Ina

12 1 0
                                    

Ina. Isang salita, tatlong letra
Kay hirap ng buhay 'pag wala ka
Buhay na sa iyo nagmula
Sa bawat hinagpis sayo kinukuha ang sigla
Naisip ko nga paano kaya kung ika'y nandito pa?
Kasama kong humarap sa aking mga problema
Edi sana ako'y di na nahihirapan pa

Ina, naaalala mo pa ba ako? Ako na iyong anak
Ang anak mo na sa piling mo'y laging umiiyak
Ang anak mo na sa tuwing nakikita mo'y ika'y napapapalakpak
Ang anak mo na naglalambing sayo 'pag ika'y dakdak nang dakdak
Ang anak mo na ngayo'y kanyang luha'y patuloy na pumapatak
Sa sakit na dulot ng kanyang pagkakabagsak
Sa sakit na dulot ng puso niyang nawasak

Ina, kamusta kana? Ako ba'y nakikilala mo pa?
Umaasa akong ang sagot diyan ay "Oo naman anak, ika'y miss na miss ko na nga"
Ina, masaya ka ba?
Umaasa akong sasabihin mong "Hindi anak, kasi wala ka"
Ina, ako'y mahal mo pa ba?
At sa huling pagkakataon umaasa akong sasambitin mong "Oo naman anak. Sobra-sobra"
Ngunit papaano mo masasagot ang mga tanong ko kung ako'y tuluyang iniwan mo na.

SighWhere stories live. Discover now