Chapter 2 ▶ HB...W

68 6 4
                                    

Chazi's POV

“Hay life..Parang buhay!-- ARAY!” Pambihira. Binatukan lang naman ako ni Daniellalalala. Problema nito?

“Hoy Chazi, nakadrugs ka ba, ha?” sarkastikong saad niya. Napapoker face na lang ako. Basag trip kasi toh eh.

“Nakasinghot lang ako ng katol, nukaba!” biro ko naman sabay irap sa kanya.

Wala kaming ginagawa ngayon, vacant kasi. Yung iba naman may sariling mundo. Yung iba natutulog, tulad ng seatmate ko na si Titus. Ngayon ko lang napansin ang isang toh ah.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, medyo nakapaharap kasi sakin yung mukha niya kaya kitang kita ko... Why so angelic?

Mukhang matino pala toh pag nakatulog eh.

“Hoy, baka matunaw yan.” Nagulat naman ako kay Dan sa harapan ko kaya umayos ako ng pwesto.

Hindi ko na pinansin si Dan, tumingin lang ako sa kanya. Eh, ewan ko ba?

Binalik ko naman ung tingin ko kay Titus at..

“Sabi ngang matutunaw ako eh.”

Nanlaki naman ang mata ko. At nakita ko si Titus na nakatitig din. Wth. Nakita niya ako!!! Like, OMG?! Ang gwapo ng boses niya!! What the heavens! Ano tong sinasabi ko???!

Kalma lang, kalma.

“A-ah haha! Hindi ka naman ice cream para matunaw e-eh, diba?” Ugh nauutal na naman ako!!

Ngumiti na lang ako–yung ngiting kita lahat ng ngipin mo, ngiting aso–para hindi halatang ninenerbiyos.

“Haha! Joker ka talaga, Chaz!” natatawang sabi ni Titus sabay gulo sa buhok ko. Woah, ngayon ko lang toh narinig tumawa.

Sinenyasan ko naman si Dani na magsalita pero wala lang siyang ginawa, kinikilig kasi ang bruha.

Nakita ko naman sa peripheral view sa may kanan ko, nakapalumbaba si Titus habang nakatingin--no nakatitig yata siya sakin. Mukhang inaantok pa ang anghel, hehe.

Weird. Sobrang weird ng atmosphere dito. Naisipan kong pumunta muna sa cr. Tutal, wala namang teacher kaya lumabas na ako agad.

Pagkalabas ko ng room, rinig pa rin ang ingay nila. Mga nakalunok ng microphone tong mga toh. Buti na lang lahat ng grade ten sections, vacant at walang teachers.

Habang naglalakad ako sa hallway, sumasabay naman ang mga ingay ng estidyante dito.

When I passed by a room, I felt something weird. Something weird inside me. Hindi ko maintindihan. Parang bumagal ang oras, pati na rin ang paglakad ko, at ang paligid.

Tumingin ako sa room na yon at bumagal din ang galaw nilang lahat. Meron akong nasulyapan na ang labo. Ang labo ng paningin ko sa taong yun.

Napansin kong nalagpasan ko na yung room at bumalik na rin sa dati ang lahat. Pero hindi pa natatanggal yung weird na nararamdaman ko. Aish, nahihibang na ba ako?

Pumunta na ako sa girls' cr at naghilamos konti. Sinapak sapak ko na rin ang sarili ko, naninigurado lang na gising ako. Agad na rin akong pumunta sa room namin.

“MC!”

Bigla naman akong napahinto sa may tapat ng room kanina. Parang may nakatingin sakin. Tumingin sa ako room ng Section Eros pero wala naman. May sakit ba ako? Haayy. Namalikmata lang siguro.

Sino kaya yung MC? Tsaka ung tumawag sa pangalang yon, parang pamilyar pero hindi ko kilala. Kaya nga pamilyar lang diba, hay Chazi. 

Natapos din ang pagkahaba habang paglalakbay ko, andito na ako sa room namin. Maingay pa rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bolpen at PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon