2nd Stop: Till My Heartaches End

8 0 0
                                    

<<Spencer's POV>>

"Spence! Uy!" Nagpatuloy padin ako, buti nga sa kanya.

Natigil lang ako sa paglakad nung hawakan ako ni Dex sa forearm ko at may narinig akong boses ng babae, "Dex?!"

Pagtingin ko, si Ashley pala. May naramdaman nanaman akong sakit.

MAY SOMETHING NGA SA KANILA.

Inalis ni Dex yung pagkakahawak niya sakin at lumapit sa amin si Ashley.

"Anong ginagawa nyong dalawa?" tanong nya samin. Ang arte talaga ng isang ito, ang sarap hambalusin.

"Ah-eh wala." -Dex

"Sige Dex, alis na ako ha. Mauna na ako sa room. Baka malate pa kasi ako." AT patuloy na akong lumayo sa kanila. Hindi ko lang kasi kaya na makita yung taong mahal ko na kinakausap ang taong gusto niya.

Natatakot ako na may masabi lang ako sa kanya. . .

Nang maabot ko na yung room namin, umupo na ako sa upuan ko. Tulala ako habang iniisip ko yung mukha kanina ni Dex ng makita ni Ashley na hawak nya ang braso ko.

At nasaktan nanaman ako. Ano ba naman ako.

May umupo sa tabi ko. Si Steve lang pala.

Nginitian ko naman siya. Kaibigan ko siya kasi business parters ang parents namin. Si Steve naging kaibigan ko sya dahil close ang families namin.

"Kamusta? Bat parang ang lalim ng iniisip mo?" sabi nya sa akin

"W-Wala lang. May nangyari lang."

"...Aaah." Nagbuntong hininga muna siya at sinabing, "Uh, pero kung gusto mo ng makakausap, n-nandito lang ako ah?"

Ngumiti nalang ako sa kanya dahil ang bait talaga ni Steve. Tuwing wala akong kasama, sya palagi ang sumasama sa akin.

Ang lalim pa ng iniisip ko ng biglang may nag-blow sa left ear ko, na naging dahilan ng pagkagulat at pagkahulog ko sa upuan. Eh since left-handed ako, nasa left ang arm chair ko kaya nahulog ako :(( WALANGYA SINO BA YUN?!

"Hahahahahahahahahahahaha! Ang gugulatin mo talaga kahit kelan Spence! Hahahahahahaha!" Maryosep si Dex lang pala =____________=

Ang lakas talaga ng sapak neto kahit kelan

"Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Steve habang inaalalayan ako patayo. 

Buti pa to eh, GENTLEMAN.

"Ano ka ba Steve! Syempre ayos lang yang si Spence! Eh nagbibinata na kaya---aray!" 

Natigil sya sa kasi binato ko sya nung isa kong sapatos.. .

"Bleh! Buti nga sayo!" :P

"Ang daya naman neto, gumagamit ng karahasan." tapos nagpout pa siya.

"Wow ah! Hiyang-hiya naman ako sa pagkainosente mo!" sarcastic kong sabi.

Tinakpan ko yung tenga ko dahil alam kong may sasabihin pa yan sakin

Sus, yan pa. Di marunong magpatalo yan eh

"Lalalalalala! Wala akong naririnig! Woooh!"

"Ah ganun ah..." Tinignan ko siya ng masama at nagulat ako kasi kinikiliti nya ako. ALAM TALAGA NIYA ANG WEAKNESS KO!

"Hahahahahahahahahha tama na! Suko nako! May naririnig nako!!!!"

"Promise?!"

"Promise hahahahaha." At tinigil na niya ang pangingiliti sakin. Mabuti naman.

"Kayo ba? Bagay kasi kayo eh." nagulat naman ako sa sinabi samin ni Reign.

Si Reign yung kaklase namin ni Dex since grade 6 kami. Syempre, kaclose ko narin yan. 

Alam niya na ano, basta yun na un

"Ha-ha-ha-ha. Nakakatawa ka talaga R-Reign! Ha-ha-ha ano ka ba naman!" tawa ko pero pilit 

Nilakihan ko sya ng mata.

"Okay, sabi mo eh."

Bumalik na sila sa mga upuan nila kasi dumating na Ms. Leila, yung first subject teacher namin.

Dumaan ang mga oras ng wala akong naiiintindihan sa mga sinasabi ng teachers ko.

-----

Lunch na namin ngayon at kasabay ko si Reign kumain sa canteen.

"Reign ano ka ba naman! Dat di mo yun ginawa kanina. Paano kung mahalata ni Dex?"

"Excuse me ah, ikaw na nga tong tinutulungan ko, ikaw pa tong galit. Mas maganda nga kung alam na ni Dexter yung feelings mo sa kanya. Speaking of the devil, asan na ba yung isang yun?" oo nga noh. Asan na kaya yung si Dex?

Lumingon-lingon ako sa paligid namin para hanipin si Dex. Paglingon ko sa likuran ko, nakita ko si Dex na kakapasok palang sa canteen na kasama si A-Ashley.

I felt a lump on my throat. . .

Tinutulungan niya si Ashley sa mga gamit niya na alam kong hindi niya gagawin sa akin kahit kailan na may ganung ngiti at tingin. KAHIT KAILAN.

Makita ko pa nga lang silang magkasama, nasasaktan nako. Eh paano pa kaya ngayon?

"A-ayun oh." Tinuro ko si Dex kay Reign, "Ah sge Reign, una na ko ah? Nalimutan ko may gagawin pa pala ako. Bye."

At umalis nako. Narinig ko pang tinawag uli ako ni Reign pero ayoko ng tumingin. Lumabas ako dun sa kabilang pinto ng canteen namindahil ayoko ngang makita si Dex.

Pumunta ako sa library ng school namin at umupo sa isang lane ng bookshelf kung saan walang tao. Dito ako pumupunta tuwing gusto ko makapag-isa.

At dun ako naglabas ng sakit. Iniyak ko ang lahat. 

I'm so pathetic.

Nilabas ko ang diary ko na sinasabihan ko ng lahat at nagsulat habang naiyak ng:

Dear Diary, 

Nakita ko si Dex at Ashley ngayon na magkasama. Ang sakit lang. Bakit hindi nalang ako? Ako naman yung laging nasa tabi niya diba? Bat ganun, ang sakit." may tumulo ng luha dun sa diary ko. Umiiyak na pala ako. Gusto ko lang naman ng malalabasan ng sakit kaya heto ako ngayon, nagsusulat na parang tanga.

~

When the World Turns Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon