Last paper

2.1K 129 27
                                    

[ A U G U S T ]


Nandito ako sa ilalim ng puno kung saan ako laging tumatambay at kung saan ko laging iniiwan ang mga papel na nagiging connection namin ni no one. Ang tagal nya, kanina ko pa sya hinihintay.

Dalawang linggo na ang nakalipas pero wala parin akong papel na natatanggap galing may no one.

Okay lang kaya sya? Bakit di nya sinasagot ang mga papel na iniiwan ko dito sa ilalim ng puno? Iniiwasan nya ba ako? Bakit ayaw nyang sabihin kung sino talaga sya? Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Ahhh! Bakit ba kasi nya ako pinapahirapan ng ganto?!

Isang minuto, kalahating oras, isang oras, dalawang oras, tatlong oras, apat na oras, limang oras, anim na oras, pitong oras, walong oras. Walong oras na akong naghihintay dito sa ilalim ng puno pero di pa rin sya dumating. Hindi ko na nga inattendan lahat ng klase ko para hintayin sya pero wala. Kelan ba sya dadating?

Malungkot akong tumayo at pinagpag ang pantalon na suot ko. Babalik nalang ulit ako bukas, baka sakaling may iniwan na syang sulat.

"August!" aalis na sana ako nang biglang may tumawag sakin. Si Jake, schoolmate ko.

"O Jake? Bat ka nandito?" nagulat ako ng makita ko si Jake na tumatakbo papalapit sakin.

"Kanina pa kita hinahanap pero sabi nila absent ka daw. Bakit di ka pumasok? Syaka ano bang ginagawa mo dito?" tanong nya sakin.

"Wala. May hinihintay lang ako. Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Ah may ibibigay pala ako sayo." sabi nya at may nilabas na sobre sa bag nya, "May nagbigay sakin na babae kahapon, sabi nya abot ko daw sayo. Sabi nya kung wala ka daw sa classroom nyo pumunta daw ako sa park sa may oak tree at tama nga sya, nandito ka." sabi nya at inabot sakin ang papel, kinuha ko naman iyon.

"Sinong nagpapabigay?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa papel.

"Di ko sya kilala eh, di rin nya sinabi kung sino sya. Basta pagtinanong mo daw kung kanino galing, sabihin ko daw kay galing kay no one." sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Sige, August. Una na ako." sabi ni Jake at tinapik ako sa balikat syaka umalis.

Tinignan ko ulit ang papel at excited itong binuksan. Pagkabukas ko ay isang letter ang bumungad sakin.


Dear August,

                 Pupunta kami ng Korea para ipagamot si Mommy, nagkasakit kasi sya at kailangan nyang mangibang bansa para dun magpagamot. Dun narin ako mag-aaral. Ayoko sanang sumama pero hindi pwede kasi walang katulong si kuya sa pag-aalaga kay mommy. Sorry ngayon ko lang nasabi sayo to. Biglaan rin kasi ang nangyari kay Mommy. Pero wag kang mag-alala, babalik rin ako after 3 years. Sana maging masaya ka at syaka wag ka nang magpakatanga kay Sam, di ka mahal non hahaha. Ayokong magpaalam sayo kasi alam kong magkikita pa ulit tayo. See you after 3 years. I love you...

Love,
no one.


Bigla kong maramdaman ang paninikip ng dibdib ko at mga luhang  unti unting nabubuo sa mata ko. Ang sakit, ang sakit pala kapag biglang umalis ang isang taong mahalaga sayo. Kahit na sabihin pa nya na magkikita pa ulit kami ay paano ko malalaman sya yun eh di ko naman sya kilala.

Ramdam ko ang luhang umaagos sa aking pisngi. Tinignan ko ang papel na iniwan ko sa ilalim ng puno. Pinulot ko iyon at binuksan.

Dear no one,

          Did you know that I'm falling for you?

Love,
August.


💌

Epilogue na pagtapos nito :"(
May bago po akong story entitled Letters to Oppa, sana supportahan nyo rin po :)
YUNG MV NG BTS KYAHHHHHHHH (〜♡▽♡)〜

Jimin as Jake 😍

dear no one ❣ liskookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon