|

79 3 1
                                        

Napatingin si Vallizy sa relos niya. "Oyren, kailangan ko ng umuwi. May sakit kasi si mama eh. Magingat ka ah. Tawagan mo ko para malaman kong ayos ka."

"Oo na, sige na." Natatawa along tinulak siya para makaalis na. Grabe talaga makapagaala 'tong bespren ko. Nang makalayo-layo na siya, nilingon niya muli ako. "Oyren, ha! Tawagan mo 'ko!" sabi niya habang nakaturo pa sakin.

Tinawanan ko lang siya. "Opo!" Saka na siya tuluyang umalis.

Naglakad na rin ako pauwi sa tinitirahan ko. Libre lang rin ang kwarto ko dahil sira-sira na ito at wala ring gumagamit kaya nga sakin nalang binigay eh. Halos wala na yata akong binabayaran kundi ang pagkain at pangangaylangan ko na lang. Tinutulungan rin ako ni Vallizy kapag walang-wala na talaga ako kaya nakakaya ko naman.

Nagiigib ako ng tubig sa poso para makaligo. May banyo akong walang pintuan ngunit may kurtina namang pangharang. Binubuksan ko ang bintana ko kapag naiinitan at kailangan ng ilaw. Kandila naman kapag gabi. Hindi yata ako gumagamit ng kuryente. Aba! Ang mahal kaya ng meralco at tubig.

Naligo muna ako kahit na gabi na. Ganito talaga ako. Araw-gabi naliligo dahil ayokong mangamoy putok.

Nang matapos na ako sa ginagawa ko. Lumabas ako ng bahay para bumili ng pagkain. May natitira pa naman akong allowance eh. Hotdog at bigas lang, kahit hindi luto ayos na.

Joke lang! Magluluto ako dahil ayokong magkaron ng bulate ang tiyan ko. Mas mahal kaya ang pangpaospital.

Tumunog ang telepono ko ng makalabas na ako sa pinagbilhan ko. Ayoko sanang sagutin 'to dahil pamilyar sakin ang numerong ito kaya hinayaan ko nalang hanggang sa mawala na ito.

Dumaan ako sa makitid na daan. Walang ilaw, maraming nakaharang at pwedeng-pwede kang madisgrasya.

Napatigil ako ng may makita akong lalaking nakaitim na nakatayo sa ilalim ng street lamp post. Yun ba tawag don? Hindi ko alam eh.

Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil natatakpan ito ng hood. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang labi niya. Kahit na hindi ko nakikita ang mata niya, ramdam kong nakatingin siya sakin. Tumibok ng mabilis ang puso ko.

Nagmadali akong tumalikod at naglakad para maiwasan siya. Alam kong malayo na ang narating ko pero nakita ko nanaman siya.

Sa hindi malamang dahilan, tinitigan ko siya. Ngumiti siya ng napakalapad at kitang-kita na ang buong ngipin niya.

Tumunog nanaman ang telepono. Pagtingin ko, text ang nakita ko.

'Sagutin mo.'

Ang sabi sa text message. Tinignan kong muli ang lalaking nakatayo ng hindi kalayuan sakin. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sakanyang mga labi ng bigla niyang iniangat ang telepono niya papunta sa tainga niya.

Kasabay nito ang pagtunog ng telepono ko. Sa sobrang takot ko na baka kung anong gawin niya sakin, sinagot ko na ito. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko.

[Buti naman at nakinig ka.]

Tumaas ang mga balahibo ko ng dahil sa boses niya. Nakakatakot siya.

"Sino ka ba ha?! Wala akong pakialam kung sino ka! Tigilan mo 'ko!"

[Huwag mong ibababa.]

Nagbabantang sabi niya pero binabaan ko na agad siya saka ako ulit umiwas. Hindi dapat ako matakot.

Tinawagan ko si Vallizy.

"Vallizy, tulungan mo 'ko." Pabulong na sabi ko dahil baka may makarinig.

[Ano?! Bakit? Anong nangyayar--]

Biglang naputol ang linya pero tumunog agad ang telepono ko at agad ko naman itong sinagot dahil nagpapanic na 'ko.

"Vallizy, tulungan mo 'ko! May humahabol sakin!"

[Vallizy? Yan ba ang pinagsusumbungan mo? Interesting, she must be really important to you.]

Nanlaki ang mga mata ko sa boses na narinig ko. Bakit?! Bakit siya ang kausap ko ngayon?! Kailangan ko ng tulong.

Nakarinig ako ng mga hakbang mula sa likod ko. Lumabo ang paningin ko dahil sa naiipong luha.

"Tumigil ka na! Pwede ba, tumigil ka na?! Ayoko ng ganito! Bakit mo ba ginagawa 'to?!" Humahagulgol sa sabi ko.

[Wala pa akong ginagawa sayo. Ang tanong, alam mo nga ba kung anong gagawin ko?]

Hindi ako nakasagot at nagkaron ng kaunting katahimikan.

[Huwag kang tumawag ng pulis. Yan ang sinasabi ko sayo. Wag mo 'kong susubukan...Oyren]

May humawak bigla sa paa ko. Napasigaw ako sa gulat at sa takot. Hinila ko ang paa ko mula sa kamay na 'yon pero hinila niya rin ako kaya natumba na ako sa sahig. Sigaw lang ako ng sigaw habang patuloy niya pa rin akong hinihila. Halos mapaos na 'ko pero wala namang nakakarinig sakin.

Kumapit ako sa poste at pinikit ang mga mata ko. Hindi ko maaninag kung sino ang humihila sakin dahil napakadilim ng lugar na ito.

Naramdaman kong wala na ang kamay na humihila sakin kaya agad akong napaupo at niyakap ko ang dalawang tuhod ko. Napasandal ako sa isang bagay na napagkamalan kong isang poste ngunit hindi pala.

Napatingala ako at isang napakagwapong nilalang ang aking nakita.

Umalis siya sa likod ko dahilan para matumba ako sa sahig at mawala ako sa pagkakasandal ko sa tuhod niya. Napahawak ako sa likod ko ng dahil sa sakit saka ko siya tinignan ng masama.

"Delikado dito, at gabi na. Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Phalrox. Oo, siya lang naman ang kilala kong taong hindi marunong magpakatao.

Tumayo ako at hinarap siya. "Wala ka na dun!" Inirapan ko siya at tinalikuran pero nagulat na lamang ako ng may maaninag akong kulay itim dahilan para mapabalik ako at mapayakap sakanya.

Napapikit ako habang yakap-yakap siya ng sobrang higpit. Narinig ko siyang tumikhim kaya napabalik ako sa wisyo at nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung anong mga pinag-gagagawa ko.

Agad akong kumalas sa pagkakayakap ko sakanya at tinignan siya pero blanko lang ang mukha niya.

Hiyang-hiya akong tinalikuran siya saka ako naglakad pauwi. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko siyang sinusundan ako. Baka naman magkapareho lang kami ng daan.

Hindi ko nalang siya pinansin. Sa totoo lang, nakaramdam ako ng pagkaginhawa ng dumating siya at ngayon na nga'y nasa likod ko lang siya.

Malapit na ako pauwi pero hanggang ngayon nasa likod ko pa rin siya. Nagmadali akong pumasok sa flat ng makarating na ako at agad na sinarado ito pero may pumigil sakin mula sa labas at tinulak niya ang pinto ng medyo malakas.

"Dito ka ba nakatira?! Anong problema mo, ha?!" Pagtataray ko kay Phalrox pero hindi niya ako sinagot at saka tuloy-tuloy lang siyang naglakad papasok.

Sinundan ko siya at laking gulat ko na lamang ng pumasok siya sa kuwarto ko.

"Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

"Naglayas ako samin kaya dito muna ako pansamantala. May nakapagsabi sakin na libre lang daw 'to kaya dito muna 'ko."

"At sino namang nagsabi niyan, aber?! Oo, libre 'to pero may nakatira dito at ako 'yon!" Napipikon na sabi ko habang tinuturo ang sarili ko. "Kaya pwede ba, umalis ka na?!"

Kinunutan niya lang ako ng noo. "Tss..." napapailing na sabi niya saka naglakad na palabas. Buti naman dahil wala akong interes na magpatira ng hayop sa bahay KO!

Beshrewed |#KNNotoriousWC|Where stories live. Discover now