Chapter 2

5 0 0
                                    

c2.

Zech's POV

Nagising kami sa isang tugtog na tinatawag na PPAP ng earthlings. Sikat daw ito sa Earth ngayon. Iba pala ang taste ng mga taga-Earth. Mas maganda pa taste ng mga taga-dito.

"What's wrong with the speaker?" Rinig kong tanong ni Xyrel. Katabi ko lang ang hinihigaan niyang kama.

[Xyrel Wombat. Babaeng medyo may hawig sa isang wombat. Medyo nerd dahil nakasuot siya ng salamin at palaging may libro.] Hindi ko lang alam kung saan nanggaling ang librong hawak niya.

"I don't know. That song sucks. It's a trend in the Earth." Sabi ko sa kanya. Mabilis ko lang naging kaclose si Xy dahil nabasa ko na ang librong binabasa niya at yun lang ang pinagusapan namin kagabi.

"Pano mo nalaman?"

"Universal news." Natigil ang usapan namin nang biglang bumukas ang pinto.

"Goodmorning my nine lovely children." Masamang bungad sa amin ni Trien sakay sakay ng isang vessel na nakalutang. Nakasuot naman siya ng golden vest ngayon with matching purple shades kaya naman ang sakit niya sa mata. Naaawa ako sa isang nilalang dito na sampu ang mata.

Kilala ko na ang lahat ng nandito bukod sa isa. Ang tahimik kasi nung nilalang na yun, at talagang hindi siya nagsasalita simula nung pinapunta kaming lahat dito ni Trien.

"Mukha mo, hindi lovely." Sigaw ni Yrie. Nginitian na lang siya ng nakakalokong ngiti ni Trien.

[Yrie Squaton. He has sharp teeth, yung mga ngipin na parang katulad ng mga ngipin ng isang shark na nakikita sa Earth.]

"Well, I am here to teach you the instructions in order to survive living in the Earth and finish the task. Just 3 basic steps." Panimula ni Trien.

"Why are we even doing this? How are we chosen?!" Tanong ni Jinno. Finally, I've been waiting for someone to ask that. Wala lang akong lakas ng loob dahil pamilya ko ang at risk.

[Jinno Javan aka JJ. Medyo intimidating yung itsura niya dahil malaki ang pangangatawan niya. Talagang pag nagsalita siya ay parang palagi siyang galit. May dalawa din siyang maliliit na sungay sa ulo.]

"Just shut up, will you?" Sabi ni Trien. Nginitian siya ni Trien na para bang nagsasabing, one word and I'll kill you. Umupo na lang si Jinno sa isang tabi.

"Okay, the very first step in order to survive the Earth is to not trust anybody. Yes, it may sound easy kasi dito sa planet natin, hindi talaga tayo mabilis magtiwala. Pero iba ang earthlings. They can lure you into a trap where you will trust them more than yourself and it will cause you harm."

"Second, I'll be giving you houses and money in each places BUT, be sure to be thrifty at times. Limited lahat nang yan."

"Last, use your cards efficiently. I want you to list all the people living there who doesn't want to live as a human anymore, why, and let them pick what they want in our races. Atleast five and that's it."

"What? How will we ask that and not sounding weird? They don't even know we exist!" Tanong ni Hexiel.

[Hexiel Shrew. Chic na lalaki. Crush ng karamihan na mga nilalang. Sikat siya sa kanyang planeta, kahit din sa iba pang planeta. Pang universal ata kagwapuhan niya, kahit medyo hairy nga lang siya.]

Trien shrugged and smirked and we suddenly fall into a deep sleep.

***

Trien's POV

"You will be okay." I assured my one and only friend before I let her do the task.

"How can I be okay? Bakit ba ako? Alam mo namang sobrang hate ko ang Earth diba?"

I sighed.

"Because I trust you with the most important card. I know you won't let me down."

"Eh diba wala pang nakasulat sa card-- oh. Love? Anong meron sa love? Ano ang love?"

"That's an earthling term. Bye for now."

Me and the Eight CardsWhere stories live. Discover now