G: 002

57 77 3
                                    




"Oy Miks ano nga kasi nabunot mong kanta?" tanong ng isang kaklase ni Cathy na si Henry. Habang nasa hallway sila kanina pang ngumingiting aso si Miks, kaya nakaramdam ng kaba si Henry.


Baka kasi hindi pamilyar ang nabunot nilang kanta na gagamitin nila sa sayaw.


Inakbayan naman siya ni Miks at kinindatan. Naglakad sila patungo sa classroom nila habang kinukulit pa rin ni Henry si Miks kung ano ang magiging tugtog nila pero hindi siya pinapansin ni Miks panay ngiti lang ito. Gusto ni Miks ay lahat ay sabay-sabay malalaman kung anong magiging kanta nila sa sayaw na gaganapin sa Acquaintance Party.


"STEM-B! So, nakabunot na ako. Ang kantang nabunot ko ay????"


Sabay-sabay naman napatingin ang mga kaklase nila Cathy kahit ang iba ay nakain pa, kasi tanghalian na kaya lunch break na. S'yempre kainan na.


"Budots" nagulat at natawa ang iba sa kanila dahil biglang singit ni Vincent, kaklase nila.


"Obob, Hindi!" pagtanggi ni Miks habang natatawa rin.


"Kpop nga Theme eh, Budots naman 'to. Tarantado eh" habol pa ni Miks.


"Ano ba talaga?" pagtatanong ni Cathy kasi kanina pa sila naghihintay pero napunta na naman sa kalukohan ng kaklase ang topic.


Binuklat ni Miks ang pirasong Papel at ngumiti ito napakalaki.


"Gangnam Style!" masayang pahayag ni Miks. Kita sa mga magkaklase ang kumpyansa na kaya nila itong sayawin dahil naging patok ito sa Pilipinas.


Yes! Kpop is  real, nauuso na talaga Kpop ngayon. Hindi mawala sa isip ni Cathy ang saya dahil bumibida ang Kpop ngayon kasi alam naman niyo naman maraming ayaw sa Kpop at kadalasan inaasar o binabash nila ito, kaya ang naiipit ay ang mga taong umiidolo o tinatawag na kpop fangirl o fanboy.


"Ayon oh! Labas mga kpop lover d'yan!" sigaw ng kaklase nila Cathy na si Leo. Natawa naman si Cathy, Clarisse, Felicity at ang ibang babae na Kpop Fan at meron din  Kpop Fan na lalaki.



"Ang magko-choreo ay si Christian!" sabi ng Miks na isang dancer at kpop fan din.



Napatingin naman ang lahat kay Christian, samantala si Christian umiiling na parang ayaw niya. Oo nga pala, nagulat din ako na alam niya yung step sa I need U.


Si Christian ay nakita ni Cathy na sumasayaw ng I need U sa Rooftop kaya nalaman niyang isa din palang Fanboy si Christian. Natanong din ni Cathy kay Miks tungkol dito dahil medyo lapit naman ang dalawa. Nalaman ni Cathy na si Jimin ang bias nito, kaya pala galaw Jimin kapag sumayaw.


"Dancerist ka naman Christian ah, ikaw na lang. Marami na akong ginagawa at'saka ikaw naman Vice President eh!" sabi ni Miks habang may malaking ngiti sa kan'yang labi.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PASENSYA KA NA ( 3 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘 ) s̶̶i̶̶n̶̶c̶̶e̶ ̶2̶̶0̶̶1̶̶6̶Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon