anyare?

6 0 0
                                    

Pagkapasok ko ng classroom, may activity ata di ko man lang alam. Nganga na naman ako. Di ko alam kung ano pinagkakaguluhan nila.

"hoy bakla! ano meron? tinanong ko si ariella ariba.

"ano ba te. wag ka nga muna magulo!" aba! i smell something fishy. 

"gusto mo pakain ko sayo to?" sabay angat ng fist ko. pero jowk lang yun wahaha natakot ata eh at napatingin sakin.

"hehehe peace! jowk lang te ikaw naman di ka mabiro."  natakot nga ata. hahaha

"eh ano nga yun?" tanong ko ulit sakanya kasi naman eh di parin ako sinasagot. makangiti to parang wala ng bukas.

"eh kasi te may ---" naputol ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok na teacher namin.

"Good morning class" bati niya. badtrip! nabitin ako. ano kaya yung pinagkakaguluhan nila. kaasar!!  ugghh!!!

di ko na natanong si bakla kasi bigla bigla na lang nawawala at di mahagilap. di ko naman pwede tanungin habang nagkaklase kami kasi na harapan kami nakaupo. nilipat kami sa harap kasi daw lagi nalang kami nahuhuli na naguusap sa likod. wahahaha  buti di nagalit si bakla sakin. okay na din tong nasa harapan no makakafocus ako sa lessons di yung kung saan saan nalang napapadpad yung utak ko. 

Konting tiis nalang at malapit na din maglunch break. nagugutom na kasi ako eh. konti lang kasi nakain ko ng almusal kasi malalate na naman ako. nagbabagong buhay na ako. wahaha labas sa ilong :))

==

Di ako sa cafeteria kumain kasi andameng tao. kondi dito sa field. remember niyo yung favorite place ko?  naglagay na kasi sila ng parang tables and chairs na cemento. basta ayun. pero konti lng naman nilagay nila. masarap kasi talaga hangin dito. 

kumakain lang ako mag.isa. wahahhaha di ko alam pero trip ko lang. maasar na naman si Kayla sakin kasi di ko siya tinext. naiwan ko di naman kasi phone ko eh. wahaha sign of aging ^___^

30 mins nalang natitira sakin at klase na ulit. kain lang ako ng kain sarap kasi ng luto ni mama eh. ewan ko ba bat niya ako pinabaonan . ok lang naman sakin na bumili peroo thanks ma loveyou kasi di ko na kelangan pumila sa cafeteria.

may mga nagpapraktis sa field kahit medio mainit. nakakarelax talaga dito. haayss. sarap ng buhay ko pag mag.isa. walang babaeng maarte na laging tinatalakan lang ako na parang si mama. at syempre wala ang apat na poging nakakabwisit. antahimik ng buhay ko sawakas! pero syempre nakakamiss pa din sila no kahit mga lokaloka yung mga kaibigan ko i still love them no matter what.

"paupo ako ah" 

sino naman to? 
tinaasan ko lang siya ng kilay. at balik na sa binabasa ko. aba malay ko sa kanya kung sino siya. pfft panira ng maganda kong mood. sa dami ba naman kasi ng pwede upuan dito pa makikishare sa table ko.

"may i sit here?" ulit na niya but this time with a polite tone. 

di ko siya pinansin patuloy pa din ako sa pagbabasa. ayoko kasi iniistorbo ako sa pagbabasa eh. nasa momentum na eh badtrip!

"thanks!" sabi niya lng kahit di nman talaga ako pumapayag. sino ba kasi talaga to?ugghh nakakaaasar siya pero bahala siya sa buhay niya. sabi nga dont talk to strangers.

di ko mapigilan na di tumingin sa mysterious guy na to. sinaksak niya headset niya sa tenga niya at natulog. sa harap ko talaga?  nakakahawa ah. humikab na din ako pero bigla na lang nagbell sign that lunch break is over.

"uy! gising klase na!" inalogalog ko siya pero wa epek. yung totoo tao ba talaga to? anbilis naman makatulog neto. bahala nga siya iniwan ko na siya at pumasok sa classroom. 

*classroom*

busy ako sa pakikinig ng biglang naginterrupt yung teacher namin.

"by the way class may bago pala kayong klasmeyt na papasok. di ko lng sure kung bukas o nextweek na siya papasok." ayan lang sinabi niya and then back to lesson.

naeexcite nman ako at syempre nacucurious na rin kung sino yun. sana babae tapos maging close ko at sana lang si maarte masasapak ko talaga at papabalikin ko kng san siya nanggaling.

di nman halata sa iba na tuwang tuwa sila sa announcement. kung makangiti mga to luuhh parang walang bukas. pati si bakla. bakit kaya ganun reaksyon nila? di pa naman nila nakikita ah. wow! grabe lang sila mag.assume.

Broken Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon