||

54 2 0
                                        

Practice namin ng prom ngayon. Gabi na at nandito kaming lahat sa covered court. Sabi kasi ni Ginoong Eskwater gabi daw ang practice. Abnoy talaga.

Luminya kami at nagtapatan ng mga partners. Partner ko si Phalrox. Saya 'di ba?!

Hinawakan ko ang kamay niya at nagposisyon magsayaw.

Kadiri...Basa! Pasmado ba 'to?

Buong praktis pinagtyagaan kong hawakan ang kamay niya. Mukhang naiirita pa siya. Inirapan ko nga. Anong akala niya? Gusto kong hawakan ang kamay niya?! Tsk, mukha niya!

Pasalamat ka gwapo ka dahil kung hindi, iniwan na kitang mag-isa dito.

Anong sabi ko? Gwapo siya?! Joke lang yun. Di yun totoo syempre.

Nasa kalagitnaan kami ng praktis ng biglang tumunog ang tiyan niya. Tinignan ko siya pero umiwas siya ng tingin.

Maya-maya pa ay tumunog ulit ang tiyan niya kaya natawa na 'ko.

"Gutom ka?" Sabi ko habang tumatawa pa rin.

Hindi niya ako sinagot at sinamaan lang niya ako ng tingin saka umiwas ulit siya ng tingin. Patuloy pa rin ako sa pag-pipigil ng tawa ko. Hanggang sa pangatlong beses na tumunog ang tiyan niya, iniwan na niya ako.

Hindi ko alam kung saan nagpunta. Bakit ko naman aalamin? Ano ako? Nanay niya?!

"Kwangyang!" Napabalik ako sa wisyo ng marinig ko si Ginoong Eskwater na sumigaw.

"Nasaan ang partner mo?!"

"Kailangan sumigaw sir?"

"NASAAN?!"

Napahawak ako sa puso ko. Tumalbog puso ko don ah. "Eh sir, tumunog ho yung tiyan tapos ayun, umalis na."

"BAKIT NAMAN?!"

"Malay ko, sir. May LBM ata."

"HANAPIN MO!"

"Bakit ako sir? Bakit hindi kayo?"

"Sinasagot mo ba ako?!"

"Opo, sir. Hindi po ba halata?"

Umuusok na ang ilong niya. Ano bang problema niya? Napakaayos naman ng sagot ko ah.

"MAY PAA KA 'DI BA?! HANAPIN MO SIYA!"

"May paa ka rin naman po, sir 'di ba? Bakit hindi nalang po kayo ang maghanap?"

"AT BAKIT AKO?!"

"Dahil kayo ho ang may gusto."

Tinignan niya ako ng sobrang sama na para bang gusto niya na akong sakalin dahilan para gawin ko na ang pinagagawa niya. Okay, napalakas ata ang pang-aasar ko.

Nagsimula na akong hanapin si Phalrox. Nasan na ba yung hayop na yun, tao pala. Paimportante masyado eh.

Ang dilim, sobrang dilim. Buti nalang may mga konting ilaw pa galing sa poste.

"Ate, may pagkain ka?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa hunawak sakin at nahagip ng mata ko ang isang napakarungis na bata. Mukhang pulubi.

"A-ah, oo...may pagkain ako. Eto oh." Inabot ko sakanya ang dala kong biskwit at kinuha niya ito ng may galak mula sa kamay ko.

"Salamat po, Ate."

Ginulo ko ang buhok niya. "Ayos lang, mag-iingat ka ha. Gabi na." Tumango lang siya at nagpatuloy na 'ko sa paglalakbay ko.

Taray! Lakbay talaga? Para namang napaka layo ng nilakad ko.

Huminto ako ng makita ko si Phalrox na nakatingin sa bilog na buwan habang nakaupo at nakasandal sa puno.

"Bumalik ka na don! Hinahanap ka na nila." Tawag ko sakanya. Tinignan niya lang ako at nagpatuloy na ako sa paglalakad ko pabalik. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya pero maya-maya pa ay naramdaman ko ng sinusundan niya ako.

Nakabalik na kami at nadatnan namin na kumakain na ang lahat.

"Oyren, Phalrox! Kain na." Sabi samin ni Binibining Ganda. Ngumiti nalang ako sakanya.

"Oh ayan ah. May pagkain na. Kain na tayo." Sabi ko kay Phalrox.

Umupo kami at nagsimula ng kumain. Nagulat ako ng makita ko kung pano kumain 'tong katabi ko. Hindi naman siya pinaglihi sa baboy ano? Gutom ba talaga 'to?

"Aray!" Napatingin ako sakanya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang dugo sa labi niya.

"Nakagat mo yung labi mo?" Gulat na tanong ko. Tumango lang siya saka umalis.

Di kasi magdahan-dahan. Yan tuloy, pati sariling labi nakakagat.

"Kwangyang!"

"Opo!" Hindi ko na hinintay pa ang sunod na sasabihin ni Ginoong Eskwater at sinundan ko nalang siya.

Ang bilis naman niyang maglakad. Nasan na ba 'yon?!

"Phalrox! Hinahanap ka na! 'Wag kang paimportante masyado dahil hindi ka naman talaga importante! Ako yung pinapagod mo eh!"

Tumigil ako sa isang tabi dahil hingal na hingal  na ako.

Napatingin ako sa isang direksyon ng makarinig ako ng kalembang. Napatayo ako sa gulat at sa takot ng makita ang kung anong lumabas doon.

Isang batang putol ang kaliwang braso at binti ang tumambad saaking harapan. Puno ito ng dugo at napakagulo ng buhok. Papalapit siya ng papalapit sakin habang papaatras ako ng papaatras.

"A-ate...t-tulungan mo ko. Ate..."

Iyak siya ng iyak. Napakarungis niya at puno siya ng dugo sa katawan. Kung hindi ako nagkakamali, siya rin ang batang nanghingi sakin ng pagkain.

Napasigaw ako ng hawakan niyan ang kamay ko.

Tumakbo ako ng tumakbo. Takot at kaba ang nararamdaman ko. Halos mawalan na 'ko ng malay ng makaramdam ako ng kamay sa balikat ko.

"Oyren, ako 'to. Anong problema?" Nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko na si Vallizy lang pala 'yon.

"T-tulungan mo 'ko. May b-bata--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil naghahabol pa rin ako ng hininga.

"Oyren, chill...okay. Hinga muna." Ginawa ko ang sinabi niya saka nagpatuloy sab pagkwekwento.

"May bata, duguan. Putol yung kaliwang kamay at paa. Humihingi siya ng tulong sakin pero dahil sa takot ko tinakbuhan ko nalang siya. Vallizy, tulungan natin siya."

"H-ha? Eh, nasaan siya?"

Dinala ko siya sa lugar kung saan ko nakita ang batang 'yon pero hindi na namin siya makita.

"Oyren, niloloko mo ba 'ko?"

"Hindi, may nakita talaga ako---"

"Kung gusto mong manakot, sa ibang araw nalang ha. Dahil---"

Natigilan kami sa paguusap namin ng may biglang gumulong papalapit sa paanan namin.

Nanlaki ang mata ko ng malaman ko kung ano ito.

Isang ulo.

Hinawakan ni Vallizy ang damit ko.

"O-oyren...y-yan ba--" Tumango ako.

May tinuro siya sakin at nakita ko ang gutay-gutay at duguang damit ng batang ito na kanina lang ay suot niya.

Tanging ang damit lamang niya at ang balat ng biskwit na binigay ko sakanya kanina ang nakita namin. Wala na ang katawan niya.

At ngayon, ulo nito ang nasa paanan namin.

Napalunok ako ng mariin ng masdan ko ang ulo na ito.

Nakanganga ang bibig, buo pa rin ang buhok. Kitang-kita ko ang lamang loob nito kung saan hinila ito mula sakanyang leeg. May sugat ito mula sa noo, sa mata, papunta sa pisngi. Warak ang bungo, nakalabas ang utak. Kita mo ang panga niya dahil warak ang labi hanggang pisngi. Punit ang tainga. Ang ilong, sobrang pisa na.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na tumulo ang luha ko

Bakit ko pa ba nakita 'to?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beshrewed |#KNNotoriousWC|Where stories live. Discover now