"Maria!!! Bilisan mo dyan at mag-i-start na ang klase oh!" Maria na naman? Sabi ng ayokong tawagin akong ganun eh!
Ugh! Kailangan ko pang ubusin itong lasagna ko! Andito kasi kami sa cafeteria.
"Dan naman! Malapit na toh!" saad ko sabay kagat ng malaki sa last piece ng lasagna na kinakain ko.
Konting nguya na lang...
"Mari--!" Tinakpan ko ang bunganga ng babaeng toh bago pa siya magsalita.
"Dan, sabi ko, *nguya* Chazi ang pangalan ko. *nguya* Hindi 'Maria', okay?" Pagkasabi ko non ay nalunok ko na yung kanina ko pa nginunguya.
Agad ko namang tinanggal ung kamay ko sa bibig niya.
"Daming sinabi eh! Tara na!" Tumayo na sana ako nang bigla akong hinila ni Dan papunta sa room.
Wala na akong magagawa eh.
✒✒✒
"Uy Dan! Peram ballpen mo." Lengya nawala na naman ballpen ko! May pinapagawa pa naman si ma'am samin.
"Ano ba yan, Chazi? Pati ballpen kakainin mo? RK ka, wala kang ballpen?" saad naman niya at umiling iling pa. Ang laki ng naitulong ng isang toh, ha.
Hahanap na nga lang ako.
Nilibot ng mga mata ko ang sahig hanggang sa nakayuko na ako dito. Silip dito, silip doon.
Ayown!
Nakakita ako sa may ilalim ng armchair ko. Agad ko naman kinuha yon.
Aha! Gotcha.
Umayos na ako ng upo at nagsimula na ring magsulat. Buti na lang may tinta pa to. Ang ganda rin ng sulat, teka anong brand nito?
Titus
Titus pala ah. Mukhang mamahalin toh.
"Uh, hi seatmate!" bigla namang may lalaking kumalabit sa may kanan ko. Hu u?
Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin ako sa pagsasagot.
"Tanong ko lang kung may nakita kang ballpen.. may nakalagay na Titus?"
Hanudaw??? Ballpen? Titus? Omg.
Dahan dahan akong tumingin sa kanya.. wew bat ang ang ganda ng mga mata niya? Wth? Napailing na lang ako.
Tumingin naman ako sa ballpen na hawak ko at binaling ulit ang tingin ko sa kanya.
"Ah..eh, eto ba?" dahan dahan ko ring pinakita yung ballpen na nahanap ko kanina. Ngumiti lang ako ng pilit.
"Yeah, buti nakita mo. Salamat ah!" Sabi niya at ngumiti sakin, binigay ko na rin ung ballpen niya.
Now I can let you go, ballpen...No choice eh.
Nanlumo ako at para bang nalugi. Wala na akong gagamitin. Tinignan ko ung sinasagutan namin, di bale tapos ko naman na, coz you know, I'm Flash.
Yun nga lang...WALA AKONG NAISULAT SA NAME!
Ugh! Epic face palm. Katangahan mo Chazi!
✒✒✒
"Chaziii!" si Dan na naman. Heto, yinuyugyog ako.
"Ano?" tipid kong sagot. Nakapoker face lang ako sa kanya.
"May problema ako!" sigaw niya sa mukha ko habang niyuyugyog pa rin ako. Ang kulit ng lahi nito.
BINABASA MO ANG
Bolpen at Papel
NouvellesNaglabas ako ng isang pirasong papel, at doon... isusulat ko ang pangalan mo... Pero bago yun... "Peram ng ballpen mo!" Highest Ranking: #871 in Short Story [1/3/17]