Chapter 1

61 1 1
                                    

"Dalian mo,Juliana. First day mo ngayon wag ka magpalate. Tsaka wag ka agad makikipag away ha"

Kung ano anong paalala ang sinabi ni mommy bago ako makaalis ng bahay, lahat din naman yon ay hindi ko naproseso dahil tinatamad akong pumasok.

Hinatid niya pa ako sa school, gusto pa din ata ako ihatid sa mismong classroom ko at makitang umupo ako sa sariling upuan.

Pagpasok ko ng school ay may mga estudyanteng wala pa sa kanilang mga classroom.

Wala,wala ni isa akong kilala rito.

"Uyy! Kaklase kita diba?" bati ko sa kakilala ko nung Gradeschool, wala kasi akong kakilala kaya nung nakita ko siya ay lumapit agad ako. Kakapalan ko na ang mukha ko.

First day ko ito sa nilipatan kong school . Hindi ko din alam kung anong trip ng nanay ko at nilipat ako .

May nagassist sa amin ng teacher kung saan ang mga classroom ng bawat section. Medyo late na pala kami ni Mae, siya yung kakilala ko.

Pagdating sa room, naupo agad kami. At dahil nga nagdaldalan pa kami, onti nalang ang upuan. Kaya medyo sa hulihan na ako naupo

Dumating naman agad yung adviser namin, di ko kilala pero mukhang mabait.

Pinaliwanag lang naman nya ang rules and regulations ng school, pati nga sa room meron pa. Pero mabait naman pala si sir Walter.

After ng mahaba-habang pagpapaliwanag about sa school ay recess, pagbalik namin sa room ay wala padin namang ginawa. Nagorientation lang kami , bukas na talaga yung start ng class.

Kaya eto kami ngayon,naglalakad papuntang canteen area. Lunch na namin, may baon ako pero hindi daw pwedeng kumain sa room. Ang arte lang diba.

"AHHHHHH!" Napasigaw ako dahil nakabangga sakin. Wala man lang syang pakielam na nilagpasan ako.

"Hoy! Ano lagpasan lang ako?!" pero ayon, nakikipagtawanan pa yung nakabangga sakin.

"Sino yon?!" galit kong tanong kay Mae

"Yon? Si Francis Martin Villafuerte. Isa sa pinakasikat dito sa school natin, pogi e" sabe ni Mae.

Palibhasa ay dito nagaral ate nyan e kaya madaming kilala.

"sikat?! Baka pasikat!" Sabi ko sabay irap.

Humawak nalang sa braso ko si Mae at pinahinahon ako. Kalalaking tao hindi marunong humingi ng patawad.

Naghanap kami ng mauupuan pero mukhang puno na. Kaya naghanap pa kami ng mas matagal sa inaakala namin.

May nahanap kami , pero mukhang may nakaupo na din. Pero pwede na naman dahil hindi nila ginagamit ang dalawang upuan.

" excuse me,pwede po ba kaming makiupo?" tanong ni Mae.

Tumalikod yung lang yung lalake sa amin,

Teka,parang nakita ko na siya?

Siya nga! Yung nakabangga sakin kanina

"wag na Mae sa iba nalang." Akmang hihilahin ko naman si Mae.

"Sige lang, pwede kayo dyan." Sabi nung isang lalaki na mukhng mabait at seryoso

"wag ka nang maginarte kung hindi edi hindi tayo makakakain" bulong sakin ni Mae.

Kumakain kami ng tahimik ng kausapin kami ng isa sa mga katropa nung nakabangga sakin.

"are you a transferee?" tanong sakin ng isang maliit na lalakeng kasama nila,mukhang punk tong isang to.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon