A/N : Plagiarism is a crime!
(PLAY THIS WHILE READING ENJOY!)
Heira Pov
nandito na ako ngayon sa classroom at katabi ko ang kaibigan ko na si Bianca. hinatid kasi ako nico sa classroom namin pambawi lang daw kasi ako lagi yung nag-iintay sa kanya sweet talaga ng bestfriend/mahal ko.
kaya madaming naiingit sakin e, kasi lagi ko kasi kasama si nico. pag magkasama nga kami ang sama ng tingin sakin nung ibang mga babae, but sorry na lang sila HAHAHA. marami rin naman feeling close sakin para makalapit sila kay nico pero ako deadma lang HAHAHA.
nalala ko pa nga nun nung february 14 ang daming gustong magbigay kay nico ng letter,chocolates pati life size na teddy bear kaso di nya tinanggap kaya ayun sawi sila. muka silang nalugi HAHAHA! pinagtawanan ko pa nga sila pero mahina lang baka marinig e, makuyog pa ako ng wala sa oras ang dami pa naman fan girls nyan baka di ako makauwi ng buhay samin.
so yun nga, hindi tinanggap ni nico yung mga ibibigay nila, ang bilis nga naman ng karma bes.
flashback
nasa gilid ako ngayon habang tinitignan yung mga fan girls ni nico na gusto magbigay sakanya ng kung ano ano. nung tinanggihan nya lahat yun pasimple akong tumawa mahina lang baka marinig e, makuyog pa ako
"nico pls, tanggapin mo tong chocolate na binili ko para sayo galing pang france yan" girl 1
"nico letter for you" girl 2 grabe si ate isang box ng pancit canton yung letter nya kay nico.
"nico! tanggapin mo tong gift ko oh," sabay abot na life size na teddy bear bes ang ganda sobra "yakapin mo sa gabi pag matutulog ka, parang yakap mo na din ako" may halong landi na pagsasabi niya.
"sorry girls pero di ko matanggap yan eh, itago nyo na lang" pilit na ngiti na sabi niya. halos buong campus ata crush sya eh,
"para sayo to nico" sabay nilang sabi
"sige una na ako next time na lang" sabi nya at umalis na
nung nakita kong wala na si nico dahan dahan akong naglakad, aakyat na ako sa next class ko baka malate pa ako terror pa naman teacher ko na yun .
"Heiraaaaaaa!" sabay sabay nilang sabi. take note hindi naman ako kalayuan sakanila pero kung makasigaw akala mo nasa buwan ako sobrang dami pa naman nila.
paanong di nila ako makikilala eh, bestfriend ako nung ultimate crush nila whahahaa!
"b-bakit?" may halong pagtatakang tanong ko
dahan dahan silang lumapit sakin biglang ..
"pls, ikaw na magbigay nito kay nico siguradong tatanggapin nya yan heira bestfriend mo sya dba?" girl 1
"oo nga heira, sayang yung chocolate ko na galing pang france" girl 2 may diin talaga yung france ha.
"heira, pabigay sakanya tong teddy bear oh" girl 3 sabay abot sakin ako namang si uto uto tinanggap naman,
halos matabunan na ako sa sobrang daming nag bigay non, yung teddy bear pa lang na life size bes di ko na keri pano pa yung iba?
nung uwian na namin tineks ko si nico na kung pwede sunduin ako classrom si bianca kase di pumasok nun may lagnat daw, so wala akong choice tineks ko sya.
"bes, punta ka sa classroom ko i need your help" teks ko sakanya
"on the way na bes" reply nya
mga after 15 minutes dumating sya,
"be--- HAHAHAHAHAHAHAHA!" tinawanan ako nung gago pano ba naman sa sobrang dami nung nagbigay di ko alam kung paano bubuhatin. imbis na magpasalamat tinawanan lang ako nung gago, pasalamat sya mahal ko ya nako,
end of flashback
nilabas ko yung notebook ko at ballpen ko lagi ko kasing sinusulat name nya sa liko ng notebook ko eh, HAHAHA
NICO AGUSTINE
MY BESTFRIEND/MYLOVES
NICO BABY KO
ILOVEYOU NICO
Ayan yung sinulat ko bago ko nilagay ulet si bag ko, nangalumbaba ako at sinalpak sa tenga yung earphone, hanggang bestfriend mo na lang ba ako nico? habang malapit tayo sa isa't isa lalong lumalim ang pagmamahal ko sayo. sinubukan kong pigilan pero wala e, ikaw talaga tinitibok nito.
------
vote and comment guys:)
mekam
YOU ARE READING
I fell in love with my best friend
Short Story" bes, nainlove kana ba?" tanong sakin ni nico bestfriend ko "oo naman bes, bakit mo natanong?" nakangiting sabi ko, kung alam mo lang nico na sayo ako inlove. "wala naman hehe, basta bes bawal tayo mainlove sa isa't isa ha, mag bestfriend tayo...