Teaser
Mint’s Point Of View
POSITIVE. Yan ang sinasabi ng dalawang pulang Linya ng ikatlong Pregnancy Test na sinubukan ko.
Hindi pwede to, hindi ako pwedeng mabuntis. Lalo pa ngayong ikakasal na siya sa iba.
Pero anong gagawin ko? Hindi ko pwedeng ipalaglag tong batang to. Uusigin ako ng Konsensiya ko kapag ginawa ko yun, at isa pa Alam kong mahal ko na to kahit dugo pa lang.
Si Mama. Masasaktan ko siya, magagalit siya sakin. Ayoko ring mangyari sa anak ko yung nangyari sakin, hindi kumpleto yung pamilya.
Bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa nun ang kaibigan ko “Ano bakla? May inaanak na aba ako diyan sa oh so sexy mong tummy?” tanong niya.
Maluha luha akong tumango sa kanya “Ano ng gagawin ko dito sa baby ko Ry? Natatakot ako sa magiging reaksyon nila mama at Mary Anne. Pati na rin yung mga ugok” iginiya niya ako papuntang sala at inupo sa sofa.
“Diba ang sabi mo ipapaglaban mo yung Love mo sa kanya? Bakit hindi mo ituloy? Lalo pa ngayong magkakaanak na kayo” seryoso niyang sabi. Unang beses kong nakitang seryoso tong baklitang to.
“Oo sinabi ko yun. Pero pinuntahan niya ako kahapon, ang sabi niya kahit kelan wag na daw akong magpapakita sa kanya dahil may iba na siyang mahal” napahagulgol na ako ng maalala ko kung pano niya sinabi yung mga katagang yun.
“Hindi pwede yan Bakla! Kailangan panagutan ka niya! Ano yun? Galit siya sa tatay niya kasi kahit kelan di siya inalagaan tapos gagayahin niya lang din? Ikaw din! Papayag ka bang matulad sayo yang anak mo? Na hindi buo yung pamilya?” pagalit niyang sabi “Hindi. Hindi yun pwede. Tara gumora at sugurin ang tarantadong yun”
Mabilis ko siyang hinila at muling pinaupo sa Sofa. Hindi ko kayang mawalan ng ama ang anak ko, pero mas hindi ko kakayanin na pigilan ang kasiyahan ng taong mahal ko.
Sa pagkakataong to, ako na ang magpaparaya. Pinapakawalan ko na siya.
Sana maging masaya ka.
Soon...
Plagiarism is a Crime
©StupidityOverloadXD
BINABASA MO ANG
Trapped In Heavenly Hell [R-13]
ActionI know I'm blinded by my own thoughts, Never knew that this Love could turn into hallucinations. I love him, and so does he. I know he feels the same, I can feel it. I hope this feeling's not caused by that hallucination. Cause even Hell got me feel...