CHAPTER 1

94 4 1
                                    

CHAPTER 1 : FIRST KISS




"Daveson!" tawag ko sa kanya habang tumatakbo palapit matiyaga naman siyang naghintay para malaman kung anong pakay ko.

"Bakit, ano problema? " tanong niya sakin

"Gusto ka lang daw sana imbitahan ni Mitch na sumama sa overnight celebration daw sa bahay nila. " kako habang sapo sapo ang dibdib dahil hinihingal ako kakatakbo, bahagya namang napakunot ang noo niya, grabe napaka cute niya talaga kahit ang gulo gulo ng buhok niya,

" Ganun ba? Bakit ano daw meron? " aniya

"Hindi ko nga rin alam eh basta inimbitahan niya nalang mga kaibigan niya and obviously... we're part of it.. so ano? sasama ka? " kako, ako talaga inutusan ni Mitch na imbitahin siya para lang pumayag dahil alam niyang malapit kami sa isa't isa .

"Hmm. I'll try---"

"Opps! Anong l'll try ka diyan ! pasabugin ko 'yang ilong mo! sumama kana tutal last night nalang yun dahil summer vacation na next week. " hirit ko pa, kaya wala na siyang choice kundi pumayag.

"Alam mo nakakatawa ka! gusto mo lang talaga ako makasama no? " pagbibiro niya pa habang naniningkit ang mga mata , kaya naman hinataw ko siya ng libro

"Aray! Tsk, sige saktan mo pa ako di na talaga ako sasama, " reklamo pa niya at akala mo naman eh nasaktan talaga, loko talaga to pasalamat siya crush ko siya,

"Edi wag ka sumama! " pagtatampo sabay nauna nang naglakad palayo, agad niya naman akong hinabol

"Oy! Aya! joke lang naman! wag ka ngang pabebe diyan" asar niya pa kaya tinarayan ko nalang siya .

"Hindi ako pabebe no! Sunduin mo nalang ako sa bahay mamaya, dahil 6pm daw ang call time sa bahay nila okay, " sabi ko at tinalikuran ko na siya

"Oy! Teka ! kelangan talaga magpasundo? " pahabol niya pa kaya agad ko siyang nilingon.

"That's your punishment, dahil inasar asar mo pa ako. " at deretso ng lumabas sa school gate,

Nang makauwi ako ay agad akong kumatok inakala kong may tao wala naman pala, malamang busy na naman si Tita sa trabaho niya, ulila na nga pala ako sa mga magulang at ang pinakamabait kong Tita Len ang nag ampon sakin, wala kaming problema sa isa't isa bastat magsisipag lang ako dahil kami lang naman ang magkasama sa bahay dahil ang asawa niya ay halos twice a year lang kung umuwi, ang hirap kaya nun, paano sila magkaka-baby? I mean, pano sila magkakaroon ng masayang pamilya? kung pareho silang workaholic at walang time sa isat isa?

Agad akong nagtungo sa kuwarto at naligo narin ititext ko nalang si Tita na mag o-overnight ako sa bahay nila Mitch na kilala na naman niya.

Naglinis akong maigi ng katawan at nagligpit ng mga gamit na susuotin masaya kaya mamaya? Hindi pa man ako nakapagbihis at kasalukuyan palang naglalagay ng lotion nang may kumatok bigla kaya naman nagtapis muna ako ng tuwalya at nagtungo sa baba

"Sino yan? " sigaw ko habang bumababa sa hagdan

"Yung binatukan mo kanina! Bilisan mo nga Aya! Wag kang pabebe!" sigaw ni Daveson sa labas, kaya naman naiinis akong pinagbuksan siya ng pinto.

"Tsk. Napaka demanding mo! " bungad ko sa kanya, bigla naman siyang napatitig sa'kin at natulala dun ko lang naalala na nakatapis nga lang pala ako, anak ng tipaklong! kaya agad ko siyang tinalikuran at umakyat na sa taas para magbihis ,

"Tsk. Napakabagal mo Aya! Pabebe! " sigaw niya sa'kin na parang walang nakita. At naghintay nalang muna sa baba, palabas na ako ng kuwarto dala ang mga gamit ko nang umakyat siya sa taas,

"Akin na nga gamit mo, ako na magdadala ang bagal mo pa naman "

"Sus! " sambit ko lang habang nagsusuklay naupo muna siya matapos ibaba ang mga gamit ko at nakatingin lang sa'kin .

"Oh bakit wagas ka makatingin diyan? " kako kaya napangisi lang siya.

"Wala... Ang ganda mo kasi," saka kumindat sakin natahimik naman ako, ang awkward naman ng moment na 'to!

"Bolero ka talaga tara na nga! " sabay hakot ng bag ko kaya naman nagkalapit ang mukha namin , siguro bahagya akong namula nang maamoy ko ang pabango niya nakatitig lang rin siya sakin, crush ko si Daveson pero diko alam kung ano rin ba ang nararamdaman niya sakin.

"Ako na . " marahan niyang hinawakan ang kamay ko kaya bigla nalang akong kinilabutan, nagpaubaya nalang ako hanggang makarating kami sa kotse niya at nagsimula na siyang magdrive, medyo malayo kasi ang bahay nila Mitch, tahimik lang ako habang nagmamaneho siya at bahagyang nilalamig dahil nga bagong ligo ako at ang lakas ng aircon ng kotse niya napansin niya naman ata ang panlalamig ko.

"Gusto mo patayin ko nalang? " tanong niya

"Wag na.. Hinaan mo nalang, " sagot ko lang

" Ikaw kasi eh! ang tagal tagal mo tapos dika pa nagdala ng jacket " usal niya saka hininto sa tabi ang sasakyan at hinubad ang jacket niya , ang sweet talaga nito.

"Daveson wag na. Okay lang ako..'' kako pero nagpumilit parin siyang isuot ko kaya no choice ako kundi isuot.

"Wag ka nang pabebe pwede? " asar niya pa kaya naman nahampas ko siya sa balikat, at nahawakan niya ang kamay ko, hindi ko alam kung bakit pero parang kanina pa nag uusap ang mga mata naming dalawa , sandali kaming nagkatitigan nang bahagya siyang kumilos kahit ako ay parang robot narin nang magkalapit ang mga mukha namin, at nagmistulang init na ang ibunubuga ng aircon nang maglapat ang labi namin.

Malalim na hininga ang nangibabaw sa kotse nang magkadikit kami at tuloy parin sa mainit na halikan, bahagya niyang hinaplos ang braso ko at ako naman ay nakahawak lang sa pisngi niya, nakakapag init ang bawat halik ni Daveson,

"Ughhh." bahagya akong napaungol sa bawat halik niya na talagang nakakainit ng katawan, tumigil naman siya at nakangiting tinitigan ang mukha ko na nakapikit lang sa pagdilat ko ay nagsalita siya.

"I'm sorry Aya... diko na kasi napigilan... ang cute mo kasi.. " nakangiti niyang sabi saka ako hinalikan sa pisngi, ngumiti lang ako sa kanya bago niya hawakan ang kamay ko at nagmaneho na ulit..

Gusto ko si Daveson... ang bawat lambing niya tuwing magkasama kami at isa ito sa diko makakalimutan, wala kaming label at hindi na ako makapaghintay pa sa susunod na mangyayari..

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Dec 31, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Lust Hours (SPG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora