COMPLETED
Paano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?
*
Napahinto ako sa pagtugtog ng aking violin.
Ang totoo niyan, hindi pa talaga ako nagsisimula sa pagtugtog.
Pinangako ko kasi sa sarili ko na hindi ko na iyon muling tutugtugin. Pero kanina, habang pinagmamasdan ko siya mula sa eskaparate, parang narinig ko ang kanyang mahinang iyak.
Ang kanyang malungkot na tinig.. Muli niya akong tinawag, nagsusumamo para tugtugin ko siyang muli.
Nakakatawa na nakakainis na nakakagalit.
Ganyan ko ilalarawan ang nararamdaman ko. At ganyan ko rin ilalarawan ang nasirang lovelife ko.
Akala ko kasi.. tanggap ko na.
Marami kasing mga bagay na madaling sabihin kapag wala ka pa sa actual situation.
Ang daling mag-assume.
Ang daling magtapang-tapangan.
Ah, tama na!
Lumabas ako ng kwarto ko na dala ko ang aking violin.
Wala nang silbi yun sakin! Dapat na siyang itapon!
Pagdating ko sa aming garahe, shinoot ko sa malaking drum na trashbin ang violin.
Muli akong bumalik sa pagkatulala.
Di ba, dapat BUBUTI NA ang pakiramdam ko?! Tinapon ko na siya eh!
Wala nang magpapaalala sakin ng tungkol kay—-
Mainit at basa na naman ang aking mga mata. Nahihilam na ako sa sarili kong mga luha dahil mugto na ang mga mata ko.
Ang violin..
Hindi ako galit sa violin. Katunayan nga.. Mahal ko ang violin..
Pero—Gusto ko nang kalimutan ang mga alaalang dala nito..
Sa prenteng pagtunganga ko, narealize ko ang katangahang ginawa ko. Pinag-initan ko ang walang kamuwang muwang na musical instrument. Na hindi naman dapat..
Napabuntong hininga ako at muli kong dinampot ang violin.
Hindi ko na matandaan kung paano akong muling nakabalik sa aking silid.
Sinimulan kong hanapin mula sa mga nagkalat na scores ang paborito kong tinugtugin sa violin—
Asan na nga ba yun?
Ah! Heto, nakita ko na—------> External link on the side