Malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin ng mailapat ko ang aking mga paa sa sahig ng NAIA .
Umalingawngaw ang isang matinis na boses na sinundan ng malalakas na tili.
"OMG ! Caramel ! OMG !" halos malagutan ng hininga si Sam na bestfriend ko , pinaningkitan ko s'ya ng mata ng makitang halos ang mga mata at atensyon ng ibang nasa airport ay nasa akin at sa kan'ya ... na ngayon ay lakad-takbong papunta na sa direksyon ko.
"Namiss kita" bungad n'ya ng masunggaban ako ng yakap. Marahas kong tinapik ang balikat n'ya ng maramdamang hindi nako makahinga. This girl ! Ugh.
"Hindi mo ba ako namiss Caramel?" inirapan ko lang s'ya at unti-unting nginisian. Kumislap naman ang mata n'ya ng makitang ngumisi ako at mabilis na hinigit ang aking kanang kamay . Habang ang kaliwang kamay ko na may hawak na patong patong na maleta ay pinaubaya ko na sa mga body guard na kasama n'ya.
"Still the same old Sam" napapailing na bulong ko na ikina-pout n'ya. Narinig siguro.
Dinama ko ang malamig na hangin ng ilang hakbang nalang at pasakay nako sa sasakyan ni Sam, unti-unti kong pinikit ang aking mga mata at naramdaman ang lamig na sumalubong sa akin. Mabilis ko ding iminulat ang mga mata ko ng umihip ang hangin na dinadama ko , halos mapatumba ako sa pagkakatayo ng ibang mukha na ang bumungad sa pagmumukha ko.
Hinawakan n'ya ang braso ko at inalalayan ako ng muntikan ng matumba ang katawang tao ko . Bumungad ang malalalim na titig n'ya sa aking mata , nasulyapan ko pa ang unti-unting pag igting ng kanyang panga.
His dark brown deep eyes , bininaba ko ang tingin ko sa ilong n'ya.. his pointed noes , at unti - unti pang tinuon ng mata ko ang atensyon sa ngayo'y nakaawang na mapulang labi nito na animo'y halos nahalikan na ng lahat ng kababaihan . His wet kissable lips.
Ilang sinti-metro nalamang ang pagitan namin sa isa't isa.
"Caramel ! Kuya ! Tutunganga nalang ba kayo d'yan at magtititigan? Ano ba ?!" malumanay na talak ni Sam na nagpabalik sakin sa katinuan.
Unti-unti s'yang lumayo sa'kin.
"Sinn Graivzer Santiagel .... " pumiyok at mahinang kumawala sa mga bibig ko ang pangalan n'ya ng mauna s'yang pumasok sa loob ng sasakyan nila.
BINABASA MO ANG
A Witch Tale
RomanceEvery queen have their king , every beauty have their beast . But does a witch deserves a prince?. ( ongoing: update-friday/saturday )