Prologue

2 0 0
                                    


*blaaaaaaag*

"Z..." Naramdaman kong may humila sa'kin. Nakatulala lang ako habang patuloy na tumutulo ang luhang kanina pang dumadaloy at nagpapaunahang lumabas sa aking mga mata. Nakatitig lamang ako sa iisang direksyon kung saan maraming tao at dalawang tao lamang ang tanging nakikita ko. Patuloy ang pagtulo ng luhang kanina ko pang pinipigilan. Pero kahit na tunog ay wala mang lamang akong

mailabas. Kani-kanina lang nasa entablado ako para sa kantang kakantahin ko. Ngunit ngayo'y tulala na'ko sa kawalan at nagpapadala sa taong humihila sa akin.

Ang alam ko lang 'di ko na maiilabas ang boses na gustung-gustong lumabas nang mga oras na'yon.

Dahil ..........

'Di ko na 'to mahanap magmula nang araw na iyon.......

Finding My VoiceWhere stories live. Discover now