Prologue
Kinakabahang pumasok si Fhili sa loob ng office ng kaniyang Lola. Pinapasmado na rin ang kanyang mga kamay dahil sa kaba.
"Good morning, Lola!" Bati ni Fhili sa kaniyang Lola pagkapasok sa loob ng office nito. Napansin niya ang ang pagbabago sa loob ng opisina. Nabago ang pintura nito na dati ay kulay asul at itim, na ngayon ay puti at asul na.
Nag angat ng tingin si Doña Rebecca kay Fhilipina. "Magandang umaga! Maupo ka." Itinuro nito ang upuan na nasa harap ng study table.
Sa sapatos lamang ni Fhili ang kanyang mga tingin. Ayaw niyang mag angat ng tingin, dahil natatakot siyang mabasa nito ang mga emosyon sa kanyang mga mata.
"Look at me, young lady." Her Lola said. Tumikhim ito bago magsalita ulit. "Pinapunta kita dito dahil meron akong gustong sabihin."
Pinagsalikop ni Fhili ang kaniyang mga kamay bago nag angat ng tingin. She's nervous. Natatakot siya sa gustong sabihin ng kanyang Lola.
Madalas ay si Fhili ang hindi pinapatawag ng kanilang Lola kapag may gusto o kailangan itong sabihin, sa mga pinsang lamang nitong si Arch, River at Arcadia.
Nagpakawala siya ng buntong hininga. "Ano po iyon at tungkol saan?"
Tumayo ang matanda at humilig sa mesa. "Tumawag saakin ang Mama mo, at gusto ka niyang kunin sa puder niya."
Kusang naluha ang mga mata ni Fhili dahil sa sinabi ng kaniyang Lola. Sa wakas ay nagdesisyon narin ang kaniyang ina para siya ay makasama, kasama ang ikalawang pamilya nito. Halo halong emosyon ang naramdam niya.
"T-Totoo po ba?" Mas lalong siyang humikbi.
Lumapit sakaniya ang Lola niya at saka ito inalo. "Oo. Gusto niya ng iuwi ka sa Maynila at doon ipagpatuloy ang pag aaral mo, Apo. Alam kong matagal mo na itong hinihintay, kaya naman napag desisyonan ko narin at pumayag na doon ka na tumira sakaniya kasama ang kaniyang pamilya."
Yumakap si Fhili sa kanyang lola at yumakap rin ito pabalik. She can't contain her emotions anymore. Matagal na panahon siyang hindi pinansin ng kanyang ina kaya naman ngayon pagkakataong ito ay hindi niya na sasayangin.
She'll grab this opportunity to know her real mother more. Excited siyang makilala ang ina dahil sa labing siyam na taon na nabubuhay siya rito sa mundo ay hindi pa niya nayayakap, nahahalikan o naipaparamdam ang kanyang kinimkim na pagmamahal para sa ina.
YOU ARE READING
Undiscovered Feelings
RomanceAng alam ng lahat ay madali lang mabuhay kung may pera. Mabibili mo lahat ng gusto mo at makukuha ng mabilisan lahat ng kailangan dahil may pera. Pero iba ang paniniwala ni Fhilipina dela Marcel. Para sakaniya ay ibang iba ang depinisiyon ng may pe...