Lakad dito, lakad doon. Walang direksyong patutunguan. Kusang gumagalaw ang aking katawan dahil hindi ako mapakali.
Kanina pa ako paikot-ikot sa labas ng bahay niya. Hindi ko magawang pakalmahin ang aking sarili. Paulit-ulit kong ine-ensayo ang gagawin at sasabihin ko. Sa bawat pag-ulit ko ay mas lalo akong kinakabahan.
Mabuti nalang at walang tao sa bahay dahil umalis sina tita Liz at ang alam ko ay sa susunod na Linggo pa ang balik. Ang kapatid naman niyang si Erson ay kasalukuyang nagboboard para makapagreview sa licensure exam nito.
Dapit hapon na kaya't marami ng mga tao sa paligid. Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero hindi ko sila pinapansin dahil mas nakatuon ako sa mga susunod na mangyayari. Hindi naman siguro ako mapagkakamalang magnanakaw dahil sa maayos na pananamit ko.
Dahil sa matagal-tagal pa naman bago makauwi si Kat, ay naglibot muna ako para mawala ang kaba sa dibdib ko. Katapat ng isang village park ang bahay nila kaya't napagpasyahan kong maupo muna sa isa sa mga swings habang iniintay siya.
Napakaaliwalas ng lugar dahil maraming mga puno at halaman. Sariwa rin ang hangin na umiihip kaya't saglit na nawala ang aking pag-aalala. Inisa-isa kong muli ang mga sasabihin ko at gagawin para makasigurado. Planado at nakahanda na ang lahat, ang pagdating na lamang niya ang inaantay.
Pumikit ako saglit at huminga ng malalim upang mapakalma ang aking sarili. Pakiramdam ko ay malapit na akong himatayin dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko. Ang tanging hiling ko lang ay sana magustuhan niya ang aking gagawin.
Sa aking pagmulat ay muntik na akong malaglag sa aking kinauupuan. Iilang segundo lamang akong napapikit pero hindi ko napansin ang paglapit niya. Nakatitig ang mga mata nito sa akin at sobrang lapit niya na para bang ine-eksamen ang aking mukha. Hindi ito natinag nang makitang dumilat na ako bagkos ay lalo pang pinag-igihan ang pagtitig nito.
"Hey mister, for whom are those?" inosenteng tanong ng batang babae na nasa harap ko habang nakaturo sa mga bulaklak sa aking tabi.
"Ah ang mga ito ba? Para sa taong nagnakaw ng puso ko." natawa ako ng kaunti sa sinabi ko dahil pati ba naman sa bata ay nagawa kong sabihin iyon.
Hindi agad ito nagsalita pero bakas sa mukha nitong may gusto siyang sabihin. Hindi ko mabasa kung anong reaksyon niya. Mayaya pa ay muli itong nagsalita.
"Why would you give flowers to someone who stole from you?" hindi makapaniwalang tanong nito. "And besides that can't be true! That is just impossible! You won't be alive if your heart's been taken away!" dagdag na protesta nito. "Mister, are you making fun of me?" kahit bata pa ay may angas na ito kung magsalita.
Natawa ako ng kaunti sa sinabi ng bata. Hindi dahil sa mali siya kundi dahil natutuwa ako sa kanya. Ang tantsa ko ay nasa apat o limang taon pa lamang ito, pero napaka bihasa na nito sa pagsasalita ng Ingles.
Nginitian ko muna ang bata bago sumagot. "Pretty little miss, I'm not making fun of you. I'm sorry if you felt that way. But you see, when you're in love nothing is impossible... You'll get to understand what I'm saying when you get older. Here..." kumuha ako ng isang rosas at iniabot ito sa bata.
"Why are you giving me this?" bagamat alangan ang bata ay kinuha pa rin niya ang rosas.
"I just feel like giving it to you. What's your name pretty little miss?" nginitan ko ang bata at saka tumayo.
Hindi na sumagot ang bata. Tinitigan lang nito ako at tumakbo palayo. Napakamot na lamang ako sa aking ulo habang pinagmamasdan ang batang tumatakbo.
Iginala kong muli ang aking paningin sa paligid ng parke. Ang kaninang bakanteng kalye ay mabilis na napuno ng mga tao. Ang alingawngaw ng mga sasakyan at ingay ng mga pag-uusap ay nakasira muli aking atensyon. Lalo tuloy akong kinabahan dahil hindi ako sanay sa mga matataong lugar. Hays, kailangan ko itong gawin para sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/11541203-288-k618322.jpg)
BINABASA MO ANG
Point of View: His
RomanceIsang istorya. Dalawang tao. Tatlong salita. Laging may dalawang panig ang bawat istorya.