CHAPTER 1

4 1 0
                                    


"FELISE! Hanggang ngayon ba naman tulog ka pa? Aba'y hindi ka na ba talaga magbabagong bata ka? May trabaho ka na't lahat ganyan ka pa rin!"

"Nay naman e! May alarm ako. You don't have to wake me up! Ang aga pa kaya!" reklamo ng dalaga sa ina.

Well, talagang tatanghaliin nga ito sa puyat. Alas dos na yata ng madaling araw ng makauwi ito galing sa kalapit na Barangay. Napagkatuwaan niyang sumali sa Amateur Contest. Hindi na nga dapat s'ya papayagang sumali dahil over qualified s'ya ngunit nagpumilit ito. Ngunit sa huli ay pinayagan na rin s'yang kumanta. Mahilig talaga s'yang umawit. Kaya't kung saan-saang lugar s'ya napupunta para lang sumali sa singing contest kahit na may trabaho s'ya ng umaga kinabukasan. Gaya nang inaasahan ay ito ang laging nag-uuwi ng premyo. Ngunit para sa kanya ay wala lang iyon. Masaya s'ya sa ginagawa at alam n'yang magaling s'ya.

"Oo nga may alarm ka," nakapamaywang pa ito. "Kanina pa tumutunog ay hindi ka pa rin nagigising! Tulog mantika! Hala bumangon ka na riyan at ako ay mahuhuli na rin sa trabaho!" iniwan na s'ya ng ina at tila nagmamadali na itong lumabas ng kanyang silid.

Ang OA naman yata ngayon ng kanyang ina. Masyado pang maaga, pero kung magmadali wagas. Well, baka naman maraming trabaho sa munisipyo.

Her mother is a simple employee in their municipality. Katunayan ay ayaw na nga sana itong pag-trabahuhin ng ama, ngunit mapilit ito. Madalas kasi ay nasa barko ang ama dahil isa itong seaman. Kaya naman mas ginusto ng nanay n'yang magtrabaho dahil maiinip lang daw ito sa bahay. Lalo na ngayong may kanya-kanyang trabaho na silang magkakapatid. Tatlo sila at s'ya ang pinakabunso. Ang kuya nya ay may asawa na at ang ate naman n'ya ay nagtatrabaho sa States bilang nurse. Kaya't s'ya ang naiwan kasama ang ina. Though umuuwi naman ang tatay n'ya every two years. Simple lang ang buhay nila, pero masaya. Kahit na magkakahiwalay ay hindi pa rin nawawalan ng contact sa isa't-isa.

Pupungas-pungas pang bumangon si Felise ng kama. Ngunit tila nagising ito nang makita ang kanilang wall clock! Eight thirty na! Alas-nuwebe ang pasok n'ya! Shit! Late nanaman s'ya. Para s'yang binuhusan ng malamig na tubig at dali-daling naghanda para sa pagpasok sa opisina.

Nagbihis lamang s'ya ng maong pants at blouse na bumagay naman sa kanya. Kahit ano naman yatang isuot n'ya ay bagay sa kanya. She's beautiful at 'yon ang isa sa mga bagay na nakakapagpa-dagdag sa confident n'ya. She's not that tall with a height of five feet, three inches. Morena s'ya ngunit masasabi naman na makinis ang kanyang balat. May abuhang mga mata, matangos na ilong at hugis pusong mga labi.

Gaya ng inaasahan ay late nanaman ito.

"SIR, may problema po tayo," bungad ng secretary ni George. Kakarating lamang niya at kakababa lamang ng kanyang gamit ng pumasok ito sa kanyang opisina.

"Napakagandang bati naman yata n'yan, Sab," nakangiti pang baling n'ya rito.

"Good morning po. Pasensya na, biglaan po kasi," kumakamot pa ito sa batok.

"Anong problema?"

"Eh Sir, si Caroline po. Gusto na n'yang i-terminate ang contract sa atin. Handa daw po s'yang magbayad ng danyos. Eh paano po 'yong album na dapat ay gagawin? Sa isang linggo na po naka-schedule ang paggawa ng music video. Masyado na pong hassle kung magpapalit pa tayo ng singer," pahayag ng kausap.

Sa sobrang inis ay napahawak na lamang si George sa kanyang ulo na tila biglang sumakit ng malaman ang balita. He is the CEO of the well-known entertainment company, NBS. At hindi s'ya si George Jose Tan kung hindi n'ya masu-solusyonan ang problema. Matagal na s'ya sa industriya at ito ang unang pagkakataon na may gustong mag-terminate ng contract sa kanila. His company raised many stars, walang hinawakang tao ang kumpanya n'ya na hindi nagkamit ng tagumpay. Kaya naman hindi n'ya lubos maintindihan kung bakit 'yon nagawa ni Caroline. Lalo pa't nasa rurok ito ng kasikatan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JOURNEY TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon