CHAPTER 2: TRANSFEREE?

32 0 0
                                    

Hindi pa ako nakakababa sa kotse ko nakikita ko na agad ang mga mukha ni Azy. Hayy nako. Grade 10 na kami pero ang isip nito parang isang Grade 7 student. Tsss. Ayun lang naman siya naglalaro kasama yung mga freshmen -_-

"TRIXXXXXIIIIEEEEEEEE!!!!!!!" Agad agad naman niya akong nilapitan ng makababa ako at iniwan yung mga freshmen doon

"Oh? Bakit ka nandito? Maglaro kapa don, hahanapin ka nila" sabi ko sabay irap

"Ayoko na. Ako na kasi yung taya eh hahahahaha"

Hay nako, kahit kailan talaga tong si Azy oh -_-

"Nga pala Trix, may transferee sa klase natin. Lalaki daw ^______^"

"Oh? Tapos?"

"Wala lang. Sana by this time gwapo na yung pinadala nila T____T"

Sabi ko na nga ba, to yung susunod nya na sasabihin eh-.- Nung last year kasi may transferee din dun sa klase namin. Tapos excited na pumasok si Azy nung malaman yun, tas pagpasok sa pinto ng room namin hinanap agad kung sino yung transferee, nung makita yung mukha ayun dumiretso agad sa tabi ko at umupo na naka busangot yung mukha HAHAHA alam niyo naman siguro kung bakit ganoon nalang ang asta ni Azy diba? Hahaha

"Tss wag ka nang umasa Azy."

"Ay? Ang bitter mo teh! Malay mo lang naman pero sana naman tupadin na ni Lord ang wish ko na maging gwapo at hot with matching six pack abs si koyang transferee natin *insert shining shimmering eyes ni Azy*"

Tssss. Kahit kailan talaga tong si Azy di na tumino.
Iniwan ko nalang siyang mag daydream doon sa lalaking pinapantasyahan niya at nauna nang maglakad papuntang classroom namin.

While I was walking down the corridor of the school, napansin kong may pinagkakaguluhan ang mga kababaihan doon sa may bulletin board, panay sigaw ang iba, samantalang ang iba naman panay tili. Hindi ko na iyon pinansin masyado at nagpatuloy na sa paglalakad ng maramdaman kong katabi ko na si Azy.

"Ang sama mo nang-iiwan ka lang sa ere"

"Tss yun yung bagay sayo eh" Sagot ko sa kanya at binilisan na ulit ang paglakad hanggang sa kaharap ko na ang pinto na may nakaukit na pangalan ng section namin sa taas.
Hinihingal naman si Azy na tumabi sa akin.
Agad-agad niya binuksan ang pinto at inilibot ang mata sa paligid..

Huminto ang paglilibot ng kanyang mga mata sa lalaking hindi pamilyar ang mukha sa amin. Nang tiningnan ko ang mukha ni Azy, ayun nanlulumo na, siguro sa sobrang dissapointment hahaha hindi kasi umabot ang lalaking transferee sa expectation ng "transferee" na inaakala ni Azy.

Hinila ko nalang si Azy papuntang upuan namin dahil baka kung sino pa ang mapagbuntungan niya.

"Halika na nga. Sabi ko kasi sayo wag kang umasa eh"

"Trixieeee.. Bakit ganun??? Ginawa ko naman lahat.. Pero bakit ganun ang naging kalabasan?? Ang panget panget niya Trixie waaah!"

Well, hindi ko siya masisi kung ganyan nalang siya umasta. Hahaha totoo naman kasi ang sinasabi niya. Actually, mukhang nerd yung transferee sa amin. Well hindi mukhang nerd, NERD talaga siya. You know, a guy with large braces, black spots on the face, big and round eyeglasses, and dagdag mo pa ang hairstyle nitong parang hinating dagat. He's also wearing large type of uniforms, and oh so dirty black shoes. A great description of a typical nerd.

Hinayaan ko nalang si Azy na mag-inarte at pinasak nalang sa tenga ko yung earphones ko sabay lublob ng mukha sa mesa.
Haay ang sarap matulog.

Makaraan ang ilang minuto, nagising ako ng bigla akong tinapik ni Azy.

"Natulog ka nanaman. Andiyan na si maam"
Nakabusangot pa rin ang mukha ni Azy habang sinasabi yon.
Marahil dahil pa rin dun sa transferee namin. Hinayaan ko nalang siya at nakinig sa mga sinasabi ni maam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE HEARTLESS ANGELWhere stories live. Discover now