Chapter 1

0 0 0
                                    

Chapter 1

Sue's Point Of View

"Bakit niyo ko iniwan don?!" bulyaw samin ni Jazz. Tulala pa rin ako dahil sa nalaman ko kanina. Pero as expected itong si Miles Tulog na naman.

"Masyado ka kasing naka focus sa asawa mo" matabang kong sagot. Nakakainis! Kung hindi lang ako pinigilan ni Miles kanina edi sana nahawakan ko na ang wonderful hands ng oh so hot baby boy kong si R2!

"Eh keshe nemen sis! Kung makatingin seken pereng eng sherep sherep ke" kinikilig niyang sabi. Ano daw? Hindi ko naintindihan eh? Pero hindi ko muna siya tatanungin. Nanghihinayang pa rin ako sa kamay ng Asawa ko "Hoy! Ano ba! Nakikinig ka ba?" inirapan ko siya at tumulala na naman. Ano kayang feeling kung nahawakan ko talaga yung kamay niya? Yung feeling na naitayo niya ako tapos nakatapat yung mukha naminsa isa't isa...

Tapos ma seseduce siya sa lips ko ng dahan dahan. Then ilalapit niya yung mukha sakin. Dahan dahan, hanggang sa mararamdaman ko na yung napaka bango niyang hininga sa mukha ko, Palapit ng palapit. Then...

"HOY!"

"Ay putek!" ano ba yan? Malapit na eh! Pati ba naman sa daydreaming hindi ko pa rin siya maabot abot? Nakakainis naman! Walangyang Miles talaga panira! Pero diba tulog to? Masyadong matagak ba akong nag daydream?

"Lumilipad na naman yang isip mo! Teka... Meron ka ba nun?" napabusangot ako at inirapan siya. Tsk! Hoy matalino kaya ako no! Kahit kelan di ako nagkaroon ng tres sa card ko! Pero hindi rin ganun katalino para making uno lahat.

"Ano bang problema mo? Lagi na lang ako yung nakikita mo psh" ungot ko, nginisian niya ako at sinabing

"Siyempre! Sabi niga ni The Weeknd, All I see is You! You! You!" pakanta kanta pa ang bruha. Teka nasan na yung isa pang Loka loka?

"San si Jasmin?" tanong ko.

"Nandun sa kusina nyo, nagtatry magluto ng itlog" nanlaki ang Mata ko sa sinabi niya. Hindi marunong magluto si Jasmin!

Dali dali akong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa sala na katabi lang din ng kusina. Mabuti na lang at natanong ko agad dahil baka nasusunog na pala yung Kusina hindi ko pa alam.

Naabutan ko si Jazz na tuwang tuwa sa finished product niya. Kawawang itlog, medyo sunog na nga, putok pa yung gitna. Hayy.

"Ano ba naman yan Jasmin! Nagsayang ka pa ng pagkain! Ulam ko yan bukas eh!" sigaw ko sa kanya. No choice na. Ibibigay ko na lang to Kay Miles. Kahit ano naman kinakain non eh, basta itlog.

"And so? Papalitan ko na lang! Six pesos lang yan eh! Bad ka saken hmp" pabebeng sabi nung babaita. Sarap kutusan eh.

Ayaw man ni Miles ay napilitan siyang kainin ang niluto ng bruha. Pagkatapos nun ay sabay na silang umuwi. Pumasok ako sa kuwarto ko at nahiga sa Kama.

Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala. Hi! Ako nga pala si Sue Bernice Natividad Zapanta. 17 years old. Taking HRM as my course. Mahal ko ang grupong Hashtags, especially si Ronnie Alonte. At may dalawa akong sabog na kaibigan. Si Miles Allejo at si Jasmin Buenavidez. Appearance? May ilalaban naman, medyo matangos ako with fair skin. Kinulang lang talaga ako sa height. Hindi kami mayaman, middle lang kumbaga.

Pagkatapos kong magmuni muni ay nilukob na ako ng antok. Sana makita ko si Ronnie sa Dreamland ko.

To Be Continued...

Plagiarism is a Crime
©StupidityOverloadXD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving A Star [Ronnie Alonte Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon