Chapter 1

3 0 0
                                    

Chapter 1 - Escape

Mint’s Point Of View

“Matthew please! Give me a chance to prove you how much I love you! Its been three years Matthew! For pete’s sake! Forget about Grace!” Napailing na lang ako at napa ngiti ng mapait. Bakit? Bakit nasama na naman ang pangalan ng mama ko sa away nilang mag asawa?

Sa bagay, si mama nga pala yung totoong mahal ni papa. Si MAMA lang. Dahil simula nung namatay siya, si Mommy na lang ang naging magulang ko. Kung sino yung hindi ko kadugo, siya pa yung totoong nag mamahal sakin.

Naramdaman ko na lang yung kamay na dahan dahang humahagod sa likod ko. Tinignan ko siya at nginitian “Okay na po kuya, hindi naman po ako umiiyak eh”

“But I know that you’re hurt. This could help you know?” napangiti na lang ako sa sinabi ni kuya. Kuya Drake. Yung ligal na anak nila Mommy at Papa. Pareho kami, walang natanggap na pag mamahal galing kay papa.

Isang malakas na tunog ang nagpagulat saming dalawa ni kuya. Nanlaki ang mga mata namin nung mapag tantong sinampal pala ni papa si mama “How dare you! I will never replace Grace into a slut just like you!” Napayuko kaming pareho ni Kuya Drake. Ano bang magagawa namin para ma protektahan si Mommy? Wala naman diba? Mabuti na lang din at wala rito si Meg dahil malamang ay kanina pa yun ngumangawa sa kaiiyak.

“I hate you Matthew! All I did was loving you! Why can’t you just accept the fact that grace will never come back to life again!”

“I did! I accepted it! But never in my fvckedup life that I’ll give a piece of love to you! Nor to anyone! Only Grace deserves my lo--”

“Look at me Matthew! Do you think your beloved Grace would be happy if she knew that even her daughter had accepted no love from her father?! Huh? Matthew?!” hindi ko na narinig pa ang sagot ni papa dahil lumabas na pala si Mommy galing sa kwarto.

“Hi Mom!” masiglang sabi ni Kuya Drake. Nanlaki bigla ang mata ni mommy nung makita kami.

“How long have you been there kids?” Nagpupunas ng luhang sabi ni mommy. Humigpit ang hawak ni Kuya Drake sa kamay ko. Halata namang nag pipigil lang siya ng iyak.

“It doesn’t matter mom. Let’s go? You promised us to go to Granpa’s house today” hindi sumagot si mommy at hinila lang kami sa kuwarto naming tatlo nila Meg at Kuya. Hindi kasi kami pwedeng pag hiwa hiwalayin dahil masyado kaming malapit sa isa’t isa.

“Pack your things kids, we’ll be leaving now” sabi niya sabay kuha ng isang malaking maleta.

“Mommy, naka ayos na po lahat. Nandun na po sa maliit na bag” napatingin sakin si mommy at hinawakan kami ni kuya sa balikat.

“We’ll be leaving this place kids...  Forever pagkasabi niya non ay saby sabay na nag situluan ang mga luhang kanina pa nag babadaya sa mga mata niya “Now Mint, Call your sister and all of you should change your clothes. Allright?” tumango na lang ako at hinanap na si Meg sa sala.

Mas mabuti na siguro to. Hindi naman din ako ganong naaalagaan ni papa eh. Mas gusto ko kay mommy. Mas gusto kong kasama yung mga kapatid ko.

Nang mahanap ko si Meg ay dali dali kaming umakyat papunta sa kuwarto at nag simula na ring mag palit ng damit.

“Mom? Are we going to Grandpa’s house again? Cause I don’t want to be there. It’s so boring” naka busangot ang mukha ni Meg habang tinatanong si Mommy.

“Just fix your clothes Megan. We’ll be leaving even if you like it or not” pag nguso na lang ang nagawa ng kapatid ko at mabilis na inayos ang kanyang damit.

Bakit ganito? Hindi man lang ako makaramdam ng kahit kaonting kirot dahil iiwan na namin si Papa? Siguro nasanay na ako na wala siya, kaya’t madali na lamang sakin na iwanan siya. Ganun din si kuya Drake, halatang hindi rin siya nahihirapan sa pag alis namin. Hindi ko na lang alam kay Meg dahil alam kong mahal na mahal niya si Papa.

“Let’s go children” sabi ni mommy at pinagulong na ang dalawang malaking maleta na pinag lalagyan ng kaunting gamit naming apat.

Malapit na kami sa malaking pinto ng mansyon noong makita kami ni Nana Fel. Ang nag palaki kay papa at kasama na rin ni Mommy sa pag papalaki saming tatlo nila kuya.

“A- aba! Saan mo dadalhin ang mga bata Darleen?” tanong niya sabay hawak sa isang kamay ni Mommy.

“We’re going to Grandpa’s house Nana” nakangusong sabi ni Meg.

“H- hindi ka mag dadala ng ganyang kalaking maleta kung pupunta lang kayo sa ama mo Darleen”

“Nana Fel please. Just let us go” umiling iling si Nana Fel at hinila ang kamay namin ni Meg.

“Hindi pwede! Kung aalis ka, ang isasama mo lang ay ang anak mo! Wag na wag mong idadamay ang mga anak ni Matthew!” anong ibig niyang sabihin? Hindi anak ni Papa si Kuya Drake? Nalilito na ako. Pero hindi ko dapat isipin yan ngayon dahil anak man o hindi ni Papa ay kailangan ng umalis sa bahay na ito.

Ako na mismo ang nag alis ng kamay namin ni Meg sa pag kakahawak ni Nana “Aalis na po kami, Tara na po Mommy”

Nag lakad na kami palabas ng mansyon “Makakarating ito kaagad kay Matthew, Darleen! Hindi mo pwedeng kunin ang mga anak niya”

Minadaling ipasok ni Mommy ang mga maleta pati na rin kaming tatlo. Magkatabi kami ni Meg sa likod habang katabi naman ni Mommy si Kuya Drake sa harap. Nakayuko lang siya, alam kong iniisip niya pa rin ang sinabi kanina ni Nana Fel.

Nakalagpas na kami sa Gate ng mansyon nung makarinig ako ng sigaw “Darleen! Bring back my Daughters!” alam kong pare parehong nanlaki ang mga mata namin dahil boses iyon ni Papa, at hinahabol niya ang sasakyan!

Hindi ko alam kung paano niya kami nahabol ngunit ang nakita ko na lang ay mabilis niyang nabuksan ang kotse at mabilis ding nakuha si Meg. Hindi namin nai lock? Muntikan na rin akong mahila ni Papa ngunit mabilis na pinahrurot ni Mommy ang kotse dahilan para makalayo kami kay Papa.

Umiiyak si Mommy alam ko, ang kaisa isa niyang anak na babae ay nakuha ng walang kwenta niyang asawa “Mommy! Si Meg! Balikan po natin si Meg!” sigaw ko. Marahas na umiling si Mommy.

“We can’t Mint. If we do, he’ll get you. I can’t afford to lose my two princesses” umiiyak na sabi ni mommy.

“Mom I guess you will if you won’t fasten your driving” sabi ni Kuya Drake ng walang emosyon. May mga nakasunod sa aming sasakyan. Alam kong kay Papa yon.

Masyadong mabilis ang takbo ng sasakyan. Natatakot ako, dahil malapit kami sa bangin. May malaking posibilidad na magkamali ng liko si mommy.

Ngunit huli na para sabihin na kahit papano’y bagalan niya dahil ang huli ko na lamang na naaalala ay ang pagiwas ni Mommy sa isa sa mga sasakyang humahabol samin at ang pag dausdos ng sasakyan pababa sa malalim na bangin.

To Be Continued...

Plagiarism is a Crime
©StupidityOverloadXD

Trapped In Heavenly Hell [R-13]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon