Chapter 1: Coffee Shot

37 2 6
                                    

[HANNAH'S POV]

"Hoy Hannah! Gumising ka na! Malalate ka na sa school mo! Iwan kaya kita diyan?!" Putek talaga 'tong si Meghan oh, aga aga eh. Kala mo naman bahay nila? Siya kaya sa sitwasyon ko oh? At tsaka bakit siya andito? Anong ginagawa niya dito?

"Ano ba? Bakit ka ba andito tsaka bakit ang aga aga mo? Arghh!" Tiningnan ko yung oras. OMO! 7:00 na agad? As in? I better hurry up na nga!

"I told you bes, late ka na. At infairness busog na busog eyebags natin ah? Anyare?" Tanong niya habang nakaupo sa kama ko at nagbabasa ng magazines. Ako? Eto, nagtataranta na. 'Di ko alam gagawin ko eh.

"Aish! Mamaya na natin pag-usapan 'yan! Maliligo na 'ko. 30 minutes nalang magiistart na yung klase oh?" Nagmadali na 'ko pumasok sa banyo at naligo. Nagready na 'ko tapos bumaba na agad. Naabutan ko si Mama na naghahanda na ng pagkain.

"Good Morning anak. Take a seat, eat your breakfast na." 'Di ko na pinansin si mama dahil nagmamadali na ako, kumuha na lang ako ng tinapay sa mesa tapos inubos ko na yung gatas ko. "Oh? 'Di ka man lang ba mag-aalmusal?"

"Ma late na kasi ako eh, sa school na lang ako kakain. Bye ma, i love you."

"Sige bye anak, i love you too. Mag-ingat kayo ni Meghan ha?"

"Yes ma."

Umalis na kami ni Meghan sa bahay. Nako, first time ko atang malate ngayon ah? Ano ba kasing ginawa ko kagabi? Ah, tanga mo Hannah, eh 'di syempre nagbasa ka pa ng wattpad! Halos lumuwa na mata ko kakabasa sa wattpad,  nawala sa isip ko na may pasok na pala ngayon. Buti nalang dumating 'tong napakamaldita kong bestfriend kundi, siguro kanina pa 'ko tulog. -_-

Malapit na kami sa school at ang daming tao ha? Anong meron? May artista ba? Wow ha? Artista agad? Pero teka bakiy nga ang dami tsaka bakit puro babae dito? Hello? 'Di ba sila papasok sa mga klase nila? Anong oras na oh? Hay..makapasok na lang. 10 minutes nalang. Buti nakaabot pa 'ko.

Pagdating namin ni Meghan sa room buti na lang wala pa yung teacher namin. Umupo kami sa pinakadulo ni Meghan dahil wala ng bakanteng upuan pa sa harapan. Ano? Aangal pa ba kami?

Maya maya may dumating na lalaki, naka shades pa, akala mo kung sinong artista eh. Daming alam, mag-aaral na nga lang.

"Uy bes oh. Ang pogi!" 'To namang katabi ko parang uod na ewan eh, 'di mapakali. Kala mo ngayon lang nakakita ng gwapo.

"Nako bes, tumigil ka nga diyan. 'Di naman gwapo eh. Nagfi-feeling lang." Sabi ko tapos tinarayan niya 'ko. "Nako Meghan, pasalamat ka bestfriend kita at sanay na 'ko diyan sa mga pagtataray mo na 'yan. Kung hindi baka kanina ko pa yan dinukot yang mata mo." Sabi ko.

"Ay aber, pasalamat kadin kasi kinaibigan pa kitang Ms. Nobody or Ms. Ordinary ka. May kakaibang ganda kaya 'tong bestfriend mo noh? Kaya wag ka nang umangal pa okay?" Sabi niya sabay hairflip. Meghan's Way.

"Haay. Itigil mo na nga yang pagpapantasya mo diyang sa mokong na yan." Sabi ko pero 'di naman niya 'ko pinakinggan. Nako! Titirisin na kita diyan Meghan eh. "'Di naman gwapo." Bulong ko sa sarili ko.

Maya maya dumeretso siya sa dereksiyon namin at umupo siya sa tabi ko. Expected ko na yun kasi wala namang ibang bakanteng upuan kundi sa tabi ko lang.

Papogi ng papogi 'di naman pogi. Feelingero amp! Lahat tuloy ng mga babae sa room ang sasama ng tingin sakin. Siguro kung nakakamatay lang yung mga tingin nila, kanina pa 'ko pinaglamayan dito. 'Bat 'di kaya sila dito sa pwesto ko? Ayoko naman talaga katabi 'tong mokong na 'to eh.

"How dare her tabihan si Papa Tyler? Ang panget panget niya kaya!"

"Yes, parang manang nga siya kung manamit eh. Nagtitinda ata siya ng tinapa. Hahaha!"

Ms. Panget Naging Ms. MagandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon