Epilogue

2.9K 204 105
                                    

[ A U G U S T ]

3 years later....

"August... August... August..."

Bigla akong nagising at napabangon sa higaan ko. Yan nanaman tayo, naririnig ko nanaman yung boses na yun sa panaginip ko.

Binuksan ko ang drawer ko at kinuha yung huling sobreng na natanggap ko kay no one. Tinignan ko iyon at naramdaman ko nanaman yung luhang namumuo sa mata ko. Bakit ba kasi ang hirap mong kalimutan?!

3 years, 3 years na ang nakalipas simula nang pumunta sya ng Korea. Sabi nya babalik sya after 3 years pero hanggang ngayon di parin sya bumabalik. Pero okay lang, di ako mapapagod kakahintay sa kanya, basta sya.

Binalik ko ang papel sa loob ng drawer ko at tumayo sa kama. Inayos ko ito at pagtapos ay dumiretso ako sa banyo para maligo. Pagtapos kong maligo ay agad akong nagbihis.

"Ma, alis po muna ako." sabi ko kay mama pagkababa ko sa sala.

"Saan ka pupunta anak?" tanong sakin ni mama.

"Mamamasyal lang po, nababagot ako na lagi nalang nandito sa bahay ng wala pong ginagawa eh." sagot ko. Totoo naman eh, nakakapagot dito sa bahay lalo na kapag wala kang magawa. Nandun lang ako sa kwarto ko lagi, nakahiga, nanonood, umiiyak.

"Sige. Ingat ka ha." sabi sakin ni mama. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

Pagkalabas ko ng bahay ay tinignan ko ang langit, maganda ang panahon kaya napagdisisyunan ko na maglakad lakad. Summer kasi ngayon, pero isang linggo nalang magpapasukan na ulit. Malapit na magpasukan ulit pero di parin sya nagpaparamdam.

Napabuntog hininga ako at pumunta sa park malapit samin. Pagkarating ko doon ay nakakita ako ng nagtitinda ng ice cream, agad akong lumapit doon at bumili ng chocolate flavored ice cream.

"August?" habang naglalakad ako sa park ay biglang may tumawag sakin kaya napalingon ako.

"Sam? Ten? Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko nang makitang silang dalawa na magkaholding hands.

"Nakalimutan mo na agad? 4th year anniversary namin ngayon bro!" sabi sakin ni Taehyung at sinuntok ako ng mahina sa braso.

"Ay, oo nga pala. Sorry nawala sa isip ko. Happy Anniversary sa inyong dalawa." sabi ko at nginitian sila, yung ngiting totoo.

Bati na kami ni Ten at napatawad ko na si Sam sa ginawa nya. Oo, nakapag-move on na ako at tanggap ko na. Tanggap ko na si Taehyung talaga ang mahal ni Sam at hindi ako. Katulad nga ng sabi niya, dapat di ako magpakatanga at tanggaping di talaga kami para sa isa't isa. Syaka isa pa hindi na si Sam ang mahal ko, siya na.

dear no one ❣ liskookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon