Rosanna's POV
Fr.Bryan
Good morning my lady 😉
Ayiiie. Good na good ang morning ko talaga. Talaga naman. Walang mintis yan simula nung nakachat kami.
Fr. Bryan
Eat your breakfast okay? See you later 😉
"Ano ba yan. Ang landi naman nitong bryan! Nagkikita na kayo?" Aba't! Nawala lang ako saglit nangialam na agad ang lola mo
"Pakilamera ka talaga Ase! Ang aga aga ah! Good vibes pa namna ako ngayon"
"Halata nga. Pero di nga? Nag kikita na kayo?" Pakiki usyuso ni Ase
"The who,ase?" Singit ni SS
"Si bryan daw"
"Ahh. Si mayabang" komento naman nito
"Hindi kaya sya mayabang Star!"
"Kung alam mo lang..."
"Che! Kain na nga lang tayo. Ayoko masira yung mood ko nga ah"
Kaloka to si Star. Pag katapos ni Lynzee ako naman ngayon. Masyadong showbiz. Gwapo naman kasi si bryan eh. Man hater lang ata to si Star. Psh. Wait ano yung sinabi ni bryan na 'see you later'? Magkikita kami? Ohmy! Ohmyghaaaaad! Magkikita kami for real?! Ayiiiiieeeeee
"Ano te? Baliw baliwan ka lang jan? Gutom lang yan!"
"Ayieeee. Eh diba sabi ni bryan. 'see you later' so magkikita kami later? Mag dadate kami?! Tapos mag uusap kami tapos magiging close kami tapos liligawan nya ako tapos sasagutin ko sya tapos tapos tapos.."
"Tapos na. Pwede ikain mo na lang yan. Malalate na kasi tayo eh" napasimangot na lang ako sa sinabi ni star. Ang kj talaga kahit kaylan.
"Oh! Tawa ka pa jan ase!" Tawanan ba naman ako!
"Hahahaha. Ang assumming mo kasi te. Sure kaba na mag kikita kayo mamaya?"
"Oo naman. Sa text nya pa lang eh. So kaylangan kong mag ayos mamaya. Kaya baka hindi ako sasabay sa inyo. Alam nyo naman. Baka ihatid na lang ako ni bryan pauwi. Hihihi" nakakakilig talaga. Syete!
"Ang assuming mo zang! Baka mayaya nganga ka jan!" Ayan na naman si star
"Alam mo Star. Napaka KJ mo! Minsan lang to te. Tapos panira ka pa! Wag ganun~"
"Eh baka kasi asang asa ka jan na mag dadate kayo kahit hindi naman. Hindi mo naman tinanong kung mag dadate kayo diba? So pano mo naman nasabi yun"
"Hindi na kaylangang tanungin yung star. Hindi mo kasi alam eh. Pag ganun dapat gets mo na may date kayo. Myghaaad !naeexcite tuloy ako 😍😍"
Tamang tama. Galing pa naman kaming salon kahapon. Kaya magandang maganda ako ngayon. Well. Nagpagupit lang ako hanggang shoulder length then pinalagyan ko ng kulot. Then si Ase naman. Naglagay sya ng kunting color brown sa buhok nya. Si Star naman. Pinakulot nya lang buhok nya. Bumagay lahat samen yung new look namin. Pero mas dyosa pa din ako. Hihihi
"Oh sino naman nililingon lingon mo jan?" kanina ko pa hinahanap si bryan pero wala eh
"Eh bakit kasi wala sya. Text ko kaya?"
"Ang desperada masyado ah"
"Hater ka talaga Star"
"Hindi ako hater. Nag sasabi lang ako ng totoo. Masyado lang talaga akong honest" paliwanag nito
"Wow ha! Salamat sa pagiging hinest mo te! Nakakasakit kana eh!"
"Yeah. Truth hurts. Accept the reality."
BINABASA MO ANG
I Told You (On-Going)
Teen FictionSi Star Smith ay isang 4th year highschool pa lamang pero nabansagan na syang 'Dakilang Tagapayo' dahil sa dami ng kanyang "Words of Wisdom" sa buhay. Pano kung dumating ang isang Sam Santos sa kanyang buhay at magbago ang lahat? Pano kung bumalikt...