Candle of Chance Simula
Yahna's POV
Monday, May 29, 2016.
Paalis na ko sa bahay namin. Panibagong araw na naman sa klase.
*beep*
Agad akong tumigil sa paglalakad ng tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext.
From: Lovelove ko
Good morning lovelove ko! Breakfast ka na ha. Kita na lang tayo dito sa school. I love you lovelove ko.
Napangiti ako sa text niya. Kahit kailan talaga ang sweet sweet ng lovelove ko, kaya mahal na mahal ko yun e.
Nagtipa ako ng text para sa kanya.
To: Lovelove ko
Kumain na po ako lovelove ko. Ikaw din wag makalimot. Sige kita na lang tayo sa school. I love you too. Mwah.
Ayan na at sent na. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Nasa kanto na ko ng barangay namin at pasakay na sana sa jeep ng may tumigil na kotse sa harap ko.
At base sa kulay at araw-araw na nakikita ko to alam ko kung kanino ito. Muli, napangiti ako.
Mabilis na bumukas ang pintuan sa passenger seat.
"Surprise lovelove ko! Hahahaha" aniya niya at napatawa rin ako dahil sa tawa niya. Mahal na mahal ko kasi ang pagtawa niya. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang saya ko lang kapag tumatawa siya.
Sumakay naman kaagad ako doon. Pagkasara ko sa pintuan ng sasakyan niya ay agad akong humarap sa kanya gayundin ay nagulat dahil sa paghalik niya sa akin.
"I love you lovelove ko!" saad niya at sa noo naman ako hinalikan.
Agad kong pinisil yung matangos niyang ilong.
"Ang lambing lambing mo talaga no? I love you too din po" sabi ko at ako naman ang humalik subalit sa pisngi lang niya.
"Pisngi lang lovelove ko?" paglalambing muli na tanong niya at tumawa.
Habang tumatawa ay doon ko siya hinalikan sa labi.
"Alam mo talaga ang kahinaan ko no?" pataray kong saad. Ngumiti siya.
"Naman! Hahaha, tara na?" anito. Tumango naman ako.
Pinaandar niya na ang kotse niya.
Habang nasa biyahe patungo sa school namin ay bigla siyang nagsalita.
"Lovelove ko, bakit ang saya-saya ko?!" nakangiti niyang tanong at saglit na sumulyap sakin.
"Ha?" tanging naisagot ko.
"Hindi ha ang sagot lovelove ko, kundi kasi dumating ka sa buhay ko!" sabi niya at tumawa ng saglit.
Uminit ang pisngi ko. Bakit ba ang lambing-lambing nitong lalaking to?
"Ang korni mo lovelove" ani ko.
Tumawa siya ulit.
"Korni man, mahal mo naman" wika niya sakin.
"Buti alam mo" sabi ko na nagpangiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
Candle Of Chance (Super Short Story)
RandomNawala na lahat... Yung dati... Yung tayo... Ikaw... At ang tanging natira ay 'ako' at yung sakit na dulot ng pagkawala mo. Pero, mababago ba yon sa pamamagitan ng isang kandila na may dalang isang pagkakataon? Candle of Chance (Super Short Story) ...