Ughhh! monday na naman!!! -___- bakit kasi ang lapit ng friday sa monday eh pero ang layo naman ng moday sa friday.
Bumangon na ako, naligo, nagbihis, kumain and everything. Di nman sobrang layo ng house namin sa school pero I wonder why lage pa din akong late :D Minsan nga nilalakad ko lang yung from School pauwi ng bahay pero never ako naglakad papuntang school ayoko maging haggard pagdating no. ang aga aga amoy pawis super turned off yun ewwww!
Sana wala maciadong gagawin ngayon as in super nakakatamad talaga tong araw na to. oo matalino ako sabi nila ah :)) pero di naman nerd yung tipong may alam lang talaga.. Nasabihan na nga ako na ako daw yung taong matalino na bobo.. gets nyo ba?? ako din hindi eh.. hahahaha
Nagsimula na ang first period ng klase at thanks God na sa mood ako makinig. salita na ng salita yung teacher namin at sinusulat ko naman mga sinasabi niya. ang sipag ko po ano?? pero weather weather lang yan.. minsan xerox lang talaga ginagawa ko sa mga notes pero as in super minsan lang talaga yun mga 10% of 100% hehehe
Favorite subject ko po is math kung di nyo po natatanong ^___^ kaya di nakakapagtaka kong bakit ako nakikinig ngayon kasi math po yung subject. ".......<3.... " ayan yung sabi ng teacher. may sinabi siya na value tapos less than 3 daw hahanapin yung value. tapos napansin ko heart ang yung shape or kung sa text message <3 = heart. Naalala ko naman tuloy yung what is love. Napatingin ako dun sa bintana kong saan siya nakasulat.
What is Love?
LOVE is when you think of him/her every minute of every day.
may nakalagay na nasagot. sino naman kaya nagsulat niyan??
-----criiingg!!--- <---- bell po yan ah
nadistruct ako ng tumunog ang bell. Yahoo! my favorite subj RECESS. Sino ba ayaw ng recess?? ahahaha aminado ako na favorite ang recess kasi libre lage recess ko. yahoo thanks to the F4 you know who they are. Well, yung apat na yun eh may pag self proclaim din.. sinasabi nila na sila daw ang F4 ewww! di naman bagay.. oo pogi nga sila, appeal pero hell no! di nila mapapalitan ang F4 .. bwahahahaha
========
LUNCH TIME
=======
Ako lang mag.isang kumain sa canteen. ayoko kasama yung apat kasi naman po pagtutulungan na naman nila ako tsaka kasama ko naman sila kahapon. ginulu nila yung bahay namin. >.<
Habang sinusubo ko yung pagkain ko napatingin ako kung sino yung nasa katapat ko na table. Madami siya kasama. Nagtatawanan pa sila. Ang saya saya nila. Bigla ko tuloy namiss ang apat lalong lalo na ang bestfriend ko. Pero bigla ako natigilan ng bigla siya tumingin sakin.. eh? kaya tinitingnan ko nalang yung kinakain ko.
Napatingin ulit ako sa kanya pero bakit habang tinitingnan ko siya parang naging familiar yung mukha niya. Di nman siguro siya importante kaya di ko na binabother yung sarili kung sino man siya.
klase na naman -___- nakakatamad naman talaga oh. kelangan ko ata uminom ng enery drink. never ever pa ako natulog sa klase as NEVER! baka ngayong araw palang ..
Natapos na din ang araw na to Atlast! pero di ko pa feel umuwi. tumambay muna ako sa favorite spot ko sa shool which is ang field. Super sarap kasi talaga ng hangin dito as in talaga. maka nature kasi talaga ako. haha. ang isa din na gusto ko dito is nakikita ko yung city. basta yung schooll kasi namin is parang nasa taas na part parang bundok pero di namn bundok.. parang elevated lang talaga siya. Ang ganda talaga dito Kaya madalas andito ako madalas.
Palubog na ang araw. Ito ang inaabangan ko dito yung sky from orange unti unti naging black at napapalitan ng ilaw samantalang sa baba nakikita mo na nagliliwanag ang city super pantanggal ng stress.
"Ako'y alipin mo kahit hindi batid. aaminin ko minsan ako'y manhid. sana ay iyong maririnig. sayong yakap ako'y nasasabik..." ♫♪
napalingon ako sa may puno. kasi malapit sa inuupuan ko na bench may malaking puno. para namang walang tao. pero nagulat ako ng biglang may umakbay..
"sabi na nga ba dito ka lang namin mahahanap" james
"isarado mo na yan baka pasukan ng langaw.hahahaha" Erick bwisit hinawakan naman niya yung chin ko.
pakialam neto nasa state of shock pa ako eh. gulatin daw ba ako.
"bakit ba kayo biglang sumusulpot?" inis na inis na inis na tanong ko.
"kanina ka po namin hinahanap. di ka namin macontact buti nalang nakita namin bestfriend mo na si kyla at sinabi niya baka andito ka daw which happens tama naman siya" paliwanag ni troy.
"Ano ba kasi meron?"
lahat na sila hinila ako.. di man lang din sinasagot mga tanong ko. kaya di na ako nakipag.argue at sumama nalang din ako kung saan man nila ako dadalhin.

BINABASA MO ANG
Broken Hearted Girl
JugendliteraturEach and everyone of us is searching for love. Wondering what really love is and how it feels specially when you haven't experience it yet. Is it all about like fairy tales? Happily ever after? Having butterflies in your tummy? If love is in the air...