And even if the sun refused to shine
Even if romance runs out of rhyme
You would still have my heart until the end of time
You're all I need, my love, my Valentine
Ganang ganang kumakanta ang s'yam na taong gulang na batang si Felise habang iniindayog pa ng mabagal ang kanyang bewang. Kasalukuyang nasa parke ito at kakaalis lamang ng mga kalaro. Maaga pa naman at siguradong wala pa ang mga magulang sa kanila, kaya nanatili nalang muna ito roon at naglibang sa pamamagitan ng pagkanta. Ito ang hilig ni Felise. Noon pa mang bago pa lamang nagkaka-isip ay kita na rito ang hilig sa musika.
"Hoy bata! Tumigil ka nga! Ang sakit sa tenga ng boses mo," sigaw ng isang batang lalaki. Luminga-linga s'ya sa paligid upang masigurado kung s'ya nga ang sinisigawan nito. Nang makitang walang ibang taong naroroon ay nasiguro n'yang sya nga ang kinakausap nito or should she say, sinisigawan nito. Pinasadahan n'ya ng tingin ang batang lalaki. Sa tantya niya'y matanda lamang ito ng ilang taon sa kanya. Maputi ito, may katangkaran at may maliliit na mga mata. Natigil naman s'ya sa pagkilatis dito ng ma-realize kung anong sinabi nito.
"Excuse me? Yung boses ko? Masakit sa tenga? Hindi mo ba alam na ako ang pinakamagaling kumanta sa angkan namin?" nanggigigil na sambit ng dalaga.
Sa inis ay lalo lamang s'yang pinagtawanan nito. "Seriously? Sino may sabi? Nanay mo? Oh, you should know that for every mother in this world, their sons and daughters are the best for them. I can also be a very good dancer for my mother kahit na hindi naman ako marunong sumayaw."
Hindi napigilan ng batang babae ang inis kaya kumuha sya ng bato at pinukol ito. Tumama iyon sa ulo ng bata na agad namang napahawak kung saan s'ya natamaan nito at napaluhod sa sakit. Nang tingnan nito ang kamay mula sa ulo ay namutla ito. May dugo ang kamay n'ya. Nakita ito ni Felise kaya naman nataranta ito. Nilapitan s'ya nito at hinawakan. "Oh my God! You're bleeding! We should go to the hospital."
"Psh! H'wag mo nga akong hawakan. Malayo to sa bituka bata! Sa susunod, h'wag kang basta basta mamamato. Pano kung mas napasama ang tama nito?" Agad namang nakonsensya ang kausap. Anong gagawin n'ya?
"Ikaw naman kasi, ang sabi mo ang pangit ng boses ko," pangagatwiran nito na ikinangiti naman ng batang lalaki.
"Parang wala naman yata akong natatandaan na sinabi kong pangit ang boses mo. Ang sabi ko, masakit sa tenga."
"Eh gan'on na rin 'yon. Masakit sa tenga, ibig-sabihin pangit," pahayag ng dalagita na nanghahaba pa ang mga nguso.
"That's not what I mean. I know you can be the best singer someday. But you should learn and realize the true essence of singing." Ginulo nito ang buhok n'ya at iniwan na s'yang nakatanga.
Bakit kaya ito ganong magsalita? Kung umasta akala mo ang tanda na. Feeling magaling pa. Tse! Bahala ito sa buhay n'ya.
Ngunit ng maalala ang huling sinabi ng bata bago s'ya iwan nito ay unti-unti s'yang napangiti.
Ano naman kaya ang kailangan pa nyang matutunan? Sigurado naman na s'yang magaling s'ya. Psh! Essence essence pa itong nalalaman!

BINABASA MO ANG
JOURNEY TO LOVE
Romance"Kahit kailan ay hindi ako magsasawang unawain ka. Yang mga flaws mo, kasama 'yan sa minahal ko sa'yo. I love you, as a whole. Package na kung baga,"