Prologue

1 0 0
                                    

Prologue

Sue’s Point Of View

“Ang gwapo niya talaga!” kinikilig na sabi ni Jazz, ang bestfriend kong adik kay Ryle. Habang kinikilig ang bruha ay nandito ako at masama ang timpla.

Pano ba naman? Sa unang beses na pupunta ako sa studio ng showtime eh wala pa akong naabutang Ronnie Alonte.

Yung isa ko namang katabing si Miles ay natutulog. Wala pa naman daw kasi si Vice, gisingin na lang daw pag nandiyan na. Nakakainis naman eh!

“Yaahhhhhh!!! Ryle Akin ka na lang!” Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao ng bumati si Ryle sa madlang people.

“Ayoko na nga! Bwiset! Aalis na ako rito!” galit kong sabi sabay hila sa natutulog na Miles sa tabi ko. Mabuti na lang at nakapag balance siya at di lumagapak sa sahig.

“Ano na naman?” inis na tanong niya. Mukhang hindi kami napapansin ni Jazz dahil sa sobrang pagka overwhelmed niya.

“Alis na tayo! Nakakainis wala naman si Ronnie! Wala din si Vice! Sila lang pinunta ko rito no. Psh”

“Gaga ka ba? Alam mo ba na umabsent ako sa lahat halos ng subject ko para lang makapunta rito? Tapos baon ko ng dalawang araw yung tinipid ko para lang sa pamasahe? Tsk!” hinila ko na siya papunta sa exit, hindi na naman siya nag pumiglas pa. Hahayaan ko na lang muna si Jazz na mag paka sasa sa mukha ng mahal niyang Ryle “Wag kang mag alala! Sa susunod na pupunta tayo rito. Libre ko promise! Basta umalis na tayo naiimbyerna na ako eh” May nakasalubong akong lalaki na parang lasing mag lakad, gumegewang eh. At dahil sa pag gewang niya ay hindi niya ata napansin na Nandito ako kaya ayun. Natumba ako sa sahig. Ang sakit sa pwet bwiset.

“Sorry miss! Here take my hand” sabi niya sabay offer ng kamay niya. Problema nito? Naka hoodie na, naka shades pa. Ang liwa liwanag oh. Aabutin ko na sana yung kamay niya nung biglang hilahin ni Miles yung balikat ko at itinayo ako.

“Kaya niyang tumayo, di niya kailangan yang kamay mo” mataray niyang sabi. Eto talaga napaka maldita sa mga lalaki. Napaka overprotective pa na bestfriend.

“Ahh pasensya na hehe” bakit parang pamilyar yung boses niya?

“Ahh hindi okay lang kuya pasensya na sa kaibigan ko huh. Medyo--” hindi ko na natapos yung sasabihin ko nung biglang sumabat si Miles.

“Medyo banas na sa katangahan mo! Tara na nga!” hinila na niya ako pero bago ako umalis ay nag palitan muna kami ng ngiti ni Kuyang Shades.

“Pasensya na ulit!” sigaw niya sabay pumasok sa isang pinto na alam kong mga artista o kakilala lang nila ang nakakadaan dahil papunta yun sa backstage.

Napaisip ako habang nag hihintay kami ng taxi ni Miles. Bakit parang pamilyar boses nun? Tsaka bakit nakapasok siya dun sa kwarto?

Pagkapasok namin sa taxi ay nakita kong may maliit na tv ito sa loob, nasa showtime.

“Saan po tayo Ma’am?” tanong ng driver.

“Pasig ho, San Joaquin” medyo cold na sabi ni Miles.

“Oh dumating na pala ang pinaka hihintay ng mga kababaihan!” malakas na sigaw ni Vice ganda. Teka ilang minuto pa lang kaming nakakalabas ah? Nandiyan pala siya.

Tinignan ko si Miles at kitang kita ko ang maitim niyang aura. Shet sorry na. Di ko naman alam na darating pa siya eh. Pero mas didilim pala ang aura ko nung nakita ko kung sino yung ina nounce ni Vice.

Si Ronnie! At... At...

Suot niya yung Shades at Sapatos nung lalaking nakabangga ko kanina.

Shit!

To be Continued...

Plagiarism is a Crime
©StupidityOverloadXD

Loving A Star [Ronnie Alonte Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon