Chapter 2: So-Called-Friend

1 0 0
                                    


"Goodmorning Zab!" Bungad sa'kin ni Aorinne sabay yakap sa'kin ng mahigpit.

"Ah- haha. Goodmorning. Can you just-"Pinush ko siya kase medyo nahihirapan akong huminga.

"Oops. Sorry." Napatingin ako sa seatmate ko. Nahihilo ako kaya naman nafeel kong babagsak ako kaya napapikit ako at tumama ulo ko sa lamesa.

"Z-zab" Tawag sakin ni Aorinne. Nakahawak lang ako sa ulo ko habang nasa sahig ako at nakaupo. Naramdaman kong lumapit sa'kin si seatmate at inalalayan akong tumayo.

"Let's go." Habang akay akay niya ako.

"A-ako na Dylan." Paglalahad niya ng tulong sa seatmate ko.

"I can do this. Ayokong mahirapan ka. Kami na lang pupunta sa clinic." He pats her head and smiled at her katulad nang ginagawa niya sa'kin. Nakaramdam ako ng sakit at inggit.

Binuhat niya ako patakbo sa clinic at inihiga sa Clinic's swings.

"Naku! Mukhang malala yan ah. Umagang-umaga ito naabutan ko." Iiling-iling na sabi ng nurse. Nahihilo na talaga ako.

"Sorry po Ms. De Vega. Pero nagulat din ako nang bumagsak siya. Masama ata pakiramdam niya." Pagpapaliwanag niya.

"Okay. Ako na bahala sa professor mo. Basta paki bantayan siya kase may meeting din kami. Good thing mamaya pa siya." Nilinisan ng nurse ang noo kong dugo ng dugo. Nang matapos siya ay nagpaalam siya na aalis na muna at aattend ng meeting.

"Ano bang nangyare sa'yo?! Kumakain ka pa ba? Nung binuhat kita kanina alam mo bang ang gaan mo na parang papel na lang buhat buhat ko?!" Sigaw niya habang hinihilamos ang kamay sa mukha.

"'Wag mo 'kong sigawan." Nanghihina ako kaya 'di ko siya mabatukan.

"Yan! Wala na si Aorinne dito kaya wag kana magpanggap na ikaw ang nakawawa niya." Napatingin ako sa kanya. Alam kong nasa plano ko ang sirain si Aorinne pero eto? Iniinsulto niya na'ko.

"Ano bang problema mo? Tingin mo nagiinarte ako? Ba't ka pa nagpaiwan diba? Umalis ka na kase nagiinarte lang naman ako." Bakit pakiramdam ko kinakampihan niya si Aorinne ngayon?

"Ano pang ginagawa mo? Alis na!" Pagtataboy ko sa kanya.

"Sabi mo eh." Tumalikod siya at dire-direstong lumabas ng clinic. Pakiramdam ko 'di totoo lahat ng sinabi niya kahapon. Parang nabaliktad na ang mundo at si Aorinne na ang damsel in distress niya. Tumagilid ako patalikod sa pintuan at humikbi. Nakarinig ako ng mga hakbang papalayo kaya tinawagan ko si mommy.

"M-mom? Can you pick me up? Something happened."

Lumabas ako kanina sa Clinic nang 'di siya nakikita. Nakahiga ako sa kama ko nang kumatok kapatid ko.

"Bunso?"

*tok*

*tok*

*tok*

"Pumasok na'ko." Paalam niya habang papalapit sa akin.

Hinipo niya ang noo ko. Ramdam ko ang init na nagmumula sa palad niya.

"Okay pa ba 'ko kuya?" Malumanay kong tanong habang nakatalikod sa kanya.

"You're not. You're still sick. Tara na sa hospital." Habang hinihimas ang buhok ko.

"I don't want to." Tinabig ko ang kamay niya mula sa ulo ko. 'Di ko nakuha ang gusto kong sagot sa tanong ko. Ngunit ayoko nang itanong pang muli ang naitanong ko na para makuha lang ang sagot na gusto ko.

Finding My VoiceWhere stories live. Discover now