Chapter 8- Who's Nithael?

772 24 4
                                    

LAY'S POV

Dere-deretso kaming naglakad papunta sa may School Gymnasium. Dahil Lunes ngayon,ngayon na kami magsisimula sa paglilinis. At yung anim na Kontrabido? Ewan ko kung saang lupalop ng Earth napadpad.

Sehun: Nasaan si Kai? Bat hindi pa bumabalik?

Chanyeol: Baka tinakasan tayo. Tamad yun eh.

Kai: *kakapasok* Hindi ako katulad mong tamad Chanyeol.

Chanyeol: *tingin masama kay Kai* Masipag kaya ako.

Kai: Oo nalang *napatingin sa mga kasama* Oh,bat ganyan kayo makatingin sa akin?

Ako: Dahil maglilinis tayo ng dahil sa gulong ginawa mo *tingin kay Tao* pati na rin saiyo.

Natigilan naman kami sa pag-uusap ng biglang may pumasok sa loob ng school Gymnasium.Isang babae..Kasama si Luna? Ano naman kaya ang ginagawa niya dito?

Ako: Oh Luna,anong ginagawa mo dito?

Luna: *kamot sa batok* Ah eh, nahuli kasi ako na natutulog sa klase. Kaya ayun

Ako: Ahhhh. Kaya pala.

Luhan: Eh sino ka naman? *tingin sa babae na kasama ni Luna*

Nithael: Ahh. Ako si Nithael Legaspi, you can call me Nitha for short. I'm the Vice-President of the Student Council at simula ngayon hanggang matapos ang punishment niyo,ako ang magbabantay sa inyo *ngiti*

Suho: Nasaan naman yung anim na lalake? Hindi ba nila kami tutulungan sa paglilinis?

Nithael: Parating na rin ang mga 'yun. Mabuti pa magsimula na kayo. Nasa storage room yung mga gamit panlinis,kunin niyo nalang *sabay turo sa storage room*

Lahat kami ay pumunta na sa storage room para kuhanin ang mga gamit panlinis dito sa Gymansium.. Pero napahinto ako sa pagkuha ng mga gamit ng makita ko sila Sehun at Tao na kanina pa nakatayo doon kaharap ni Nitha. Siniko ko si Xiumin.

Ako: Uy,anong nangyari sa dalawang 'yon? *turo*

Xiumin: Hindi ko rin alam. Kanina pa nakanganga,kulang nalang pasukan ng langaw ang bibig nilang dalawa.

Chen: HAHA. Nabighani ata kay Nithael.

Tawa lang ng tawa na parang baliw sila Xiumin at Chen. Ilang saglit pa ay nakisali na rin sakanila si Chanyeol at Luhan. Mga baliw talaga. Tsss. Tinignan ko ulit sila Tao at Sehun,papunta na sila dito sa pwesto namin kaya yung mga baliw na kanina pa tumatawa,tumigil bigla. Habang papunta ang dalawa dito sa pwesto namin,pansin ko na parang may pinagtatalunan silang dalawa.

Sehun: Ang ganda niya!

Tao: Oo nga.

The WizardsWhere stories live. Discover now