Candle of Chance Wakas
Yahna's POV
*Alarm clock ring!*
Napamulat ako ng mga mata dahil sa tunog ng alarm ko.
Napabangon ako kaagad.
Teka! Bakit nasa kwarto ko na ako?
Pilit kong inalala ang huling nangyari sa akin.
'Gusto mo ba ng isang pagkakataon?'
Isang kandila.
'May dahilan ang pagpili nito sa iyo at sa araw na pipiliin mo'
Naalala ko na. Pero? Bakit? Paano?
Naalala ko yung kandila. Nasaan na ito? Teka? Hindi kaya nanaginip lang ako? Pero bakit parang totoo?
Tinignan ko yung kalendaryo.
Monday, May 29, 2016.
Nagulat ako. Kasabay non ang pagkirot ng puso ko.
Araw ng pagkamatay ni Jiro ngayon. Pero bakit? Bakit 2016 ang taon? Mismong taon ng pagkamatay niya.
Tinignan ko yung cellphone ko para malaman kung tama ba ang date ngayon. Subalit, tama nga.
May 29, 2016 ngayon.
May naalala muli ako...
'Sindihan mo yan sa araw ng gusto mong balikan ang lahat. Bibigyan ka ng pagkakataon ng kandilang yan para maramdaman muli ang lahat ng naramdaman mo sa araw na yon. Bibigyan ka ng kandilang yan ng pagkakataon na balikan ang lahat ng nangyari nung araw na iyon. Ikaw ang magpapasya kung anong araw. Subalit, tumatakbo ang oras dahil sa oras na maubos na ang kandilang iyan ay matatapos na ang lahat. Ikaw ang napili ng kandila. May dahilan ang pagpili nito sa iyo at sa araw na pipiliin mo.'
Kung ganon ay mauulit ang lahat ng nangyari ng araw na ito.
Nakaramdam ako ng saya at sakit.
Saya, kasi makikita kong muli at makakasama si Jiro kung ganoon nga.
At sakit, dahil maaalala ko na naman ang lahat ng sakit. Mararamdaman ko na naman.
Subalit naguguluhan parin ako dahil ang sabi ay sisindihan ang kandila. At wala akong maalala na sinindihan ko ito kaagad.
Sino? At papaano?
Hindi kaya si Markus. Naalala kong tinext ko siya na sunduin niya na ko.
Hindi ako sigurado.
Nagbihis na lang ako at nag-ayos na.
Ayos na ako at nagpaalam na sa mama ko na papasok na.
Bakit ganon? Diba dapat masaya ko kasi makakasama ko ulit si Jiro? kahit ngayon na lang. Pero bakit ang sakit ng nararamdaman ko.
Ang sakit-sakit!
Pinilig ko na lang ang ulo ko. Dapat maging masaya ako sa araw na ito. Huling beses na to Yahna. Huling beses mo nato na mararamdaman ang pagmamahal niya.
*beep*
Dahil doon ay naalala kong nagtext nga siyang nung araw na iyon.
Kahit alam ko na kung ano ang mensahe niya ay binuksan ko parin ang message na tinext niya at binasa.
From: Lovelove ko
Good morning lovelove ko! Breakfast ka na ha. Kita na lang tayo dito sa school. I love you lovelove ko.
BINABASA MO ANG
Candle Of Chance (Super Short Story)
AcakNawala na lahat... Yung dati... Yung tayo... Ikaw... At ang tanging natira ay 'ako' at yung sakit na dulot ng pagkawala mo. Pero, mababago ba yon sa pamamagitan ng isang kandila na may dalang isang pagkakataon? Candle of Chance (Super Short Story) ...