Chapter 5

34 1 0
                                    

Hindi nakakatuwa na sakin lang siya ganon. Aba sinong matutuwa doon?!  Halos sa lahat ay napakabait niya, tinutulungan niya at tinatrato ng maayos. Pero ako? Dahil ba mukha akong gangster na kahit anong oras handang makipag sapakan? Dahil ba maging mafia lord ang pangarap ko?! anong karapatan niya?!

Nakaisang linggo na kami ng pagrereview ay ganon padin kami ni Francis.

"Baka naman may gusto sayo" ansarap din konyatan nitong si Mae e.

"tigil tigilan mo ako Maria Elissa!"

"Nice name" may nagsalita galing sa likod ko, tinignan ko si Mae na diring diri sa sinabi nung lalake. Tumalikod ako upang tignan .

Tumabi sa akin sa Gab at umakbay, sila John,Drew at Francis ay umupo din kung saan kami nakapwesto.

Tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ni Gab. "close ba tayo?" Tanong ko

"Ohh,sorry" sabi niya na parang wala lang nangyari.

"Hi?" Sabi sa amin ni Drew.

Naghello naman ako, at si Mae? For the first time in forever,ay walang forever. Nananahimik at namumula

Nagtataka padin ako kung bakit sila naparito. Hindi naman namin sila close kaya tinanong ko.

"Wala lang,ayaw niyo ba? E mukha namang close na kayo nitong si fafa Francis" paglolokong sabi ni Gab.

Natawa naman ako "ahh,hindi sa ganon. Nagtataka lang ako, di nyo naman kasi kami close tas bigla kayong uupo. Tsaka di naman kami ganon kaclose ni Francis"

"Tss" narinig ko giit ni Francis, sabay tumayo at bumili siguro ng pagkain.

"Bakit ang sungit nanaman non? May ginawa ka ba don?" Tanong saakin ni John.

"Huh?! Wala!"

"Hayaan mo na yung baklang yon . sasabay na kami sa inyo lagi ha? Hindi naman kami bad influence"sabi ni Gab sabay labas ng chichirya galing sa bag.

"Hey, I kinda told my mom about you. She wants to meet you sa sobrang curiosity nya sayo." sabi sa akin ni Drew.

"Kelan daw? Nakakatakot naman yan"

"Ikaw natatakot?!" Sa wakas nagsalita din si Mae, pero angpangit lang ng entrance niya.

"Why would you be afraid?"

"Wait lang Drew, magtagalog ka nalang nga!"

"Oh,sorry. Bat ka naman matatakot"

"Duh, ikaw pa lang nga nakakaintimidate na, mommy mo pa kaya?"

"Nako, pag nakilala mo si tita! Ang cool non . mas cool pa nga kay Drew e" isa pa tong si Gab.pero medyo gumaang ang loob ko.

"Hmm, sige. Kelan?" sagot ko. Dumating si Francis na may dalang pagkain .

"Weekend?"

" sige,basta wag kapag saturday" tumango naman siya.

"Hoy pahingi!" Narinig kong siga ni Gab kay Francis . sinabi nya yon pagkatapos nyang sunggaban ang pagkain nito,naubos na nya yung kanina niyang kinakain.

"What the?!" Napatigil sa pagnguya si Francis.

"Gusto mo ba Juls?" Umiling naman ako habang nakangiti.

"is that even yours? Ako dapat ang mangalok sa kanya. And Juls? Lame" sungit talaga. Pero wait,Juls? Ako nga di na napansin yon dahil ang cute nila ni Gab magaway e.

"tigilan niyo ako sa pageenglish niyo ni Drew" sabi ni Gab, si Drew naman agad umubo. "oh sorry bro, but with all your respect, nahihirapan na kami ni John sa inyong dalawa" tumingin naman si Gab kay John.

"What? Wag mo akong isali dyan Gab" sabi ni John na nakataas ang dalawang kamay.

"aba nangiwan. Anyways, angcute ng Juls ah. I never fail at- ehem english yon be proud- making nicknames. Diba Francis?"

"Oh I'm outta here, wag mong simulan Gab" at inirapan niya si Gab

"Francis, in short cicy. John,  short niny. Drew, in short riry . and for me,Gabby. Akin yung pinakacute diba?"

Tawa ako nang tawa nang nagsalita si Mae.

"ARE YOU GAY?!"

"Psh, boyish ka lang masyado!"

"Okay lang,mas lalake pa ako sayo e"

"Mas mukha naman akong babae sayo"

Tumayo na kaming lahat at silang dalawa ay nagaaway padin. Matatapos na kasi ang lunch break, nagbell naman na hudyat na magsstart na ang sunod na klase.

Kumaliwa si Drew at John , dahil sila ang magkaklase. Kaklase din nila si Gab,pero ngayon ay nasa likod namin at nakikipagtalo padin kay Mae.

Kasabay ko maglakad si Francis na tahimik at diretso ang tingin .

"aray!" Sigaw ni Gab mula sa likod, pagkita namin ay kinukurot sya ni Mae. Nagkatinginan naman kami ni Francis. Ako naman ay nagkibit balikat.

"Tara" sabi sakin ni Francis at hinigit ang kamay ko.

Hindi ko alam kung san kami dadaan pero mukhang papunta padin naman ng room, ibang way lang.

Binitawan naman nya agad ang kamay ko paglabas namin sa dinaanan namin.

"Ang cute ni Gab" napatingin naman siya sakin "ang jolly nya,parang wala siyang problema.ang bait pa"

"Yeah,I guess?" Naglalakad na kami papuntang room, sa dulo pa yung room namin kaya't napapatingin ang ibang mga nasa classroom. Glass kasi yung bintana at pinto.

Kaya tumigil ako ng kaunti para hindi sumabay kay Francis, nakakahiya. Mamaya awayin pa ako ng mga may gusto dito.

Napatigil din siya at tumingin sakin . tinignan niya ang mga nasa classroom, may isa pa siyang tinanguan na kaibigan niya ata at saka bumaling ulit sakin.

"Why? Are you ashamed you're with me?" Na agad ko namang hinindian.

Hinigit nya ulit ang kamay ko habang palakad kami, feeling ko malalate na kami nagiinarte pa ako.

" h-hindi, baka kasi kung anong isipin nung nga babae na may gusto sayo. Mamaya awayin pa ako ng mga yan e."

Napatigil kami, nasa harap na kami ng room at tinanggal na din nya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"As If I would let them. " sabi niya at tumalikod at pumunta sa upuan . mabait na ba talaga siya sakin? Nagtataka pa ako nang may nagsalita bigla.

"Ms.Flores, don't you have the plan to enter the room and take your seat?" giit sakin ni Mr.Bernardo .

Agad naman akong pumasok at umupo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon