Chapter 5

32 3 0
                                    

Robbin's POV

Masaya ang first day of school, hindi masyadong hassle kase naman puro self introduction lang ang ginawa at Subject expectations. Expected ko na yan dahil first day.

Naglalakad na ako palabas ng campus ng biglang may nag stop na sasakyan sa harap ko. Sino kaya toh?  Bigtime to for sure,naka Audi na sasakyan eh.

"Hey Robbin!  Tara hatid na kita :) "

Si Sabrina lang pala. Todo smile pa sya. Napaka sweet nya siguro.

"Nako wag na Sabrina, nakakahiya naman sayo, kaya ko na umuwi mag isa. Salamat na lang hehe "

Tinitigan nya ako sabay smile bago sumagot.

"Sure kaba? Nasaan ba ang car mo? Hassle kaya mag commute. "

Ah yung car ko? haha

Wala ako nun haha,  pero soon bibili ako mga 25 na piraso siguro haha.

"Wala akong car Sabrina hehe, meron ako mountain bike kaso hindi ko dala, naputol ang kadena kahapon pagka hatid ko ng pagkaen sa may ginagawang hotel sa kabilang bayan eh"

Halatang na shock sya sa sagot ko. Pogi ko kase haha hindi ako mukhang mahirap 😂

"Ah ganun ba?  Okey lang yun Robbin,for sure naman makakabili ka din soon, tiwala lang. So ano hindi ka talaga sasabay?  I insist"

Grabe ang bait nya naman. Hindi sya matapobre. Nice girl talaga sya at sweet.

"Salamat talaga Sabrina! Kaya ko na promise! Simula grade 1 ako nag ko-commute na ako papasok. Sanay na sanay na hehe "

She smiled at nag simula ng mag drive palabas ng school.

Ako naman nag patuloy na sa paglalakad palabas ng campus.

Sabrina's POV

So mahirap lang pala talaga si Robbin.Sabe ko nga ba eh.
Kadiri wala syang car, anubayan?!
Sa Padilla University sya nag aaral tapos ganun lang sya. Pogi nya pa naman at yummy. Baka scholar lang.

Hayaan ko na nga muna yun.
Basta pag nakaroon ako ng chance. Susunggaban ko agad ang lips nya. Torrid kiss or kaya french kiss.
Magaling kaya sya? haha

Nakaka excite naman.
See you tommorow Mylabs Robbin :)

Aira's POV

Nakita ko na namang magkausap si Bessss Sabrina at yung Robbin na yun (Sabi nila Stacy at Margaret, Robbin daw name nung mokong na yun)

Mukha silang close talaga. Todo ngiti si Besssss Sabrina kay Robbin eh.

Ano kayang balak ni Sabrina kay Robbin?  Boy Toy? or baka naman call boy si Robbin? Sabagay pwede din kase malandi naman si Sabrina eh, basta may lalaking pwedeng landiin, G na G sya!!!

Out of nowhere, sinundan ko yung lalaking yun. Ewan ko kung baket? curious lang siguro ako.

Pasakay na sana sya ng biglang may kumausap sa kanyang dalawang bakla at aba todo ngiti pa ang mokong na yun. Nagyakap pa!

Sabi ko na nga ba, Callboy sya!

Ang cheap nya tsk.. Kadiri!

Robbin's POV

Pasakay na sana ako ng Jeep ng biglang may tumawag sakin mula sa likod.

Paglingon ko nakita ko si Jake At Michael na abot langit ang ngiti.

Hindi na ako nagulat hahaha..  Eh crush na crush ako nitong dalawa eh simula 2nd year high school hahaha.

Ang pogi ko talaga 😂

Mag bestfriend na bakla si Jake at Michael at sa totoo lang close ko din sila. Sila kase ang nag aasikaso saken kada may sasalihan akong mga pageant. Kaya okey lang saken na yakapin nila ako.

Tropa tropa naman kame at isa pa Enjoy sila kasama, palageng laughtrip at never kang malulungkot pwera na lang pag mag kaaway sila haha.

"Oh Jake at Michael kayo lang pala?!  Saan ang gora nyo haha at full pack ang beauty nyo?  haha "

Dahil sa kanila marunong na din ako ng salitang beki wahaha. Ang cool kaya.

"Sasali kame ng Miss Gay sa kabilang bayan Fafa Robbin! Support mo naman ang aming journey, taranachi! "

kaya naman pala. Suki kase sila talaga ng mga gay beauty pageant. Sila ang laging magkalaban haha.

"Nako hindi ako pwede ngayon. Pass muna hehe.. Madame akong gagawin sa bahay tyaka mag gym pa ako hehe "

Nalungkot naman ang mga mukha ng bakla haha. At todo pout pa sila haha

"Nagbago kana fafa Robbin, Ang ilap mo na samen hays :(

Dati kase lage kameng nanunuod sa mga laban nila. Enjoy kase talaga. Lage kong kasama sila Winston at Bernard.

"Nako hindi ah!  Promise next time babawi ako. Isasama ko sila Winston at Bernard"

Nag smile na lang sila bago sumagot si Michael.

"Oh sya sige mauna na kame. Baka malate pa kame at maging haggardo Versoza pa kamechi...Nga pala Wag mo kalimutan ang pageant na sasalihan mo next month hah... 30k din ang pwede mong mapanalunan "

Oo nga pala tsk. Muntikan ko na makalimutan.Sasali pala ako sa "Crush ng Bayan 2017 " sa kabilang bayan.

Buti pinaalala nila. Malaking tulong saken ang napapanalunan ko sa mga pageant eh.

"Sige sige!  Salamat sa paalala!  Uwi na ako!  Ingat kayo at goodluck"

Aira's POV

Pagkauwi ko sa bahay agad akong nagpunta sa kwarto ko. Wala naman kase si Mommy at teka wala pa rin ata si Michelle. Dapat kanina pa sya nakauwi ah. Hindi ko rin sya nakita sa school.

Matawagan nga...

After 5 attempts sumagot din ang lil sis ko.

"Hello Michelle!  Where are you?  You should be home already. "

"Sorry ate malalate ako ng uwi,  may gagawen kameng research ng mga classmates ko"

WTF!  Research?!  First day of school ah. Not me My dear lil sis. I know theres something going on, pero hahayaan ko muna sya... wait ko na lang sya mag kwento.

"I see. Alright if thats the case, Take care, uwi ka agad after hah.  Love you "

"Love you too ate "

I ended the call.

Nagcheck din ako ng FB, IG at twitter ko.

Yung OOTD post ko kaninang umaga sa IG ay umabot lang naman sa

3500 likes.
2000 comments
500 repost.

Well yan ang famous, hindi kagaya ni Robbin na famewhore... :)

================================

Sorry if matagal ang flow ng story hah. Gusto ko kase maging maayos ang takbo nito. Pinag iisipan ko kase kada chapter.

Gusto ko ma build ko muna ang mga characters nila at magkaroon ng strong foundation ang story.
Ayaw ko syang madaliin.

Feeling ko aabot toh ng 80 to 90 chapters.

Love lots,
Superjohn :)

 Say You Won't Let Go! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon