Alam niyo yung feeling na masaya ka na sa buhay mo pero may dumating pa. Oo, sinabi ko na gusto kung ibalik yung nakaraan pero hindi siya kasama dun
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pinagpagan ang mga buhangin sa katawan ko. At tumingin sa babaeng nakakairita at tina-asan ko siya ng kilay
Lumapit sa pwesto namin sila Luke and Kyle. At linayo ang mga bata sa nagbabadyang gera. Ang dalawang Yu ay hinahatak ako palayo kay Macy pero tiningnan ko lang sila ng masama. Kaya bumitaw din sila
"Oh Macy mukhang naliligaw ka yata" mataray na sabi ko
"Sa tingin ko hindi" mataray din na sabi niya
"Oh really, sa pagkakaalam ko kase nasa beach tayo at wala sa zoo"
"Yun din ang pagkakaalam ko pero bakit may asal hayop yata dito" mataray niyang sabi
"Sa tingin ko din, at alam mo ang ahas na kagaya mo ay nararapat lang sa zoo"
"Nasa beach nga talaga ako, may kaharap kase akong beach" mataray na sabi niya at nag smirk
May humawak naman sa magkabila kung braso mula sa likod pagtingin ko si Zach
"Admire, hindi ko alam kung bakit kayo nagkakaganyan pero madaming tao wag kang gumawa ng gulo" mahinahong bulong ni aZachngot
"Wala akong pakealam kung madaming nanunuod sanay na ko!" sagot ko sa kanya at hinawi ang mga kamay na nakahawak sa magaganda kung braso
"Halata nga na sanay kana, attention seeker ka kase"
"I don't think so, hindi ko kailangan magpapansin dahil kapansin-pansin naman ako hindi tulad mo nanghihingi ng atensyon ng ibang tao"
"Talaga, parang hindi mo dapat sabihin sakin yan. Sa pagkakalam ko kase, yung taong mahal mo ako ang napansin at hindi ikaw" she said while smirking
Napakuyom ako ng palad at napatingin siya dun at mas lalong napangiti
"Yung kahit na ginawa mo na ang lahat magustuhan ka lang pero walang nangyari kase nasa iba na ang atensyon niya pero pinagsisiksikan mo parin ang sarili mo" pagpapatuloy pa niya
"You Beach!" Mariing sabi ko habang nakaturo sa kanya.
Nang akmang susugurin ko na si Macy may humawak sa mga kamay ko. Napatingin ako sa kanya at umi-iling-iling siya at bigla na lang akomg hinatak palayo
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sabi ko habang kumakawala sa kanya pero patuloy lang siya sa paglalakad
"Bitawan mo sabi ako eh!" Sabi ko sa kanya
"Aray" sabi ko ng bumagsak ako sa sahig
Bigla na lang niya akong binitawan ng makarating kami sa isang mahabang tulay. Patungo ito sa isa pang maliit na isla na sakop parin ng resort.
"Bat moko binitawan!?"
"Sabi mo bitawan kita" sagot niya
"Ewan ko sayo, bat mo ba ako dinala dito?" Tanong ko sakanya habang tumatayo mula sa pagkakabagsak na ina-alalayan naman niya
"Para malabas mo ang problema mo"
Humakbang siya palapit sakin at pinunasan ang pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng yakapin niya ako. Hindi ko rin alam na umi-iyak na pala ako
"Ayokong nakikita kang umiyak pero mas makakabuti yan sa nararamdaman mo kaya umiyak ka habang yakap ako"
"Nanghohokage ka lang eh" sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng luha at marahan ko siyang tinulak
BINABASA MO ANG
Once Upon An Antagonist
De Todo"If there's no antagonist there's no thrill" Yan ang laging sinasabi ni Admire Cruz. Wala siyang pakealam kung ano man ang sabihin ng iba basta siya eni-enjoy niya ang buhay niya. There's no room for negativity, for her even she's the reason why peo...