", napa-yuko ako sa sobrang hiya.

"Joke lang, alam namin kasama ka namin", napa-tingin ako sa kaniya.

"Ako si Martin, gr. 7", at nag-smile siya sa'kin.

"Ako si Zack, gr. 10", at nag-smile din siya. Ok, to be honest, kung ibang babae lang yun nandito matutunaw na sila pero 'not me'

"Ako si Eula, gr. 8", at nag-smile din ako. Nag-tinginan sila at nag-smile.

"B-bakit kayo nag-tinginan?"

"Wala lang."

"Kilala ka na namin."

"Um, papano?", natatakot na 'ko. Baka stalker 'tong mga 'to.

"Naging sikat ka, dahil kay Eriko."

"Alam naman naming, it's a bad experience"

"Well... Oo."

"Ikaw kasi! Masyado kang cute!"

"Grabe naman! Hindi noh!"

"Pwera biro, totoo yun", sabi sa'kin ni Martin habang tumatango si Zack.

Bakit ganito? Ang bait nila sa'kin? Kahit ngayon lang kami nag-kita. Tsaka, para silang... Kabaliktaran lang ni Eriko.

"Magka-kilala ba kayong dalawa?"

"Oo, kaibigan niya yung kuya ko kaya naging kaibigan ko na siya"

"Aaahhhh...."

"Kasama pala siya sa quiz bee, by the way..."

"So... Kung ganun..."

"Oo, ikaw lang mag-isang babae", shit... Ayoko kong ganito!

"Ako lang mag-isang babae?"

"Oo"

"Magbaback-out na'ko!"

"Wag ka! Kami bahala! Para lang maging komportable ka, gagawin namin lahat"

"Kami na din bahala sa haters mo!", 'haters'? LOL ang famous ko pala XD.

"Haters? Meron akong haters!?"

"Oops!..."

"Nga-ngayon mo lang alam!?"

"Hindi naman pero, di naman sila ganun ka dami eh."

"Sorry talaga pero, madami akong kilala na haters mo"

"Pero, bakit ang bait niyo pa rin sa'kin?"

"Eula, childhood friend ako ni Luke"

"Weh!?"

"Oo. Kinwento niya sa'kin kung paano ka inaalila ni Eriko", the term. Hehe, 'alila'.

"Tama na, ayoko na siyang pag-usapan."

"Alam namin mabait ka, pinsan ko si Wendy", sabi ni Zack.

" Ano!?"

"Sabi niya, nung isang time, pinrotektahan mo siya sa mga umaaway sa kaniya"

Master kong BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon