Chapter 4: Diary

1 0 0
                                    


Uwian na at nakita kong yakap-yakap ni Aorinne si Dylan. Medyo nasasaktan ako kaya inunahan ko na lang sila sa paglalakad at kinuha ang motor sa front gate ng University.

"Wow! Zab ngayon lang kitang nakitang mag-motor." Tatalon talon na sabi ni Aorinne.

"Pwede mo ba 'kong isakay diyan. Please?" Pagmamakaawa niya pa habang ako iniistart ang motor kong KAWASAKI 800.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Lex tara." Nakita ko kaseng palapit ang isa sa pasaway sa klase namin at napagalaman kong kaibigan pala siya ni ate Zabrina kaya siya na lang inaya ko..

"Ako?" Tanong niya pa habang tumatakbo papunta sa'kin.

"Ako unang nagrequest eh." Himutok ni Aorinne.

"Kasama mo si Dylan. Don't he feel bad na iwan na lang siya basta basta habang sasama ka sa iba? He's your boyfriend after all." Sarcastic smile ang pinakawalan ko at tumingin kay Dylan.

"Zac, take care of my BESTFRIEND. 'Wag mo siyang LOLOKOHIN O TATRAYDURIN. Alam mo na...Masama akong magalit." Tumingin ako kay Aorinne at pinasakay ko na si Lex sa likuran ko.

"Ciao." Pinaharurot ko na ang motor ko at huminto ako sa mall.

"Dapat sinabi mo na dito tayo pupunta para nagpareserve na'ko nang restaurant if ever." Sweet na tao si Lex pagdating sa mga kaibigan niya kaya 'di na'ko magtaka kung bakit close ko na siya una palang.

"Don't bother." Cold kong pagkakasabe habang hawak kamay kong sinama sa pagpasok si Lex. Gwapo si Lex lamang lang talaga si Dylan kaya 'di na ko magtaka na maraming mainggit kay ate dahil sa mga gwapong nagiging kaibigan nito.

"Sana lagi mo na lang hinahawak-hawakan ang kamay ko." Mahigpit din niyang hinawakan ang kamay ko at inakay ako sa escalator.

"May bibilhin lang ako tsaka malamig sa mall kaya dito na'ko nagpunta. Malungkot mag-isa kaya sinama na kita. Pag si Dylan sinama ko tututol yon kase may girlfriend na siya." Mahabang paliwanag ko sa kanya.

"Pwede bang totohanin na lang natin 'tong hawak kamay na'to?" Seryoso siyang nakatingin sa'kin. Alam kong mali pero maganda na ring mapalapit sa mga taong naging malapit kay ate. 'Di ko siya sinagot at pumasok ako sa Bench Store at bumili nang mga damit.

"I think mas magandang magkaro'n muna nang ligawan total idea mo yan." Nagtititingin ako nang iba pang damit at tinignan siya. Tulala siya dahil 'di niya ata ma-process ang mga sinabi ko sa kanya.

"S-so you think we can-"

"Antagal mo naman. Oo na. Tayo na pwede ba wag ka nang slow?" Asar na tinignan siya habang siya naman ang ngingiti ngiti.

"Yes!" Sigaw niya sabay hawak sa kamay ko.

"Ingay mo. Buti nga 'di kana pinahirapan eh." Reklamo ko. Pinagtitinginan na kase kami nang ibang staff at customers.

"Para sa'n ba kase yang mga binibili mo?" Tanong niya habang ako busy sa pagkuha ng ilang mga damit.

"Gusto ko magbakasyon sa malayo. Tsaka may sembreak tayo balak ko mag-out of town mag-isa." Napaatingin ako sa salamin kung saan makikita ang nasa labas nang Bench Store.

Aorinne? Dylan?

Binayaran ko na ang mga damit. Nagprisinta si Lex na siya na lang ang magdadala at ako naman hinayaan sya at nagmamadaling sundan sila Dylan sa ...

"Sinehan?" Napatingin ako kay Lex. Bumili siya nang ticket katulad nang kayla Dylan.

"Oh pare. Andito rin pala kayo ni Aorinne? Double date na pala tayo ngayon?" Ngiting –ngiti si Lex habang si Dylan at Aorinne takang-taka.

Finding My VoiceWhere stories live. Discover now