Felise Santander loves singing. Katunayan nga ay pangarap nitong maging isang sikat na mang-aawit. Sabi n'ya pa ay hindi n'ya nakikita ang sarili sa future na hindi kumakanta. Kaya naman ng makarating sa kanya ang balita na nagbukas ng audition ang music producer ng sikat na entertainment company ng bansa ay agad s'yang nag-apply rito.
Buo ang loob ng dalaga dahil may tiwala s'ya sa kanyang sarili. Alam n'yang magaling s'ya. Kaya naman hindi n'ya matanggap ng laitin s'ya ng producer na isa sa mga hurado. "You called that singing? Huh? You're seriously kidding me, Miss" sabi pa nito.
Nagpupuyos sa galit ang dalaga. Ang sandaling paghanga sa pisikal na katangian nito ay napalitan ng inis. Paano s'ya naging producer kung hindi n'ya alam kung ano ang tunay na talent?
But several days later ay nagulat na lamang s'ya ng ipatawag s'ya nito at alukin ng tulong. "I will make you the best singer. Hindi lang dito sa bansa, kundi sa iba't-ibang bansa" kumpyansang wika nito.
Ngunit ano kayang magiging kapalit noon?
Can it be the start of her journey as a singer? Or there is a big reason behind that?

BINABASA MO ANG
JOURNEY TO LOVE
Romance"Kahit kailan ay hindi ako magsasawang unawain ka. Yang mga flaws mo, kasama 'yan sa minahal ko sa'yo. I love you, as a whole. Package na kung baga,"