CHAPTER 3

3 0 0
                                    

A/N : Plagiarism is a crime!

(play this while reading enjoy!)

Heira Pov

nandito ako ngayon sa bahay nag ffacebook iniistalk ko ang fb ni nico hahaha, ang gwapo talaga niya kahit saang ang gulo tignan.

habang tinitignan ko litrato niya hindi ko maiwasan na ngumiti ang cute cute kase ng picture niya eh, 

bes, gusto kita, gustong gusto kita-- sinubukan ko naman pigilan yung feelings ko sayo, kaso sadyang pasaway at choosy ang puso ko ikaw lang yung gusto .

bumuntong hininga ako at ngumiti ng mapait, hindi ka man maging akin bes, atleast nagagawa kong pangitiin ka ng natural hanggat kaya kong itago ang nararamdaman ko gagawin ko. wala lang magbago sating dalawa.

nilog out ko na yung fb ko at humiga na sa kama, kinuha ko yung cellphone ko at inopen ang gallery. isa isa kong tinignan yung litrato namin dalawa 

"nico sorry ha, sorry kung minahal kita hindi ko mapigilan. naka handa akong masaktan para sayo nico," sabi ko habang tinitignan yung mga litrato namin dalawa

KINABUKASAN

"Heira! gumising ka na jan! yung bestfriend mo nasa baba hinahanap ka" sigaw sakin ni mama, agad akong napamulat ng mata at dumiretcho sa banyo.

bumaba na ako sa sala at nakita ko si nico na naka upo sa sofa, mukang busy at naka ngiti pa ang loko, sino kaya ang kateks nun, hindi niya ako napansin na papalapit sakanya gugulatin ko sana siya ng mapatingin ako sa cellphone niya.

To: Babe'Carlene

goodmorning babe ^_^ eat your breakfast don't skip. iloveyou

messege sent!

From: Babe'Carlene

goodmorning din babe, katatapos ko lang kumain ng breakfast iloveyou too:*

To: Babe'Carlene

babe meet tayo mamaya sa starbucks malapit sa school, pwede ka?

messege sent!

From: Babe'Carlene 

sure babe, sige babe mamaya na lang ha. itetext na lang kita tawag ako ni mommy eh, see you:) iloveyou:*

To: Babe'Carlene

ok babe, iloveyou too:*

messege sent!

naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko na di ko namamalayan. mabilis kong pinusan ang mata ko at kunwari ay kagigising ko lang

"uy bes, kanina ka pa ba jan?" tanong niya, oo kanina pa busy ka kasi sakanya kaya di mo namalayan na nandito ako.

"hindi bes ngayon lang" at umupo sa tabi niya "bakit ka nga pala nandito?" tanong ko

"bes, samahan mo naman bibili ako ng bulaklak, wala kasi akong alam pagdating sa taste ng mga babae sa bulaklak eh," sabi niya ng nakangiti. 

"bakit bes sino bibigyan mo?" kahit alam ko naman yung sagot tinanong ko pa din, sinaktan ko lang sarili ko.

"sa girlfriend ko bes, si carlene. sinagot na niya ako kagabi finally" masigla niyang sabi

"talaga bes? congratulation bes sa wakas sinagot kana niya 6months mo din niligawan un diba?" pilit ko na lang pinapasigla yung boses ko

gusto ko ng pumunta sa kwarto at doon mag iiyak, bakit kasi hindi mawala feelings ko sakanya eh!. bakit kasi ikaw pa bes? 

"ano masasamahan mo ba ako? tara na alis na tayo" pamimilit niya sakin. pero nawala na ako sa mood ngayon gusto kong magkulong sa kwarto maghapon at don ilabas yung sakit na nararamdaman ko.

"sorry bes ha, masama kasi pakiramdam ko ngayon eh." palusot ko 

"ah, ganon ba bes, sigi magpahinga kana lang ako na lang magssearch na lang ako sa internet. sige una na ako bye bes" paalam niya at umalis na

umakyat agad ako sa kwarto ko bago pa bumuhos ang luha ko na kanina pa nagbabadyang tumulo.

nakahiga ako ngayon sa kama at umiyak ng umiyak.hndi ko alam kung paano mawawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

maghapon lang ako sa kwarto at hindi ako lumabas tinatawag ako ni mommy pero tinanggihan ko lang siya, hinatiran niya din ako ng pagkain pero sinabi ko na busog ako pero ang totoo wala akong gana kumain. 

kakayanin ko to para sayo bes, at susubukan ko din kalimutan yung nararamdaman ko sayo 



-------

vote and comment :))

MEKAM


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I fell in love with my best friendWhere stories live. Discover now