Chapter 1. Bar.

138 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa bar. Wala lang. Bored ako eh. Ganto lang naman lagi kong ginagawa. Kung wala akong kasamang lalaki, naghahanap akong lalaki. Malandi ako? Di ako makatiis ng walang lalaki? Oo. Inggit kayo? Gaya kayo.

"Hi, are you alone?" Sabi ng lalaki sakin na bigla nalang sumulpot habang umiinom ako habang humihithit ng yosi ko.

"What if im alone? Will you join me?" Sabay ngiti ng parang nangaakit.

Pinatay ko sindi ng yosi ko ng tumabi sya sakin.

Typical type lang ng paguusap, boring. Isang tanong, isang sagot, konting kwento. Konting pick up line. Then boom, date na.

"Tara dun tayo sa labas." Sabi naman nito sakin. Pero binulong lang nya sakin kasi maingay dun sa bar.

Di ako sumagot, pero sumunod nalang ako habang hawak nya kamay ko. Ang bilis makabingwit no? Ganyan ako. Yet madaming lumalapit sakin kanina pero this guy is so fuckin hot, kung pwde na kami mag make out dito, gora na ko eh.

And btw im wearing a simple yet seductive dress. Tube sya na fitted, color red and above the knee sya mga between 3-5 inches, sguro 4. Dont ask.

Sinakay nya ko sa black car nya, pero pag alam kong sa condo lang nila ko dadalhin para magpalabas ng orgasm nila, umaalis ako. Malandi ako pero di ako nagpapatira, gusto ko lang ng lalaki talaga sa buhay ko. Virgin pa ko? Yes. Kahit malandi ako balak ko padin magkaron ng maayos na pamilya someday no! Gusto ko lang magpakasaya ngayon.

Nandito kami ngayon sa restaurant. Bakit? Dont ask. Di naman ako nagdrive ng car nya. Basta nalang nya ko dinala kung saan.

And wait!! Galante pala sya. Maglalabas na dapat ako ng bayad kasi baka sabihin nya kumain ako tapos di ako magbabayad, then gulat ako sabi nya "my treat". Tapos umalis na agad kami dun sa restaurant.

And bago pala kami umalis dun, alam mo yung inaalalayan nung boy yung girl na tumayo? Kahit kaya naman ng babae, super pabebe lang. Ginawa nya sakin, he's a nice fuccboi.

Then maya maya, sumakay ulit kami sa car nya then nakaramdam ako na dadalhin nya ko sa condo nya. So nagisip agad ako ng paraan para makatakas.

So i ended up with texting my friend na tawagan nya ko kunwari para sabihin na may emergency. So maya maya, tumawag na.

At boom!! Oo nga, sa condo nga nya ko dadalhin for a make out, buti nalang at sumakto ang magaling kong bestfriend!!! Akmang pababa na kami at biglang.....

Calling Sa.... (Short for Savannah, ang bestfriend ko. Yan tawag ko sakanya eh pake mo ba?) (Read as xah, btw.)

"Hello?" Kunwaring di alam yung plano na tinext ko sakanya haha. Buti hndi busy si gaga sa buhay nya.

"HOY UMUWI KA DAW DITO SABI NI TITA!!!! YUNG NANAY MO GAGA!! MAY EMERGENCY!! MAMAYA MO MALALAMAN KAPAG NAKAUWI KA NA DITO, BILISAN MO!!!!!!! WITHIN 5MINUTES DAPAT NANDITO KA NA KUNDI LATE KA NA SA BALITA, WALA NA!!!! BILIS GO GO GO!!!" Nakakabinging sabi nya sakin. Oa naman gumanap neto. Halos marinig na ata ni, wait kanina ko pa sya kasama pero miske pangalan nya hndi ko alam. Basta yun, etong lalaki na nag aya sakin sa bar, yung nagtreat sakin sa restaurant. Basta yun, habang sinasabi ni Sa yun, naririnig nya naman sguro kasi sobrang lakas nun at sobrang kulob din ng car nya.

"Teka chill ka lang, pwde bang sabhin mo na anong emergency yan? Tska ang bilis mo magsalita pano ko maiintindihan sinasabi mo!!" Nagpapanggap padin ako na di ko alam yung plano. Oo na di na ko marunong umarte.

Di padin kami bumababa ng car nya, para bang pinapakinggan nya ang usapan namin.

"UMUWI KA NA SABI DITO!! BAHALA KA KALIMUTAN MO NG MAGKAIBIGAN TAYO! EMERGENCY NGA EH!!!! DAMI MO TANONG!! BYE." Sabay baba nya ng phone. Akmang magsasalita na ko pero tanging narinig ko nalang ay toot toot toot (segway ko lang, diba english yan ng isang ngipin? Hehe ok bye)

Great. I love you bff, sguro magpapalibre yun para sa kapalit ng ginawa nya for me.

"Ah ano, pwde bang dito nalang ako? Di na kita masasamahan.  May emergency daw kasi sa bahay sabi ng bff ko, okay lang?" Sabi ko. Duh ayoko lang talaga maging parausan mo ko. Over my dead and sexy body, ew!

"Sure, ayaw mo bang hatid kita hanggang sainyo?" Alok nya naman.

"Hehe wag na, okay na ko dito. Thanks!" Sabi ko sabay baba ng car nya.

Tangina. Nilock nya bigla. Okay kinakabahan na ko!!!! Ano kaya gagawin neto!!!!

"Kunin ko number mo, okay lang?" Tangina kala ko naman kung ano. Then binigay ko.

Ayaw padin mabuksan!!!!! Arghhh. "Ano pang kailangan mo? May emergency sa bahay!!"

"Your name?" Sabay ngiti, "then papababain na kita."

"Almira." Maikling sagot ko. Di ko pinapatawag yung iba sakin ng 'kath' 'or 'kat' kasi di sila close sakin so ang laging binibigay ko sa iba ay yung second name ko. Wala lang.

"Okay, almira. Thanks! See you around." Binuksan na nya at ngumiti muna ako bago lumabas.

Buti nalang at may dumaan na taxi at agad ko itong pinara para makasakay ako, buti nalang!! Umaayon ata sakin ngayong araw ang lahat.

Maya maya, nakarating na ko samin...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BAD GIRL WITH BAD HABITS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon