Point of View: His

100 10 0
                                    

There Are Always Two Sides To Every Story

[PROLOGUE]

Ano nga ba ako?

Ito ang mga huling salitang narinig ko mula sa kanya patungkol sakin.

Tanga.

Iyan nga siguro ang maitatawag sakin dahil sa ginawa ko. Kahit na masasabing ginamit ko nga ang utak ko para sa naging desisyon ko, katangahan pa rin iyong maituturing. Gusto ko siyang protektahan pero sa huli ako pa rin ang naging dahilan para masaktan siya. Gusto ko siyang maging masaya pero mga luha ang ibinigay ko sa kanya.

Ang inakala kong pag-ibig ang siyang lumason at sumira sa kanya.

Isa nga siguro akong tanga.

Duwag.

Hindi ko ipinaglaban kung anong meron kami. Naduwag ako, hindi dahil sa wala akong nararamdaman para sa kanya kundi dahil alam kong masasaktan ko lang siya. Hindi ko kinayang ipaglaban ang nararamdaman ko dahil alam kong hindi sapat iyon para lumigaya siya.

Nasakop ang aking pag-iisip ng mga bagay na wala kami imbis na kung anong meron.

Nilamon ako ng takot at kaba sa mga bagay na hindi pa nangyayari, sa mga hindi kasiguraduhan ko sa buhay.

Hindi pa man nagsisimula ang laban, bumitaw na ako kaagad.

Duwag nga talaga ako.

Manhid.

Binalewala ko ang damdamin niya. Itinulak ko siya palayo nang hindi nagpapaliwanag. Unti-unti kong pinatay ang pakiramdam ko para dahan-dahan niya akong mapakawalan. Masakit, oo sobrang sakit. Pero sa mga unang sandali lang iyon, dahil inisip kong makalipas ang ilang panahon masasanay rin siyang at mamamanhid. Pinag-aralan kong ngumiti habang nasasaktan, tumawa habang nalulungkot, maging matatag habang nanghihina, para tuluyang mapalaya siya.

Sa kabila ng lahat ng ginawa ko, patuloy siyang nagpakatatag. Inintindi niya ako at ipinaramdam niya pa rin ang pagmamahal niya sakin.

Pero hindi ko iyon pinansin. Isinantabi ko ang lahat ng iyon. 

Manhid nga siguro ako.

Tama nga siya. Tanga, duwag at manhid ako.

Pero may nakalimutan ata siya. Dahil sa lahat ng sinabi niya, merong pinaka makakapaglarawan sa akin.

Siraulo.

Oo, siraulo ako. Wala na talaga siguro ako sa tamang pag-iisip. Baliw na ako dahil nagawa ko sa kanya ang mga iyon.

Ako si Altaire Vinden Tala at ito ang aking POV.

A/N

This is a back to back series with Point of View: Hers. Please read both of them as you go along the chapters so you can get the full story.

The updates will be alternate or at the same time. :D

Thanks!

=MrKofie=

 © Jan 2014

Point of View: HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon