Sue's POV
Habang naglalakad ako sa hallway halos lahat ng estudyante ay nakatitig sa akin.
"Bes, may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko kay Kristel. Nakakaconscious na kasi ang mga titig ng estudyante eh.
"Wala naman bes" sagot niya.
"Eh bakit halos lahat ng estudyante nakatitig sa akin?"
Bigla namang natawa si Kristel.
"Bes, FYI, yung secret admirer mo na hindi na pala secret kasi nag confess na siya eh sikat pala na dancer dito sa school. Tayo lang yata ang hindi nakakakilala sa kanya kasi hindi naman tayo pumupunta sa dance concert nila. At kaya sila nakatitig sayo eh dahil dun sa pinost niya about sa feelings niya for you. Halos lahat ata ng student dito eh followers niya sa lahat ng social media accounts niya." sabi niya.
"Talaga? Tss. Minsan malaking tulong din yang pagkachismosa mo no? hahahaha" sabi ko sabay pat sa ulo niya.
"Hey! Don't do that. Hindi ako aso para ipat sa head no." sabi niya. Ang arte naman nito.
"Arte mo naman. Sige ikikiss na lang kita" pang aasar ko. Inilalapit ko ang nguso ko sa kanya para makakiss ako pero pilit siya na lumalayo sa akin.
"Bes, stop it. Eeeew!" sabi niya.
"Eto naman. Lahat naman ng magbestfriend nagkikiss ah" sabi ko.
"Goodmorning Sue.^_^" sabi ng isang gwapong nilalang. Ay este. Bati ni Paul, kaya napatigil kami ni Kristel sa paghaharutan.
"Okay. Nandito na si Mr. Admirer mo. Sige una na ako." pang aasar ni Kristel kaya pinandilatan ko siya ng mata.
"Goodmorning din. Pagpasensyahan mo na yung bestfriend ko ha, mahilig talaga mang asar yun eh." sabi ko.
"Ah okay lang yun. Hatid na kita sa room niyo. Pwede ba?" tanong niya.
Sasagot na sana ako kaso bigla umepal yung magaling na nerd. Wrong timing naman oh.
"Rodriguez, tulungan mo raw ako dalhin to sa bodega sabi ni Miss Sanchez." sabi ni nerd.
"Ano? Bakit ako? Tss. Marami namang iba diyan eh. Bahala ka diyan maghanap ka ng tutulong sayo." sabi ko at maglalakad na sana palayo pero bigla naman siyang nagsalita.
"Okay. Pero okay lang ba sayo ma detention for 1 week? Kung okay lang sige makakaalis ka na."
Ughhhh. Nakakainis!
"Uhmm. Paul, sa susunod mo na lang ako ihatid sa room ha. May inutos kasi sa akin eh. Ayoko namang ma detention for 1 week. Sana maintindihan mo. Pasensya na talaga ha." sabi ko.
"Okay lang. Sige, ganito na lang. Kita na lang tayo mamaya. Libre kita ng ice cream. Pwede ba?"
"Sure."
"Rodriguez, ano na? Tara na. Bago pa tayo mapagalitan." sigaw ni nerd. Kaya naglakad na ako papunta sa kanya.
"Iba ka rin ano? Bakit pag ibang tao ang kausap mo ang siga mo sumagot pero pagdating kay Paul nagiging pabebe ka." sabi niya.
"Ewan ko sayo. Teka ma iba tayo, bakit di mo sinabi na sikat pala yung si Paul dito sa school." sabi ko.
"Sikat nga diba? Edi ibig sabihin kilala mo na siya bakit ko pa sasabihin?"
"Pilosopo. Hindi kasi ako interesado sa kung sino man ang mga nakapalibot sa akin, kahit nga classmates natin hindi ko alam yung pangalan eh."
"Maswerte pala ako kasi alam mo ang buong pangalan ko. ^_^" sabi niya with matching smile pa yan.
YOU ARE READING
Imperfect Love
RomanceTypical Love Stories. A rich bachelor meets An ugly maid. Or A gangster meets a madaldal girl. But what will happen if magkapalit ng pwesto? Will they fall into destiny's trap? Magkakatuluyan pa rin kaya sila?